24/08/2026
Paano nga ba malalaman kung ang malakas na paghilik ay SLEEP APNEA na? Bagama’t ang paghilik ay isa sa numero unong senyales, may iba-iba pang SINTOMAS ang SLEEP APNEA gaya ng mga sumusunod:
-Malakas na paghilik na may kasamang pagtigil ng paghinga – Ang ibig sabihin ng “apnea” sa salitang Griyego ay “walang hininga.” Hindi porket humihilik nang malakas ay naapektuhan ka na ng kondisyon na ito. Kailangan itong may kasamang pagtigil ng paghinga para masabing sleep apnea.
-Parang nabubulunan o humahangos ang paghinga – Ang taong may sleep apnea ay magigising paminsan-minsan na parang nabubulunan o humahangos ang paghinga. Nagpupumilit kasi ang katawan na kumuha ng maraming oxygen dahil sa nakukulangan ito.
-Masakit at tuyong lalamunan paggising – Dahil sa nahihirapan ang katawan sa paghinga gamit ang ilong lamang, ang taong may sleep apnea ay walang malay na ibinubuka ang kanyang bibig para mas makasagap ng hangin. Ang resulta nito ay ang pagkakaroon ng masakit at tuyong lalamunan paggising.
-Insomnia o hindi makatulog nang maayos– Ang sinumang may sleep apnea ay madalas ding makakaranas ng insomnia. Dahil sa naaantalang paghinga, ang taong may sleep apnea ay madalas magising sa kalagitnaan ng kanyang pagtulog.
-Panghihina at laging inaantok – Para may sapat na enerhiya kinabukasan, ang isang tao ay nangangailangan ng 7 hanggang 9 oras na tulog. Pero ang taong may sleep apnea ay hindi nakakukumpleto ang rekomendadong oras na ito, kaya siya ay madalas na nanghihina at laging inaantok.
-Pananakit ng ulo at pagiging makakalimutin – Sa sleep apnea, ang utak ay hindi nakatatanggap ng sapat na oxygen, kaya naman nakararanas ng pananakit ng ulo lalo na sa paggising. Maaari rin itong magresulta sa pagiging makakalimutin.
Ang paggamit ng MSS araw-araw ay makakatulong upang MAKAIWAS dito.
shopeeaccount
https://s.shopee.ph/7pnhdeF3NC