05/05/2026
MIKROBYO SA STREET FOODS
Sa isang pag-aaral na isinagawa ng Department of Medical Microbiology ng College of Public Health ng University of the Philippines-Manila, lumabas na nakita ang tinatawag na antimicrobial resistance (AMR) sa street foods.
Tumutukoy ang AMR sa mikrobyo na na-detect sa mga palamig at ibang street foods, tulad ng kwek-kwek at sawsawan sa survey ng UP-Manila sa 12 stalls sa Tondo, Maynila.
Paliwanag ni Associate Professor at Scientist II Geraldine Dayrit, nagkakaroon ng AMR kapag hindi maayos ang handling ng pagkain ng nagtitinda at ang aksyon din ng mga bumibili.