Royale beauty& health opportunity by genelyn a.flores

Royale beauty& health opportunity by genelyn a.flores Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Royale beauty& health opportunity by genelyn a.flores, Quezon City.

Tama!!kids b4 self
12/04/2018

Tama!!kids b4 self

Ang pagiging isang INA ay napakahiwaga.
Lahat ng kanyang pangarap ay hindi na para sa kanya, kundi para sa mga ANAK niya.

10/08/2016

Paano Maging Matalino
Dr. Willie T. Ong

Alam kong gusto ninyong maging matalino. At kung matalino ka na, dapat ay maprotektahan ang iyong utak para manatili kang matalino. May paraan iyan:
1. Kumain ng brain food o mga pagkaing mabuti sa utak. May mga pag-aaral na nagpapakita na may tulong ang pagkain ng (1) isang dakot ng mani bawat araw dahil may good oils ito na nagpapataas ng serotonin levels, (2) matatabang isda tulad ng tilapia, sardinas at salmon na may omega-3, (3) olive oil at avocado na may omega-3, at (4) dark chocolate na may flavonoids na pinapanatiling bata ang ating ugat.
2. Gamitin palagi ang utak. Sumagot ng mga crossword puzzles at Sudoku. Maglaro ng chess. Subukang mag-multiply o magkuwenta sa pamamagitan ng isip at huwag nang gumamit ng calculator. Paganahin ang iyong utak.
3. Mag-internet at mag-search sa Google. May pagsusuri na nagpapakita na nakakatalino ang pag-surf sa internet. Kahit bata man o may edad, napatunayan sa brain scans na ang paggamit ng internet ay nagpapagana ng ating utak.
4. Umiwas sa alak at mga bisyo. Ang pag-inom ng sobrang alak ay nakababawas ng brain cells. Hihina ang iyong memorya. May sakit na kung tawagin ay “alcoholic dementia.” Ang ibig sabihin nito ay nagiging uliyanin ang pasyente dahil nabababad ang kanyang utak sa alcohol. Iwas din sa paninigarilyo at pagpupuyat.
5. Piliting mag-aral kahit nahihirapan ka. Kahit hindi mo gaano maintindihan ang iyong leksyon, pagtiyagaan mo pa rin ito. Sa English class, magbasa lang ng libro. Sa Mathematics, mag-practice sa pagsagot sa mga tanong para maging bihasa. Maya-maya, magugulat ka na lang at naiintindihan mo na pala.
6. Mangarap o mag-day dream. Oo, okay lang ang mangarap ng gising. Kung ang pangarap mo ay maging isang piloto, abugado o doktor, isipin mo kung paano ito magkakatotoo. Ayon sa mga psychologists, kapag lagi mong inaasam ang isang bagay, gagawa ng paraan ang iyong utak at katawan na magkatotoo ito. Lahat ng nagtagumpay ay nag-umpisa lamang sa isang pangarap.
7. Protektahan ang iyong ulo. Huwag hayaang mauntog o masuntok ang iyong ulo. Magsuot ng helmet habang nag-mo-motorsiklo, nag-sports o nagta-trabaho. Sa mga may edad, mag-ingat sa paglalakad at baka ika’y matumba at mauntog ang iyong ulo.
8. Uminom ng vitamin B complex na may folic acid. Ayon sa bagong pagsusuri, ang pag-inom ng vitamin B complex ay maaaring magpabagal sa pagkakaroon ng Alzheimer’s disease at pagiging makalimutin. Hindi lang iyan, sa mga nagbubuntis, kailangan ninyong uminom ng vitamin B with folic acid para hindi magkaroon ng brain damage (neural tube disorder) ang iyong anak.
9. At huli sa lahat, bantayan ang iyong blood pressure, kolesterol at blood sugar. Kailangan ay normal ang lahat ng ito para manatiling maganda ang daloy ng dugo sa iyong utak. Kung mayroon kang nararamdaman, magpatingin sa iyong doktor.

Welcome back po sa ating lahat pasensya na tagl akong nawala
08/08/2016

Welcome back po sa ating lahat pasensya na tagl akong nawala

Ang Avocado, hindi lang pang desert at salad, dahil ang buto, dahon at balat ng kanyang puno nito aba may gamot ding dala?! Wow! Winner na winner Kapamilya! Abangan mamaya ang mga ituturo namin sa inyo.

Amen
16/03/2016

Amen

The Lord my God lights my darkness -Psalm 18:28 Amen

Kng sa tingin natin at may tiwala tau sa isang doc.lets help
16/03/2016

Kng sa tingin natin at may tiwala tau sa isang doc.lets help

Mensahe ni DOC WILLIE at DOC LIZA ONG - Share with a friend.

50,000 BUHAY, Kaya ba natin I-LIGTAS?

Kaibigan, may matagal na akong pangarap.
Ito ay ang maka-LIGTAS ng 50,000 Mahihirap na Pilipino na may SAKIT at kailangan ng operasyon.

