30/03/2026
Nakagat o Nakalmot ng a*o o pusa? Dapat alam mo ang gagawin.
Mapanganib at nakamamatay ang rabies kaya dapat gawin ang mga sumusunod na hakbang kapag nakagat o nakalmot ng a*o o pusa.
✅ Hugasan ang sugat gamit ang malinis na tubig at sabon sa loob ng 15 minuto
✅ Agad na magpatingin sa Animal Bite and Treatment Center para sa angkop at agarang aksyon
✅ Obserbahan o i-monitor ang hayop na nakakagat kung ito ay may mga sintomas o senyales ng rabies:
1. pagiging agresibo
2. takot sa tubig at liwanag
3. naglalaway
4. hirap lumakad
Bukas ang ating mga Animal Bite Center mula Lunes hanggang Biyernes, 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon.
Para sa iba pang impormasyon at surveillance update, i-like, i-follow, at magmessage sa aming page.
Maaari ding tumawag sa QCESD hotline
8703-2759
09622747107
8988-4242 loc 1609