QMMC Family Medicine OPD

QMMC Family Medicine OPD Ito ang opisyal na page ng Quirino Memorial Medical Center - Family and Community Medicine

📢 PABATID-PUBLIKO Magandang araw!Ipinababatid sa lahat na sarado ang Family Medicine OPD ng Quirino Memorial Medical Cen...
18/08/2026

📢 PABATID-PUBLIKO

Magandang araw!

Ipinababatid sa lahat na sarado ang Family Medicine OPD ng Quirino Memorial Medical Center sa mga sumusunod na petsa bilang pagtalima sa mga idineklarang holiday:

• Agosto 19, 2026 (Miyerkules) – Quezon Day (Special Non-Working Public Holiday sa Quezon City)
• Agosto 21, 2026 (Biyernes) – Ninoy Aquino Day (Special Non-Working Holiday)
• Agosto 31, 2026 (Lunes) – National Heroes Day (Additional Special Non-Working Day)

Ang pagsasara ay alinsunod sa Proclamation No. 1006 at sa inilabas na Hospital Circular Blg. 027, Serye 2026.

Para sa impormasyon ukol sa ibang departamento magtungo sa Opisyal na page ng QMMC https://www.facebook.com/qmmc.doh.gov.ph

Paalala: Mananatiling bukas at handang magbigay ng serbisyo ang Emergency Department at iba pang mahahalagang serbisyong pangkalusugan para sa mga agarang pangangailangan.

Maraming salamat sa inyong pag-unawa at kooperasyon. Manatiling ligtas at malusog!

📢 PABATID-PUBLIKOIpinababatid sa lahat na sarado ang Family Medicine OPD ng Quirino Memorial Medical Center sa Agosto 18...
17/08/2026

📢 PABATID-PUBLIKO
Ipinababatid sa lahat na sarado ang Family Medicine OPD ng Quirino Memorial Medical Center sa Agosto 18, 2026 (Martes) dulot ng labis na pag-ulan dala ng habagat. Ang pagsasara ay alinsunod sa Memorandum Circular No 128.

Paalala: Mananatiling bukas at handang magbigay ng serbisyo ang Emergency Department at iba pang mahahalagang serbisyong pangkalusugan para sa mga agarang pangangailangan.

Maraming salamat sa inyong pag-unawa at kooperasyon.

17/08/2026

DOH: PROTEKTAHAN ANG SARILI SA LEPTOSPIROSIS NGAYONG TAG-ULAN

Detalye sa comment section.




Magandang araw!Inaanyayahan ng Departamento ng Medisinang Pampamilya at Pangkomunidad at Employees' Health and Wellness ...
13/07/2026

Magandang araw!

Inaanyayahan ng Departamento ng Medisinang Pampamilya at Pangkomunidad at Employees' Health and Wellness Center ang lahat ng empleyado, pasyente, bantay, at miyembro ng komunidad na makilahok sa ating Recover & Reconnect session ngayong buwan:

✨ FLOW & GLOW: Qi Gong for Beginners ✨

Alamin ang mga simpleng galaw, tamang paghinga, at relaxation techniques na makatutulong sa pagpapagaan ng stress at pagpapanatili ng kalusugan. Walang kinakailangang karanasan - bukas ito para sa lahat!

📅 Hulyo 17, 2026 (Biyernes)
🕒 3:00 PM – 5:00 PM
📍 QMMC Auditorium

📝 Magparehistro dito: https://forms.gle/WZLWqxF6vDn8UkQ1A

Libre ang aktibidad! Magsuot lamang ng komportableng kasuotan. Limitado ang slots at ang mga kalahok ay tatanggapin batay sa pagkakasunod ng kumpletong rehistrasyon.

Maraming salamat at inaasahan namin ang inyong pakikilahok! 💚

💻📱 Narito ang step-by-step guide para sa Telemedicine.Kung kayo ay nakararanas ng kahirapan sa pag-access o pagkonekta s...
11/06/2026

💻📱 Narito ang step-by-step guide para sa Telemedicine.

