07/07/2026
Alam mo ba?!
🤰Ang "high risk" ibig sabihin mas kailangan ng mas madalas na check-up para mabantayan. Hindi ibig sabihin delikado na agad.🤰
🤰MGA SINTOMAS AT RISK FACTORS NG HIGH RISK PREGNANCY
🤰HIGH RISK DAHIL SA SITWASYON NI MOMMY🤰
✅️Ito yung meron na bago pa mabuntis:
1. Edad: Mas bata sa 18 o mas matanda sa 35 years old
2. May sakit na: Diabetes, Highblood, Sakit sa puso, Thyroid, Kidney problem, Asthma, Lupus
3. Timbang: Sobrang payat o sobrang mataba bago mabuntis
4. History: Nangalahati na, nanganak ng premature, namatay si baby sa tyan, nahirapan sa last delivery
5. Pagbubuntis: Kambal o triplet, nabuo gamit IVF
🤰MGA SINTOMAS NA LUMALABAS HABANG BUNTIS🤰
✅️Ito yung mga dapat di binabalewala:
1. Pagdurugo
✅️Kahit tuldok lang o marami. Baka placenta problem o banta ng pagkalaglag
2. Matinding sakit ng ulo
✅️Kasama panlalabo ng paningin, pagsakit ng tyan sa taas. Sign ng Preeclampsia.
3. Namamanas ng sobra
✅️Biglang namaga mukha, kamay, paa. Di nawawala kahit magpahinga
4. Lagnat 38°C+ + nanginginig
✅️Baka may infection
5. Matinding sakit sa tyan
✅️Tuloy-tuloy, hindi nawawala. Baka placental abruption
6. Pumutok panubigan
✅️Tubig na dumadaloy na hindi mapigil
7. Regular na contraction
✅️Bago 37 weeks. Sumisikip tyan every 5-10 mins
8. Hindi gumalaw si baby
✅️Walang 10 galaw sa loob ng 2 oras kahit kumain na
9. Nahihirapang huminga + sakit sa dibdib
✅️ Baka blood clot o problema sa puso
10. Mataas na BP
✅️140/90 pataas sa check-up
11. Mataas na Sugar
✅️Lumalabas sa blood test = "Gestational Diabetes"
🏥NAKIKITA SA CHECK-UP/ULTRASOUND🏥
1. Maliit o sobrang laki si baby vs sa weeks
2. Kulang o sobra ang tubig sa paligid ni baby
3. Mababa ang placenta = Nakatakip sa daanan
4. Problema sa pusod ni baby sa ultrasound
🤰ANO GINAGAWA PAG "HIGH RISK"?🤰
1. Mas madalas check-up - Every 2 weeks o every week
2. Mas maraming Ultrasound - Para bantayan si baby at placenta
3. Minsan need magpahinga o bed rest
4. Minsan naka-schedule na ang panganganak sa hospital
💯IMPORTANTE:💯
✅️May sintomas ≠ automatic delikado.
✅️Maraming high risk na mommy na nanganak ng healthy.
✅️Ang point lang: Mag bantay para maagapan.
📍follow for more health tips🩷