Philippine Oncology Center Corporation - Walang-Mahirap CancerCare

Philippine Oncology Center Corporation - Walang-Mahirap CancerCare POCC is the Philippines' first and only stand-alone integrated RADIATION THERAPY center.

Founded in 2008, it has expanded to multiple locations, offering advanced technology and a multidisciplinary team.

Tapos na ang Brachytherapy: Isang Hakbang sa Masmalapit na Paggaling!Madalas, kapag naririnig ang salitang Brachytherapy...
20/05/2026

Tapos na ang Brachytherapy: Isang Hakbang sa Masmalapit na Paggaling!

Madalas, kapag naririnig ang salitang Brachytherapy, ang unang nararamdaman ng pasyente ay kaba. "Masakit ba?" "Matagal ba?"

Ngunit para sa ating mga tapos na sa kanilang sessions dito sa POCC, ang Brachytherapy ay naging simbolo ng bagong pag-asa. Sa tulong ng ating mga expert Radiation Oncologists at maalagang medical staff, ang bawat session ay ginagawang komportable, mabilis, at higit sa lahat, Walang-Mahirap.

Kung ikaw o ang iyong mahal sa buhay ay sasailalim sa gamutang ito, tandaan: hindi ka nag-iisa. Ang bawat session ay isang hakbang patungo sa iyong tuluyang paggaling. Kaya mo 'yan, Warrior!

Kasalukuyan ka bang sumasailalim sa Brachytherapy o tapos na? I-share ang iyong encouraging words sa comments para magbigay-lakas sa iba pa nating Warriors!

Kung ikaw ay naghahanap or may kakilala na nangangailangan ng Brachytherapy, share this page, tutulungan namin kayo sa gamutang Walang-Mahirap CancerCare.

Website: https://www.philippineoncologycenter.com/
FB Messenger: https://m.me/POCCWalangMahirapCancerCare
Mobile/ Viber Number: 0908-124-4357

Honoring Their Strength. Championing Their Health.Para sa mga kababaihan na walang sawang nag-aalaga at nagiging lakas n...
20/05/2026

Honoring Their Strength. Championing Their Health.

Para sa mga kababaihan na walang sawang nag-aalaga at nagiging lakas ng pamilya—panahon naman para unahin ang inyong sariling kalusugan!

Ngayong Women's Health Week, ang Philippine Oncology Center Corporation (POCC), sa pakikipagtulungan ng De La Salle University Medical Center (DLSUMC), ay nag-aanyaya sa inyo sa isang mahalagang talakayan na nakatuon sa pangangalaga at proteksyon ng kalusugan ng mga kababaihan.

Makakasama natin bilang eksperto at tagapagsalita ang ating katuwang na Radiation Oncologist na si Dr. Antonio Carlo De Guzman upang magbahagi ng mahahalagang kaalaman at gabay para sa inyong wellness journey.

📅 Kailan: Lunes, May 25, 2026
🕘 Oras: 9:00 AM onwards

Ang maagang kaalaman at regular na pagsusuri ay ang pinakamalayong hakbang upang maprotektahan ang ating sarili mula sa mga banta ng sakit tulad ng kanser. Magkaisa tayo na gawing mas ligtas at Walang-Mahirap ang pangangalaga sa inyong kalusugan! 💙

I-tag ang mga importanteng kababaihan sa inyong buhay—ang inyong mga asawa, nanay, kapatid, o kaibigan—at imbitahan silang makinig sa mahalagang diskusyong ito!



Photo Credit: POCC-DLSUMC

'Bakit po kailangang pabalik-balik para sa radiation?' Ito ang madalas itanong sa amin. Ang tawag dito ay Fractionation....
18/05/2026

'Bakit po kailangang pabalik-balik para sa radiation?' Ito ang madalas itanong sa amin.

