08/06/2026
Nakapanganak ka na, pero biglang masakit ang ulo at nahihilo? Alam mo bang hindi natatapos ang panganib ng preeclampsia pagkatapos manganak?
Nangyayari ang postpartum preeclampsia sa loob ng 48 hours hanggang anim na linggo matapos manganak. Maaaring tumagal din ang pagtaas ng presyon hanggang labindalawang linggo matapos manganak. Kahit pa naging maayos ang iyong panganganak, bantayan pa rin ang iyong presyon at i-report kaagad sa iyong doktor ang mga mararamdamang sintomas lalo kung bigla kang nagmanas, sumakit ang taas na bahagi ng tiyan, makaranas ng pagsakit ng ulo, pagsusuka, o paglabo ng iyong mga mata.
Importante ang kalusugan mo, mommy! Para ito sa inyong dalawa ni baby.
Dito sa Pilipinas, sama-sama pa din tayo para sa “Maagang tuklas, Ligtas na Bukas Laban sa Preeclampsia!” Sabay-sabay natin alamin ang lahat tungkol sa sakit na ito. Maki-chismis, maki-basa! Ito ang maaaring magligtas sayo at sa kapwa inay na katulad mo.
To know more, visit the information hub for a discussion about Preeclampsia. https://psmfm.org/web/information-hub/may-22-is-world-preeclampsia-day/
Are you worried you have the risks? Got more questions? Visit the PSMFM page and find a Perinatologist nearest you to book an appointment.
https://psmfm.org/web/find-an-mfm/
Visit www.psmfm.org for more information