QMMC - Public Health Unit

QMMC - Public Health Unit Quirino Memorial Medical Center - Public Health Unit (Official page)

Good afternoon po!๐Ÿฉธโค๏ธWe are currently experiencing a critical shortage in our blood inventory.Hinihikayat po namin ang a...
03/09/2026

Good afternoon po!๐Ÿฉธโค๏ธ

We are currently experiencing a critical shortage in our blood inventory.

Hinihikayat po namin ang ating QMMC employees, pati na rin ang inyong family and friends, na mag-voluntary blood donation kung kwalipikado. All blood types are very much welcome.

Every donation can make a difference and help save the life of a patient in need. โค๏ธ

๐Ÿ“ Blood Bank Section
๐Ÿ•— 8:00 AM โ€“ 9:00 PM, araw-araw
โ˜Ž๏ธ 5304-9800 Local 5034

Maraming salamat po sa inyong patuloy na suporta.

Donate Blood. Save Lives. ๐Ÿฉธโค๏ธ

OH: ANG PAKIKINIG AY PARAAN PARA MAIPAKITA ANG SUPORTA SA MENTAL HEALTHAng pag-alam sa mga senyales at pakikinig ay mga ...
03/09/2026

OH: ANG PAKIKINIG AY PARAAN PARA MAIPAKITA ANG SUPORTA SA MENTAL HEALTH
Ang pag-alam sa mga senyales at pakikinig ay mga simpleng aksyon na maaaring makapagligtas ng buhay.
Kung nakikita mong may nagbabago sa kilos ng iyong kaklase o kaibigan, o kung ikaw mismo ay kailangan ng tulong o kausap, huwag mag-atubiling humingi ng suporta.
Tumawag sa NCMH Crisis Hotline: โ˜Ž๏ธ 1553 (Nationwide Landline Toll-Free) ๐Ÿ“ฑ 0917-899-USAP (8727) | 0919-057-1553.
Maaari rin lumapit sa pinakamalapit na mental health counselor at peer support group sa inyong komunidad, paaralan, o trabaho.




๐—ค๐— ๐— ๐—– ๐—ฃ๐˜‚๐—ฏ๐—น๐—ถ๐—ฐ ๐—›๐—ฒ๐—ฎ๐—น๐˜๐—ต ๐—จ๐—ป๐—ถ๐˜, ๐—ฃ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐˜€ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ž๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป ๐˜€๐—ฎ ๐—ช.๐—œ.๐—Ÿ.๐——. ๐——๐—ถ๐˜€๐—ฒ๐—ฎ๐˜€๐—ฒ๐˜€Bilang tugon sa panawagan na higit pang palakasin a...
24/08/2026

๐—ค๐— ๐— ๐—– ๐—ฃ๐˜‚๐—ฏ๐—น๐—ถ๐—ฐ ๐—›๐—ฒ๐—ฎ๐—น๐˜๐—ต ๐—จ๐—ป๐—ถ๐˜, ๐—ฃ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐˜€ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ž๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป ๐˜€๐—ฎ ๐—ช.๐—œ.๐—Ÿ.๐——. ๐——๐—ถ๐˜€๐—ฒ๐—ฎ๐˜€๐—ฒ๐˜€

Bilang tugon sa panawagan na higit pang palakasin ang mga pampublikong paalala at edukasyong pangkalusugan, nagsagawa ang Public Health Unit ng Quirino Memorial Medical Center (QMMC) ng isang Health Education Session tungkol sa W.I.L.D. Diseases sa Outpatient Department (OPD) ng ospital. Ang W.I.L.D. ay tumutukoy sa Waterborne and Foodborne Diseases, Influenza-like Illnesses, Leptospirosis, at Dengue, mga sakit na mahalagang mabigyang-pansin lalo na ngayong panahon ng tag-ulan.

Kasabay ng talakayan, namahagi rin ang Public Health Unit ng mga Information, Education, and Communication (IEC) materials sa mga pasyente, bantay, at iba pang bisita ng OPD upang higit na mapalawak ang kanilang kaalaman tungkol sa mga W.I.L.D. Diseases at sa mga hakbang na maaaring gawin upang mabawasan ang panganib ng pagkakasakit. Sa pamamagitan ng pagbibigay ng tama at napapanahong impormasyon, hinihikayat ang bawat isa na maging maingat, mapagmatyag sa mga posibleng sintomas, at maagap sa paghahanap ng angkop na serbisyong pangkalusugan.