Heto ang IDEYA ko:
1. Sa halagang P 20,000 ay kaya nang pang-gastos sa SIMPLENG Operasyon.
Tulad ng taong may:
- Goiter
- Bukol sa Suso
- Myoma
- Luslos
- Bato sa Apdo, at iba pa...

2. BALAK kong LUMIKOM ng PONDO mula sa ..
- Pribadong tao, mayayaman at middle class.

3. Kukuha ako ng mga SOCIAL Workers para turuan at gabayan ang MAHIHIRAP na pasyente.

4. Kung may PhilHealth ang pasyente, ay mas mababawasan pa ang gastos, baka sa halagang P 10,000 ay kaya nang ma-operahan.

Sa ngayon ay gamit ko ang sarili kong IPON para ma-operahan ang ilang DAANG mahihirap na pasyente. Pero siyempre, KULANG ang aking pondo. Mula 2007, LIBRE na lahat ng aming Serbisyo medikal. Libre din i-SHARE at Basahin ang lahat ng payo, articles at videos namin sa Internet.

Katulad ito ng GAWAD Kalinga. Kung sa P50,000 ay may isang bahay na. Sa plano ko ay sa halagang P20,000 ay makaka-ligtas na ng 1 buhay.

Siyempre, MALAKING trabaho, at MAHIRAP mag-likom ng pondo sa mayayaman.
Puwede din tayo mag-fund raising dito sa Facebook.

PERO hindi ako NAWAWALAN ng pag-asa.
Sa ngayon, may KULANG pa konti ang aking PLANO para umarangkada na ito.
DASAL at DIYOS lang ang aking GABAY.

Paki-COMMENT ang inyong Suggestion at Opinyon.
Mahalaga ito sa amin.

ITO ay isa sa aking matagal nang PANGARAP - Ang maka-LIGTAS ng libu-libong buhay. Kasama ito sa ating G.O.A.L.
God bless.
- Doc Willie Ong
- Doc Liza Ong

Always everything is possible in God name amen.
15/03/2016

Always everything is possible in God name amen.

Salamat Panginoon sa pagdinig ng aming hiling.
Bigyan Mo kami ng LAKAS para magawa ang Iyong MISYON para sa amin.
Lagi Ka naming maaasahan.
- Doc Willie at Doc Liza Ong

Share God's word.

15/03/2016

Please SHARE my health advisory: Para makatulong sa Kapwa.

6-S: Mga Sakit Sa Tag-init
by Dr. Willie T. Ong

Mayroong mga sakit na madalas nakikita kapag mainit ang panahon. May babala tayo laban sa 6 na sakit na nag-uumpisa sa letrang “s”.

1. Sore eyes – Mabilis makahawa ang sore eyes, isang sakit mula sa bacteria o virus. Ang sintomas ng may sore eyes ay mapulang mata, makati at parang may buhangin ang mata. Maghugas palagi ng kamay. Huwag munang puma*ok sa trabaho o eskwelahan ng isang linggo para hindi makahawa ng iba. Kumonsulta sa doktor para mabigyan ng antibiotic eye drops na siyang lunas sa sore eyes.

2. Sunburn at heat stroke – Para makaiwas sa sunburn at heat stroke, umiwas sa sikat ng araw mula 10 ng umaga hanggang 4 ng hapon. Manatili sa loob ng bahay o sa ilalim ng puno. Maglagay ng sunblock na may SPF 15 o 30 para protektado ang iyong balat. Para makaiwas sa heat stroke, uminom din ng 8 hanggang 12 ba*ong tubig bawat araw. Magpalamig sa loob ng bahay o mall para hindi mahirapan ang iyong katawan.

3. Sipon at ubo – Ang panlaban sa sipon at ubo ay ang malusog na katawan. Kumain ng masustansya at matulog ng sapat. Maghugas din palagi ng kamay. Sa mga edad 50 pataas, puwede kayong magpa-bakuna ng flu vaccine (para iwas trangka*o). Sa mga edad 60 pataas, puwedeng magpa-bakuna ng pneumonia vaccine (para sa pulmonya). Kumonsulta sa inyong doktor.

4. S**a at tae – Kapag mainit ang panahon, madaling mapanis ang mga pagkain. Ingatan na ligtas ang inyong kinakain. Kung nagbabaon kayo, piliin ang tuyong pagkain, tulad ng pritong isda o manok. Huwag nang magbaon ng pagkaing may sarsa, keso, mayonnaise at gata, dahil madali itong mapanis. Pagkaraan ng 2 o 3 oras, itago na ang pagkain sa loob ng refrigerator. Mag-ingat din sa mga pagkaing nabibili sa kalye dahil hindi natin masisiguro ang kalinisan nito.

