13/07/2026
Nakiisa ang Nutritionist-Dietitians’ Association of the Philippines – Palawan Chapter sa Bantay Kalusugan na isinagawa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan, sa pangunguna ng Provincial Health Office (PHO), bilang bahagi ng pagdiriwang ng Nutrition Month ngayong buwan ng Hulyo. Idinaos ang aktibidad noong Hulyo 8, 2026, sa Capitol Pavilion, Provincial Capitol.
Layunin ng aktibidad na hikayatin ang mga kawani ng pamahalaan na higit na pangalagaan ang kanilang kalusugan sa pamamagitan ng regular na pagpapasuri, wastong nutrisyon, at konsultasyon sa mga health professionals. Isinusulong nito ang kahalagahan ng maagap na pangangalaga sa kalusugan at pagpapanatili ng malusog na pamumuhay, alinsunod sa layunin ng pagdiriwang ng Nutrition Month.