11/09/2026
“Kalidad na Pangangalaga sa Ina, Kalusugan ng Sanggol ang Garantiya” 🤰🏻🩷👶🏻
Ngayong araw, Setyembre 11, 2026, ang Pontevedra Main PCF ay nagdiwang ng Buntis Congress — isang makabuluhang pagtitipon na naglalayong bigyang-halaga ang kalusugan, kaligtasan, at kapakanan ng mga ina at kanilang mga sanggol.
Sa pamamagitan ng mga makabuluhang talakayan at pagbahagi ng mahalagang kaalaman mula sa ating mga health professionals, Dr. Jiprele Ike Sobretodo, Dr. Maureen Ruth Mati-ong, Vera Marie Galvez-Nutritionist, and Laissez-Faire Delos Santos-Nurse, itong pagtitipon ay isang paalala na ang bawat ina ay nararapat na maalagaan, mapakinggan, at masuportahan sa bawat yugto ng kanyang pagbubuntis.
Sapagkat sa pangangalaga kay Nanay, inihahanda rin natin ang isang mas malusog na simula para kay Baby.
Salamat sa lahat ng dumalo, sa ating mga buntis, mga kumadrona, BHWs, mga kawani ng PMPCF, sa ating program emcee, Ma’am Kimberly Grace Vasquez at sa Tagapangasiwa ng Programa na si Ma’am May Joy Danasco. Sama-samang nagpatupad ng buong programa upang mapalakas ang kaalaman at kumpiyansa ng ating mga magiging ina. 🌸🫶🏻