28/05/2022
🔹MGA DAPAT MALAMAN TUNGKOL SA
KULANI O LYMPH NODES🔹
🔹Ang pamamaga ng mga lymph nodes, o mas kilala sa tawag na kulani, ay nangyayari dahil ito sa bacteria o virus. Kapag ang namamagang lymph node ay nagka-impeksiyon, ito ay tinatawag na lymphadenitis. Bihira na ang kulani ay dahil sa cancer.
🔹Ang lymph nodes at lymph glands ay importante sa paglaban ng katawan sa impeksiyon. Ito ay nagiging salaan ng mga bacteria o virus bago pa maka-impeksiyon sa iba't ibang bahagi ng ating katawan. Kadalasanng makikita ang mga kulani sa bandang leeg, ilalim ng baba, sa kili-kili at bandang singit
🔹Sa iba, ang pagdiin ng mainit-init na tuwalya ay sapat na upang mapagaling ang kulani. May mga panahon din na kusang nawawala ang pamamaga ng kulani. Ang paggamot naman ng lymphadenitis ay depende sa sanhi nito.
🔹SINTOMAS🔹
🔹Ang pagkakaroon ng kulani ay isang
senyales na may problema ang isang
bahagi ng katawan. Sa pagmaga ng
lymph nodes, mapapansin ang:
🔸Pagsakit sa lymph nodes
🔸Pamamaga na kasing laki ng munggo o
mas malaki pa
🔹Maaaring may iba pang sintomas
depende sa nilalabanan na impeksiyon
ng katawan tulad ng:
🔸Sipon
🔸masakit na lalamunan
🔸lagnat
🔸Iba pang senyales ng problema sa baga
🔹Pagmaga ng lymph nodes sa maraming
parte ng katawan na maaaring senyales
ng impeksiyon tulad ng HIV o
mononucleosis, o immune disorder tulad
ng lupus o rheumatoid arthreitis.
🔸Matigas na kulani na maaaring tumor
🔸Lagnat
🔸Pagpapawis.
🩺Kailan magpapa-konsulta sa doktor:
🔹Ang kulani ay kusang gumagaling kapag
ang nilalabanan na impeksiyon nito ay
nawala na.
🩺Magpa-konsulta sa doktor kung an
kulani ay:
🔸Namaga ng walang kadahilanan
🔸Tuloy-tuloy ang paglaki at tumagal na
nang dalawa hanggang apat na linggo
🔸Matigas at hindi gumagalaw
paghinahawakan
🔸May kasamang lagnat, pagpapawis at
pamamayat
🔸May kasamang hirap sa paglunok o
paghinga
🔹MGA SANHI NG PAGKAKAROON NG
NAMAMAGANG KULANI🔹
🔸Ang mga lymph nodes ay hiwa-hiwalay
na grupo na may kanya-kanyang
sinasala na parte ng katawan. Ang
lokasyon ng kulani ay makakatulong
upang ituro ang impeksiyon na nagiging
dahilan nito.
🔸Ang pinakamadalas na sanhi ng
pamamaga ng kulani ay impeksiyon, lalo
na viral infection, tulad ng sipon.
🔹Madadalas na mga impeksiyon🔹
🔸Strep throat
🔸Tigdas
🔸Impeksiyon sa tenga
🔸Impeksiyon sa ngipin
🔸Mononucleosis
🔸Impeksiyon sa balat at sugat, tulad ng
cellulitis
🔸Human immunodeficiency virus (HIV)
virus na nagiging sanhi ng AIDS
🔹BIHIRANG MGA IMPEKSIYON🔹
🔸Tuberculosis
🔸Ibang sexually transmitted na
impeksiyon, tulad ng syphilis
🔸Toxoplasmosis - Parasitic na impeksiyon
na nakukuha sa pagdikit sa dumi ng
pusang may impeksiyon o pagkain ng
hilaw na karne.
🔸Cat scratch fever - Bacterial na
impeksiyon mula sa kalmot o kagat ng
pusa.
🔹SAKIT SA IMMUNE SYSTEM🔹
🔸Lupus - Sakit na tumitira sa mga
kasukasuhan, balat, bato, blood cells,
puso at baga.
🔸Rheumatoid arthritis - Sakit na tumitira
sa tissue at pagitan ng mga buto.
🔹CANCER🔹
🔸Lymphoma - Cancer na nagsisimula sa
lymphatic system.
🔸Leukemia - Cancer sa blood-forming
tissue ng katawan tulad ng bone marrow
at lymphatic system.
🔸Iba pang cancer na kumalat na
papuntang lymphatic system. Maaari,
ngunit bihira, maging sanhi ang
pag-inom ibang gamot tulad ng
anti-seizure medication phenytoin at
gamot panlaban sa malaria.
🔹Mga posibleng komplikasyon:
🔹Kung ang impeksiyon na sanhi ng
namamagang kulani ay hindi nagamot,
maaaring mangyari ang mga
komplikasyon na:
🔸Pagkakaroon ng nana - Ang mga nana
na ito ay may laman na likido, white
blood cells, patay na tissue, at bacteria.
Maaaring kailanganin itong alisan ng
laman.
🔸Bloodstream infection (bacteremia) - Ang
impeksiyon dahil sa bacteria kahit saan
sa katawan ay maaaring maging sepsis,
isang malalang impeksiyon sa daluyan
ng dugo.
Kung kayo po ay may mga komplikasyon o karamdaman sa mga nabanggit. Meron po kaming Natural na paraan upang matulong sa mga ito.
Meron po kaming Free Face to Face Consultation every Tuesday at Friday 1pm onward at Online Consultation via Zoom.
Sa nais umattend o magpaconsult online magmessage lamang po sa page na ito o tumawag sa 09393712817