Ang gawaing ito ay bahagi ng patuloy na pagtugon ng QMMC Public Health Unit sa pangangailangang mapalakas ang health advisories at health education sa loob ng ospital at sa komunidad. Magpapatuloy ang Public Health Unit sa pagsasagawa ng mga ganitong gawain, kabilang ang mga health education sessions, information dissemination, at pamamahagi ng IEC materials, upang mas marami pang pasyente, pamilya, at miyembro ng komunidad ang maabot ng mahahalagang impormasyong makatutulong sa pag-iwas sa sakit at pangangalaga sa kalusugan.







13/08/2026

๐Ÿฅ‰๐Œ๐€๐‹๐”๐†๐Ž๐ƒ ๐๐€ ๐๐€๐†๐๐€๐“๐ˆ, ๐๐”๐ˆ๐‘๐ˆ๐๐Ž ๐Œ๐„๐Œ๐Ž๐‘๐ˆ๐€๐‹ ๐Œ๐„๐ƒ๐ˆ๐‚๐€๐‹ ๐‚๐„๐๐“๐„๐‘!๐Ÿฅ‰

Malugod na binabati ng QMMC Public Health Unit ang Quirino Memorial Medical Center (QMMC) sa pagkakamit ng Ikatlong Pwesto sa Ultimate Magpasikat, kung saan lumahok ang 16 na DOH hospitals. โœจ

Buong-puso kaming sumasaludo sa lahat ng mga kawani ng QMMC na nagbigay ng kanilang oras, talento, husay, at dedikasyon upang maipamalas ang natatanging diwa at pagkakaisa ng ating institusyon.

Tunay nyong ipinakita na ang bawat kawani ng QMMC ay may talento, husay, at pusong handang magbigay ng pinakamahusay.

QMMC Qawani โ€” Serbisyong may Talento, Husay, at Puso! ๐Ÿ’š๐Ÿฅ‰๐Ÿ‘

Muli, malugod na pagbati sa lahat ng naging bahagi ng tagumpay na ito! ๐ŸŽ‰


DOH: MANATILING LIGTAS AT MALUSOG SA EVACUATION CENTERSAyon sa huling ulat ng Office of Civil Defense (OCD), nasa 1,200 ...
10/08/2026

DOH: MANATILING LIGTAS AT MALUSOG SA EVACUATION CENTERS
Ayon sa huling ulat ng Office of Civil Defense (OCD), nasa 1,200 pamilya na ang lumikas sa 119 evacuation sites dahil sa patuloy at mabigat na pag-ulan at pagbaha dulot ng pinagsamang epekto ng , , at .

Habang nasa evacuation center, alamin ang mga dapat gawin upang mapanatili ang kaligtasan at kalusugan ng bawat isa.

Patuloy na maging alerto at makinig sa abiso ng lokal na pamahalaan at ng mga nangangasiwa sa mga evacuation center.



DOH: MANATILING LIGTAS AT MALUSOG SA EVACUATION CENTERS

Ayon sa huling ulat ng Office of Civil Defense (OCD), nasa 1,200 pamilya na ang lumikas sa 119 evacuation sites dahil sa patuloy at mabigat na pag-ulan at pagbaha dulot ng pinagsamang epekto ng , , at .

Habang nasa evacuation center, alamin ang mga dapat gawin upang mapanatili ang kaligtasan at kalusugan ng bawat isa.

Patuloy na maging alerto at makinig sa abiso ng lokal na pamahalaan at ng mga nangangasiwa sa mga evacuation center.



DOH: MAG-INGAT SA MGA MALA-TRANGKASONG SAKIT NA MAY KASAMANG UBO AT SIPON NGAYONG TAG-ULAN!Dahil sa tuloy-tuloy na pag-u...
10/08/2026

DOH: MAG-INGAT SA MGA MALA-TRANGKASONG SAKIT NA MAY KASAMANG UBO AT SIPON NGAYONG TAG-ULAN!