Kung kayo ay nakararanas ng kahirapan sa pag-access o pagkonekta sa Zoom, maaari po kayong magpadala ng mensahe sa aming page. Sisikapin naming maibigay ang kinakailangang gabay at suporta upang maging maayos ang inyong online consultation.

📩 Bukas ang aming page mula 8:00 AM hanggang 5:00 PM para sa mga karagdagang impormasyon, katanungan, at teknikal na suporta.

🔊 PABATID-PUBLIKO ‼️Ang Family Medicine Services ay kasalukuyang nagta-transition sa appointment system at mas pinaiigti...
08/06/2026

🔊 PABATID-PUBLIKO ‼️

Ang Family Medicine Services ay kasalukuyang nagta-transition sa appointment system at mas pinaiigting ang paggamit ng telemedicine upang mas mapabuti ang ating serbisyo. Kaugnay nito, ipinababatid namin sa lahat ng pasyente ang mga sumusunod:

📌 1. Family Medicine OPD Clinic
🗓️ Lunes hanggang Biyernes (maliban sa holidays)
🕗 8:00 AM – 5:00 PM

Para sa:
• Mga bagong pasyente na wala pang hospital number galing sa QMMC
• Mga pasyenteng nangangailangan ng face-to-face consultation

➡️ Kinakailangang magpa-schedule sa pamamagitan ng pagmessage sa page.

📌 2. Telemedicine o Online Consultation
🗓️ Lunes hanggang Biyernes (maliban sa holidays)
🕐 1:00 PM – 3:00 PM

Para sa:
• Pagpapabasa ng laboratory results
• Routine check-up at monitoring
• Paghingi ng laboratory requests
• Pagpapareseta ng gamot

➡️ Magpa-schedule sa pamamagitan pag-message sa page.
➡️ Hindi na kailangang pumunta sa OPD. Hintayin lamang ang konsultasyon mula sa inyong tahanan gamit ang Zoom application.

📌 3. QMMC BUCAS Betterworld Cubao Clinic
⚠️ PANSAMANTALANG TIGIL-OPERASYON

➡️ Mangyaring antabayanan ang mga susunod na anunsyo tungkol sa muling pagbubukas nito sa aming page.

📲 Para sa appointment at karagdagang impormasyon, i-scan ang QR code o magpadala ng mensahe sa aming page.

Maraming salamat po sa inyong pag-unawa at pakikipagtulungan.

📣PABATID-PUBLIKO‼️Alinsunod sa deklarasyon ng Tanggapan ng Pangulo ng Pilipinas, ipinaaalam po na pansamantalang suspend...
25/05/2026

📣PABATID-PUBLIKO‼️

Alinsunod sa deklarasyon ng Tanggapan ng Pangulo ng Pilipinas, ipinaaalam po na pansamantalang suspendido ang operasyon ng Outpatient Department (OPD) sa ika-27 ng Mayo, 2026.

Ito ay kaugnay ng pagsuspendido ng trabaho sa mga tanggapan ng pamahalaan para sa pagdiriwang ng Eid'l Adha.

Kung nangangailangan ng agarang gamutan, mangyaring magtungo sa ating EMERGENCY ROOM na bukas 24 oras.

Maraming salamat po.

PABATID-PUBLIKO‼️Pansamantala munang ihihinto ang operasyon ng QMMC BUCAS - Better World Cubao ClinicMananatiling bukas ...
22/05/2026

PABATID-PUBLIKO‼️

Pansamantala munang ihihinto ang operasyon ng QMMC BUCAS - Better World Cubao Clinic

Mananatiling bukas ang mga sumusunod na serbisyo mula Lunes hanggang Biyernes, maliban sa holiday:
QMMC Family Medicine OPD clinic: 8am -5pm
Telemedicine: 1pm -3pm

Para sa karagdagang impormasyon, maaari pong magmessage.

Address

QMMC Hospital, JP Rizal Corner P Tuazon Boulevard , Project 4 Quezon City
Quezon City
1109

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm
Sunday 6am - 10pm

Telephone

+639616714456

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when QMMC Family Medicine OPD posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share