12/06/2026
Sa pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan, ipinapaalala sa atin na ang tunay na kalayaan ay hindi lamang nasusukat sa kasarinlan ng isang bansa kundi sa kakayahan nitong itaguyod ang katotohanan, pananagutan, at integridad.
Bilang mga nars, ang kalayaan ay makapaglingkod nang may dignidad, makapagpahayag ng ating mga saloobin nang may paggalang, at maging bahagi ng mga institusyong at samahang pinamumunuan ng malasakit, pagkakaisa, at pananagutan sa mga miyembro na kanilang pinaglilingkuran.
Kalayaan rin ang pagkakaroon ng boses sa mga usaping pangkalusugan, pagkilala sa ating mahalagang papel sa lipunan, at pagkakataong maitaguyod ang kapakanan ng ating mga pasyente, komunidad, at kapwa nars.
Nawa’y patuloy nating pangalagaan ang isang propesyong malaya sa pansariling interes at nakatuon sa kapakanan ng nakararami, kung saan ang bawat tinig ay may halaga at ang bawat pagkilos ay ginagabayan ng katapatan at malasakit.
Sa ganitong diwa ng kalayaan, sama-sama nating isulong ang isang mas matatag, makatarungan, at mapagkakatiwalaang kinabukasan para sa propesyon ng pag-aalaga at sa sambayanang Pilipino.
Maligayang Araw ng Kalayaan!