Dahil sa tuloy-tuloy na pag-ulan at malamig na panahon, mas mabilis kumalat ang mga mala-trangkasong sakit o Influenza-Like Illnesses (ILI) kung saan nakararanas din ng pag-ubo at sipon.

Alamin kung ano nga ba ang mga sakit na ito, kung paano ang mga ito naipapasa, at ang mga paraan upang maiwasan ang mga ito.
Kung ikaw ay may lagnat, ubo, o pananakit ng lalamunan, manatili muna sa bahay, magpahinga, at uminom ng 8-10 baso ng tubig.

Pag lumala ang sintomas o nahihirapang huminga, magpakonsulta agad sa pinakamalapit na health center o ospital.






๐—›๐—ฒ๐—ฎ๐—น๐˜๐—ต๐˜† ๐—ก๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐˜†, ๐—›๐—ฒ๐—ฎ๐—น๐˜๐—ต๐˜† ๐—ฃ๐—ฎ๐—บ๐—ถ๐—น๐˜†๐—ฎ: ๐—ช๐—ฎ๐˜€๐˜๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ก๐˜‚๐˜๐—ฟ๐—ถ๐˜€๐˜†๐—ผ๐—ป ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ž๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐—ถ๐—ต๐—ฎ๐—ปBilang bahagi ng pagdiriwang ng National Nutrition M...
03/08/2026

๐—›๐—ฒ๐—ฎ๐—น๐˜๐—ต๐˜† ๐—ก๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐˜†, ๐—›๐—ฒ๐—ฎ๐—น๐˜๐—ต๐˜† ๐—ฃ๐—ฎ๐—บ๐—ถ๐—น๐˜†๐—ฎ: ๐—ช๐—ฎ๐˜€๐˜๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ก๐˜‚๐˜๐—ฟ๐—ถ๐˜€๐˜†๐—ผ๐—ป ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ž๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐—ถ๐—ต๐—ฎ๐—ป

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Nutrition Month, nagsagawa ang Public Health Unit ng Quirino Memorial Medical Center (QMMC) ng serye ng Health Education Sessions noong Hulyo 22 at 29, 2026 sa BUCAS โ€“ Better World Clinic, Cubao, Lungsod ng Quezon, upang palawakin ang kaalaman ng mga kababaihan tungkol sa kahalagahan ng wastong nutrisyon sa bawat yugto ng kanilang buhay. Sa pamamagitan ng temang "Healthy Nanay, Healthy Pamilya: Nutrisyon para sa Bawat Yugto ng Buhay ng Kababaihan," binigyang-diin na ang kalusugan ng bawat ina ang nagsisilbing matibay na pundasyon ng isang malusog na pamilya.

Sa mga talakayan, tinalakay ang kahalagahan ng wastong nutrisyon sa iba't ibang yugto ng buhay ng kababaihan, kabilang ang panahon ng regla, pagbubuntis, pagpapasuso, at menopause. Binigyang-pansin din ang kahalagahan ng unang 1,000 araw ng buhay, ang wastong paghahati ng pagkain gamit ang Pinggang Pinoy, at ang papel ng mahahalagang sustansiya tulad ng Iron, Calcium, Folate, Fiber, at Protina sa pagpapanatili ng mabuting kalusugan. Nagbahagi rin ng mga praktikal na gabay sa pagpili ng masustansyang pagkain at pagpapanatili ng malusog na pamumuhay bilang mahalagang hakbang sa pag-iwas sa sakit at pagtataguyod ng pangmatagalang kalusugan.

Sa pamamagitan ng mga gawaing tulad nito, patuloy na isinusulong ng QMMC Public Health Unit ang pagbibigay ng tama, mapagkakatiwalaan, at napapanahong edukasyong pangkalusugan upang mabigyang-kakayahan ang bawat indibidwal na gumawa ng mas mabubuting pasya para sa kanilang kalusugan. Naniniwala ang Public Health Unit na ang pagpapalawak ng kaalaman sa wastong nutrisyon ay isang mahalagang hakbang tungo sa pagbuo ng mas malulusog na pamilya at mas matatag na komunidad.







