09/06/2026
🦟 Ngayong Dengue Awareness Month, sama-sama nating labanan ang dengue! 🦟
Ang dengue ay nananatiling banta sa kalusugan ng ating komunidad. Upang higit na mapalakas ang pag-iwas dito, pinalawak ng Department of Health (DOH) ang dating 4S Kontra Dengue at ginawa itong 5S Kontra Dengue, isang mas pinatibay na estratehiya laban sa pagkalat ng sakit.
Tandaan ang 5S Kontra Dengue Strategy:
✅ Search and Destroy – Alisin ang mga lugar na maaaring pamahayan ng lamok at kiti-kiti.
✅ Self-Protect – Magsuot ng proteksiyon at gumamit ng mosquito repellent.
✅ Seek Consultation – Magpatingin agad kung may lagnat at iba pang sintomas na maaaring dulot ng dengue.
✅ Sustain Hydration – Uminom ng sapat na tubig upang maiwasan ang dehydration.
✅ Support Fogging Activities – Makibahagi sa mga hakbang ng komunidad laban sa dengue.
Ang simpleng paglilinis ng kapaligiran, maagang pagkilala sa mga sintomas, at agarang pagpapakonsulta ay maaaring makapagligtas ng buhay.
📢 Huwag mag-atubiling magpakonsulta sa inyong mga doktor sa Department of Family and Community Medicine para sa tamang gabay at agarang pangangalaga.
Sama-sama nating sugpuin ang dengue. Simulan natin sa ating tahanan at komunidad!
🦟💙🏥