07/08/2025
ALAMIN: Ano ang mga senyales na ang isang tao ay nakakaranas ng stroke?
Ayon sa Stroke Society of the Philippines, kailangang tandaan ang F.A.S.T. – Face, Arm weakness, Speech, Talk to 911 – upang maagapan ang paunang sintomas ng stroke.
Ang stroke ay isang senyales na hindi makakuha ng sapat na supply ng dugo ang utak ng isang tao. Kalaunan, maaari itong magdulot ng brain damage, disability, o pagkamatay.
Kabilang sa mga sintomas ang pagkahilo, paglabo ng paningin, pagbagsak o pag-ngiwi ng kalahating bahagi ng mukha, panghihina ng braso at binti, at hirap sa pagsasalita.
Ngayong World Stroke Day (Okt. 29), patuloy ang kampanya ng Kagawaran ng Kalusugan upang ipaalam sa publiko ang kahalagahan ng pagtukoy sa mga senyales ng stroke. Sa ganitong paraan, agarang mabibigyang lunas ang sino mang makakaranas ng stroke.