31/07/2026

๐ŸŽ™๏ธ ๐—›๐—˜๐—”๐—Ÿ๐—ง๐—› ๐—ง๐—”๐—Ÿ๐—ž๐—ฆ ๐— ๐—˜๐—ง๐—ฅ๐—ข | ๐—˜๐—ฃ๐—œ๐—ฆ๐—ข๐——๐—˜ ๐Ÿญ
โ€œ๐˜•๐˜ฐ๐˜ถ๐˜ณ๐˜ช๐˜ด๐˜ฉ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜Œ๐˜ท๐˜ฆ๐˜ณ๐˜บ๐˜‘๐˜ถ๐˜ข๐˜ฏโ€

Sa episode na ito, alamin natin mula sa National Nutrition Council - NCR ang mga mahahalagang impormasyon tungkol sa tama at wastong nutrisyon. Tuklasin natin kung paano makatutulong ang tamang pagkain sa pagkakaroon ng mas malusog na komunidad.

Dahil ang tamang nutrisyon ay hindi lamang tungkol sa pagkain, ito ay tungkol sa pag-aalaga sa kalusugan ng bawat Juan at Juana.

Mas malusog na Metro, nagsisimula sa'yo. Dito sa Health Talks Metro.




DOH: MAG-INGAT SA FLASH FLOOD DULOT NG MALAKAS NA ULANSa huling ulat ng DOST-PAGASA, may dalawang LPA na binabantayan sa...
29/07/2026

DOH: MAG-INGAT SA FLASH FLOOD DULOT NG MALAKAS NA ULAN

Sa huling ulat ng DOST-PAGASA, may dalawang LPA na binabantayan sa loob at labas ng PAR. Dala nito ang malalakas na ulan pwedeng magdulot ng biglaang pagbaha o flash flood sa ilang lugar.

Kapag nasa panganib, ipinapaalala ng DOH na:
โœ… Lumikas agad at sumunod sa abiso ng barangay o LGU, lalo na kung nakatira sa tabing-ilog o dagat.
โœ… Ilayo ang mga bata sa baha, kanal, sapa, at ilog.
โœ… โ€˜Wag tumawid, maglakad, o magmaneho sa rumaragasang baha.
โœ… Mag-ingat sa mga butas sa kalsada at kapag naglalakad sa gilid ng mga ilog o sapa.
โœ… Iwasan ang pag-inom at pagbebenta ng alak.
โœ… Gumamit ng salbabida o mga gamit na maaaring magpalutang kung hindi maiiwasan lumusong sa baha.

Kung may nalulunod, tumawag agad sa National Emergency Hotline 911 o sa local emergency hotline. Kung ligtas itong gawin, magsagawa ng hands-only CPR habang naghihintay ng tulong.

Huwag lumusong sa baha. Buhay mo ang nakataya.





DOH: MAG-INGAT SA FLASH FLOOD DULOT NG MALAKAS NA ULAN

Sa huling ulat ng DOST-PAGASA, may dalawang LPA na binabantayan sa loob at labas ng PAR. Dala nito ang malalakas na ulan pwedeng magdulot ng biglaang pagbaha o flash flood sa ilang lugar.

'Pag nasa panganib, ipinapaalala ng DOH na:

โœ… Lumikas agad at sumunod sa abiso ng barangay o LGU, lalo na kung nakatira sa tabing-ilog o dagat.
โœ… Ilayo ang mga bata sa baha, kanal, sapa, at ilog.
โœ… โ€˜Wag tumawid, maglakad, o magmaneho sa rumaragasang baha.
โœ… Mag-ingat sa mga butas sa kalsada at kapag naglalakad sa gilid ng mga ilog o sapa.
โœ… Iwasan ang pag-inom at pagbebenta ng alak.
โœ… Gumamit ng salbabida o mga gamit na maaaring magpalutang kung hindi maiiwasan lumusong sa baha.

Kung may nalulunod, tumawag agad sa National Emergency Hotline 911 o sa local emergency hotline. Kung ligtas itong gawin, magsagawa ng hands-only CPR habang naghihintay ng tulong.

โ€™Wag lumusong sa baha. Buhay mo ang nakataya.