5. Sakit sa balat – May mga pangkaraniwang sakit sa balat tulad ng pigsa at alipunga. Ang pigsa ay isang bacterial infection mula sa maduming paligid. Uso ito sa mga bilanguan at squatter areas kung saan tabi-tabi ang mga nakatira. Puwede din makakuha ng alipunga sa paliligo sa maduming tubig at pampublikong paliguan.

6. Sakmal ng a*o – Ang kagat ng a*o at pusa ay puwede magdulot ng rabies. Para maiwasan ito, siguraduhing napabakunahan ang a*o bawat taon. Kung nakagat ka ng a*o, magtungo agad sa ospital para mabigyan ka ng bakuna laban sa rabies.

Para sa dagdag tips, LIKE my back up page - Dr Willie Ong's Health Tips

More laughter daw even alot of problems
15/03/2016

More laughter daw even alot of problems

"Less Anger, More Laughter"
By Dr Willie Ong

1. Anger can cause high blood pressure and may even lead to full-blown heart attack.

2. Laughter is good for the heart and body. A study shows that after watching a funny video, the viewers’ mood improved dramatically. Depression and anger dropped by 98%, fatigue fell by 87%, and tension was reduced by 61%.

3. When we laugh, the level of stress hormones, called cortisol, decreases, and the good hormones, called endorphins, increases.

4. Laugh often and laugh out loud.

For more tips, LIKE this page - Dr Willie Ong's Health Tips

Payo ni doc.
05/03/2016

Payo ni doc.

Tubig sa Baga: Saan Galing Ito? Video ni Dr Mon Fernandez (Lung Doctor) #9 1. Ang Tubig sa Baga ay posibleng manggaling sa PUSO o BAGA. 2. Kung sa PUSO ang s...

Ang tanging paraan tiyaga
26/02/2016

Ang tanging paraan tiyaga

Like and Share po. - Doc Liza

Sana goberno natin yan ang pangunahing project nila
22/02/2016

Sana goberno natin yan ang pangunahing project nila

Mensahe at Pangako ni Doc Willie at Liza Ong

1. Magbibigay kami ng libre at tamang payo pang- kalusugan para sa mahihirap.
2. Lahat ng aming serbisyo medikal ay libre na.
3. Bibigyan natin ng boses ang hinaing ng bayan.
G - gamot ibaba ang presyo
O - Operasyon na libre
A - Advice sa kalusugan
L - Lab test na libre

Like Doc Liza's page - Dr Liza Ong

Dagdag kaalaman po
22/02/2016

Dagdag kaalaman po

Tanong Sa Sinok, Pasma, at Basang Buhok
By Dr Willie Ong (Share and TAG a friend)

•Bakit sinisinok ang isang tao? Totoo ba na kapag ginulat mo ang isang tao o pinatuwad, mawawala ang sinok? Eh kapag uminom daw ng maraming tubig? Ano ang mga pwedeng gawin para mawala ang sinok?

Sagot: Madalas sinisinok ang tao dahil hindi siya natutunawan. Baka napabilis ang pagkain at pag-lunok. Kapag sininok, uminom lang ng mainit na tubig para ma-relax ang tiyan. Maghintay lang at kusa itong mawawala. Sa susunod, nguyain ng maigi ang pagkain at pumili ng pagkaing madaling matunaw.

•Totoo bang mapapasma ang isang tao kapag naligo agad matapos mapagod ang katawan? Ano nga ba ang sanhi nito?

Sagot: Sa medisina ay wala pong sakit na pasma. Pero mayroon akong common-sense tips para sa inyo. Pagkatapos mag-ehersisyo, maganda na maghintay ng 30 minutos o isang oras bago maligo. Ito ay para hindi mabigla ang katawan sa pagbabago ng temperatura. Ipahinga muna ang katawan, paa at kamay bago maligo. Makatutulong ang pag-cool down ng mainit na katawan bago maligo ng maligamgam na tubig.

•Basang buhok: Totoo bang mababaliw ang isang tao o lalabo ang mga mata kapag natulog na basa ang buhok? Mayroon nga bang masamang epekto ang pagtulog habang basa pa ang buhok?

Sagot: Wala pong masama sa pagtulog na basa ang buhok. Hindi ito nakabubulag o nakadudulot ng sakit. Pero mas maigi pa rin na tuyuin ang buhok pagkaligo para mas malinis at presko ang pakiramdam.

Maraming benepisyo ang makukuha sa pagligo araw-araw. Makaiiwas tayo sa mga sakit tulad ng pigsa, sipon, ubo, galis, alipunga at iba pa. Bukod dito, mababawasan din ang mga sugat sa katawan. Maligo mula ulo hanggang paa. Hugasan maigi ang buhok at tuyuin ito pagkatapos.

LIKE my back up FB Page - Dr Willie Ong's Health Tips

Address

Quezon City
2100

Telephone

00639978932840

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Royale beauty& health opportunity by genelyn a.flores posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share