Ang tawag dito ay Fractionation. Hinahati-hati natin ang kabuuang dose ng radiation sa maliliit na bahagi sa loob ng ilang araw o linggo. Bakit?

1. Para Makahinga ang Healthy Cells: Binibigyan natin ng oras ang iyong healthy cells na mag-repair sa pagitan ng sessions.

2. Para Mas Masapol ang Cancer: Mas matindi ang tama sa cancer cells kapag unti-unti silang tinitira sa iba't ibang stage ng kanilang paglaki.

Kaya kahit nakakapagod ang biyahe, tandaan na bawat session ay isang hakbang palapit sa iyong paggaling.

Nandito ang Philippine Oncology Center Corporation (POCC) at ang Walang-Mahirap CancerCare program para gabayan ka sa bawat hakbang.

Website: https://www.philippineoncologycenter.com/
FB Messenger: https://m.me/POCCWalangMahirapCancerCare
Mobile/ Viber Number: 0908-124-4357

Kalinga sa Komunidad: Isang Matagumpay na 'Operasyon Bukol' kasama ang QCGH!Isang karangalan para sa aming team sa Phili...
18/05/2026

Kalinga sa Komunidad: Isang Matagumpay na 'Operasyon Bukol' kasama ang QCGH!

Isang karangalan para sa aming team sa Philippine Oncology Center Corporation (POCC) na makabahagi sa katatapos lang na "Operasyon Bukol" Community Screening noong May 17, 2026, sa Barangay Gulod, Novaliches, Quezon City.

Taos-pusong pasasalamat sa QCGH Department of Surgery sa pangunguna ni Dr. Balotro kasama ang kanilang mga resident doctors, at kay Kagawad Marlon Serrano (Kagawad ng Brgy. Gulod at Owner ng Holy Child Academy) sa pagpapatuloy sa ating komunidad.

Isang malaking saludo rin sa aming POCC Team na sina Dr. Stephen Ciocon (Radiation Oncologist), Ms. Mylene Salomon, Ms. Icy Morano at Ms. Mary Ann Escobedo-Marfil sa kanilang dedikasyon na maghatid ng maagang pagsusuri. Sa pagtutulungang ito, patuloy nating ginagawa ang pangangalaga sa kalusugan na Walang-Mahirap.

CTO- QCGH- Dept. of Surgery

Para sa mga Kababaihan: Early Detection is Your Superpower!Alam mo ba na ang Cervical Cancer ay isa sa mga uri ng kanser...
13/05/2026

Para sa mga Kababaihan: Early Detection is Your Superpower!

Alam mo ba na ang Cervical Cancer ay isa sa mga uri ng kanser na preventable (naiiwasan) at treatable (nagagamot) lalo na kung maagang matutuklasan?

Ngayong Cervical Cancer Awareness Month, iniimbitahan namin kayo sa isang mahalagang diskusyon upang mas mapalawak ang inyong kaalaman tungkol sa kalusugang ito. Makakasama natin ang ating eksperto na si Dr. Leonardo Serafin S. Infante, isang Radiation Oncologist, upang sagutin ang inyong mga katanungan at magbigay ng pag-asa.

📅 Kailan: May 18, 2026
🕐 Oras: 1:00 PM
📍 Saan: POCC - Bethany Cancer Center, Basement Level, North Wing Building of Bethany Hospital Inc., City of San Fernando, La Union

Huwag hayaang takot ang manaig. Ang regular screening at tamang impormasyon ay ang inyong unang hakbang tungo sa mas malusog na kinabukasan. Magkita-kita po tayo!

I-share ang post na ito sa inyong mga nanay, kapatid, at kaibigang babae dahil ang tamang kaalaman ay nakakaligtas ng buhay. Para sa mga katanungan, mag-message lang sa aming page para sa inyong Online Registration. See you there, Warriors!