๐—ค๐— ๐— ๐—– ๐—ฃ๐—จ๐—•๐—Ÿ๐—œ๐—– ๐—›๐—˜๐—”๐—Ÿ๐—ง๐—› ๐—จ๐—ก๐—œ๐—ง, ๐—ก๐—”๐—š๐—ฆ๐—”๐—š๐—”๐—ช๐—” ๐—ก๐—š ๐—ฆ๐—˜๐—ฅ๐—ฌ๐—˜ ๐—ก๐—š ๐— ๐—š๐—” ๐—Ÿ๐—”๐—ฌ ๐—Ÿ๐—˜๐—–๐—ง๐—จ๐—ฅ๐—˜๐—ฆ ๐—ก๐—š๐—”๐—ฌ๐—ข๐—ก๐—š ๐—›๐—จ๐—Ÿ๐—ฌ๐—ข ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐ŸฒPatuloy na isinusulong ng Public Healt...
24/07/2026

๐—ค๐— ๐— ๐—– ๐—ฃ๐—จ๐—•๐—Ÿ๐—œ๐—– ๐—›๐—˜๐—”๐—Ÿ๐—ง๐—› ๐—จ๐—ก๐—œ๐—ง, ๐—ก๐—”๐—š๐—ฆ๐—”๐—š๐—”๐—ช๐—” ๐—ก๐—š ๐—ฆ๐—˜๐—ฅ๐—ฌ๐—˜ ๐—ก๐—š ๐— ๐—š๐—” ๐—Ÿ๐—”๐—ฌ ๐—Ÿ๐—˜๐—–๐—ง๐—จ๐—ฅ๐—˜๐—ฆ ๐—ก๐—š๐—”๐—ฌ๐—ข๐—ก๐—š ๐—›๐—จ๐—Ÿ๐—ฌ๐—ข ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ

Patuloy na isinusulong ng Public Health Unit ng Quirino Memorial Medical Center (QMMC) ang pagbibigay ng tama at napapanahong edukasyong pangkalusugan sa pamamagitan ng serye ng Lay Lectures na isinasagawa ngayong buwan ng Hulyo 2026 sa Outpatient Department (OPD) OB Ramp. Dinaluhan ito ng mga pasyente, bantay, at iba pang bisita ng ospital bilang bahagi ng patuloy na pagpapalawak ng kamalayang pangkalusugan sa komunidad.

Sa bawat sesyon, tinalakay ang mahahalagang paksang may kaugnayan sa pag-iwas sa sakit at pagpapanatili ng kalusugan. Noong Hulyo 8, tinalakay ang Hand, Foot, and Mouth Disease (HFMD), WILD Diseases, at QMMC Healthcare Waste Management. Sinundan ito noong Hulyo 16 ng mga talakayan tungkol sa Deworming, Infection Prevention and Control, at QMMC Healthcare Waste Management. Samantala, noong Hulyo 23, tinalakay naman ang Allergy, Hepatitis, at muling binigyang-diin ang kahalagahan ng QMMC Healthcare Waste Management bilang mahalagang bahagi ng pagpapanatili ng isang ligtas, malinis, at maayos na kapaligiran sa loob ng ospital.

Sa pamamagitan ng mga talakayang ito, higit na naunawaan ng mga kalahok ang kahalagahan ng pag-iwas sa mga karaniwang karamdaman, maagang pagkilala sa mga sintomas, tamang pangangalaga sa kalusugan, at responsableng pangangasiwa ng healthcare waste. Ang aktibong pakikilahok ng mga dumalo ay nagpapatunay na mahalagang maihatid sa publiko ang mapagkakatiwalaan at madaling maunawaang impormasyong pangkalusugan upang makagawa sila ng mas angkop na desisyon para sa kanilang kalusugan at kapakanan.

Patuloy na magsisilbing katuwang ng publiko ang QMMC Public Health Unit sa pagsusulong ng mga programang pangkalusugan na nagbibigay ng tama, napapanahon, at makabuluhang impormasyon. Sa pamamagitan ng mga inisyatibong tulad nito, layunin nitong mahikayat ang bawat isa na maging aktibong kabahagi sa pangangalaga ng sariling kalusugan, ng kanilang pamilya, at ng komunidad.





Address

J. P. Rizal Cor. P. Tuazon Boulevard
Quezon City
1109

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when QMMC - Public Health Unit posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to QMMC - Public Health Unit:

Shortcuts

Share