24/08/2026
Noong Agosto 22, nagsama-sama ang mga pamilya, doctor, occupational therapists, at speech therapists para sa isang makabuluhang Home Empowerment event na ginanap sa PCMC Brain Center.
Ito po ay ang Level Up: Growing Up with Autism na isang transition planning workshop para sa mga magulang ng mga teenager na may Autism.
Sa pamamagitan ng pagkatuto, pagbabahagi ng karanasan, at mga hands-on na gawain, layunin nating bigyan ang mga magulang at caregivers ng mga praktikal na kaalaman at kasanayan upang mas maitaguyod ang pag-unlad, kalayaan, at kapakanan ng kanilang mga anak—simula sa tahanan. 🌱
Maraming salamat sa lahat ng pamilyang nakiisa, sa aming mga tagapagsalita, lecturers, facilitators, at sa lahat ng tumulong upang maging matagumpay at makabuluhan ang araw na ito. 💙
Sama-sama nating palakasin ang pamilya, pagyamanin ang tahanan, at suportahan ang bawat batang umunlad sa sariling paraan. ✨