Website: https://www.philippineoncologycenter.com/
FB Messenger: https://m.me/POCCWalangMahirapCancerCare
Mobile/ Viber Number: 0908-124-4357



Photo Credit: POCC- BCC

Isa na namang matapang na Warrior ang nakagraduate! Congratulations po at panalangin namin ang inyong patuloy na paggali...
12/05/2026

Isa na namang matapang na Warrior ang nakagraduate! Congratulations po at panalangin namin ang inyong patuloy na paggaling!

Photo Credit: POCC-MCM

Magkasama sa Laban: POCC at BFP-NCR, Nagkaisa para sa KalusuganNito lamang May 5, 2026, isang mahalagang hakbang ang isi...
12/05/2026

Magkasama sa Laban: POCC at BFP-NCR, Nagkaisa para sa Kalusugan

Nito lamang May 5, 2026, isang mahalagang hakbang ang isinagawa ng Philippine Oncology Center Corporation (POCC) at ng Bureau of Fire Protection - National Capital Region (BFP-NCR) sa pamamagitan ng isang Memorandum of Agreement (MOA) Signing.

Ang kolaborasyong ito ay naglalayong magbigay ng mas mabilis at abot-kayang access sa de-kalidad na Radiation Therapy para sa ating mga magigiting na bumbero at sa kanilang mga pamilya. Sa pamamagitan ng Walang-Mahirap CancerCare Program, layunin naming suklian ang serbisyo ng ating mga frontliners sa pamamagitan ng kalinga at modernong gamutan.

Salamat sa BFP-NCR sa inyong tiwala at sa inyong walang sawang paglilingkod sa bayan. Saludo kami sa inyo!

Para sa mga katanungan tungkol sa partnership at sa aming Walang-Mahirap CancerCare Program, mag-message lang sa aming inbox para sa inyong Online Registration. Dito sa POCC, ang inyong kalusugan ang aming prayoridad.

Para sa Lahat ng Uri ng Pagmamahal: Happy Mother’s Day!Isang maligayang pagpupugay sa lahat ng mga Ina—sa mga Nanay na n...
10/05/2026

Para sa Lahat ng Uri ng Pagmamahal: Happy Mother’s Day!

Isang maligayang pagpupugay sa lahat ng mga Ina—sa mga Nanay na nag-aalaga, sa mga Nanay na lumalaban, at sa mga Nanay na nagsisilbing gabay at lakas ng bawat tahanan.

Ngayong araw, ang buong pamilya ng Philippine Oncology Center Corporation (POCC) at ang Walang-Mahirap CancerCare Program ay sumasaludo sa inyong walang katulad na sakripisyo. Kayo ang tunay na depinisyon ng katatagan at pag-asa.

Para sa mga "Mommy-Warriors" na aming pasyente, sa mga "Super-Moms" na walang sawang nagbabantay at nag-aalaga, at sa lahat ng mga Nanay sa buong mundo—maraming salamat sa inyong pag-ibig na walang hanggan. Dasal namin ang inyong kalusugan, kaligayahan, at kapayapaan ng loob.

Happy Mother's Day po sa inyong lahat!

Sa Walang-Mahirap CancerCare, Bawal ang Pagod, Bawal ang Stress!Pagod ka na ba sa matagal na pag-aantay? Bumyahe ka na n...
07/05/2026

Sa Walang-Mahirap CancerCare, Bawal ang Pagod, Bawal ang Stress!

Pagod ka na ba sa matagal na pag-aantay? Bumyahe ka na nga ng malayo, na-trapik ka pa! Pagdating sa Cancer Treatment Facility, mag-aantay ka pa sa mahabang pila! May sakit ka na nga, papahirapan ka pa? Pambihira, 'di ba? 😤

Sa Walang-Mahirap CancerCare Program ng Philippine Oncology Center Corporation (POCC), ang sagot namin d'yan ay: "Sana All... mabilis!" Kaya naman binago namin ang sistema para sa inyo, aming mga Warriors. Ayaw naming ma-stress kayo sa biyahe at sa paghihintay nang walang kasiguraduhan.

Sa aming centers sa Manila at Quezon City, gusto namin na pagdating ninyo, kayo ang priority!

Paano namin gagawin 'yun? Simple lang through our ONLINE-ONLY Application:

✅Online Messaging: I-message lang kami sa aming mga online platforms (FB, Viber or Website) at i-send ang inyong Medical Records at IDs. Ang aming mga experts na ang mag-e-evaluate niyan habang kayo ay nagpapahinga sa bahay.

✅ Reserved Slot: Kapag pasado ang inyong records, tatawagan o ite-text namin kayo para sa inyong schedule.

✅ Direct to Action: Pagdating niyo sa Manila o Quezon City center sa inyong confirmed schedule, hindi na kailangang makipagsiksikan sa pila.

Warrior, alam naming hindi madali ang pinagdadaanan niyo. Kaya dito sa POCC, ang misyon namin ay pagaanin ang inyong loob habang ginagamot ang inyong katawan. Hindi niyo kailangang mag-walk-in at sumugal sa traffic—isang message lang, simula na ang inyong ginhawa.

Dahil sa Walang-Mahirap CancerCare, ang priority namin ay ang inyong paggaling, hindi ang inyong paghihintay.

Huwag nang pahirapan ang sarili! Mag-send na ng message sa aming inbox para sa inyong Online Application. Sabihin mo lang, "Ayaw ko na mapagod!" at tutulungan ka namin

Website: https://www.philippineoncologycenter.com/
FB Messenger: https://m.me/POCCWalangMahirapCancerCare
Mobile/ Viber Number: 0908-124-4357

#

Kanser ay Malalabanan, sa Gamutang Walang-Mahirap!Isa ka bang Cancer patient na naghahanap ng Radiation Therapy? Isa ka ...
05/05/2026

Kanser ay Malalabanan, sa Gamutang Walang-Mahirap!

Isa ka bang Cancer patient na naghahanap ng Radiation Therapy? Isa ka rin ba sa libo-libong patients na namomroblema sa gastos nito? At isa ka ba sa mga naghahanap ng mga programang makakabawas o makakalibre para sa treatment na ito?

Pwes! Nasa tamang page ka na! Narito ang Walang-Mahirap CancerCare Program ng Philippine Oncology Center Corporation (POCC)!

Sa POCC, alam namin na ang laban sa kanser ay hindi lang laban ng katawan, kundi laban din ng bulsa. Kaya naman binuo ang Walang-Mahirap CancerCare Program upang tanggalin ang "hirap" sa paghahanap ng de-kalidad na Radiation Therapy. Sa tulong ng ating mga partners at makabagong teknolohiya, layunin naming gawing abot-kaya (o libre para sa mga kwalipikado) ang inyong gamutan.

Paano maging bahagi ng programa?
Simple lang, pero kailangang sundin ang ating Online Protocol:

MESSAGE US: I-message kami dito sa aming official page.

SUBMIT ONLINE: Ihanda ang inyong Medical Records at Valid IDs. I-send ang mga ito via messenger or viber para sa aming initial evaluation.

ANTAYIN ANG TAWAG: Huwag po munang pumunta sa center. Ang ating mga specialists ay susuriin muna ang inyong records. Antayin ang aming tawag o text para sa inyong confirmed schedule.

Tandaan, ang programang ito ay EXCLUSIVE para sa Online Applications lamang. Ginagawa natin ito para iwas-pila, iwas-pagod, at masiguro ang kaligtasan ng bawat warrior na pupunta sa aming pasilidad.
Huwag mawalan ng pag-asa. Dito sa Walang-Mahirap CancerCare, magkasama tayo sa laban na ito!

Huwag nang mag-atubili! Mag-message na sa aming Inbox at i-type ang "WALANG MAHIRAP" para masimulan ang inyong application.

Website: https://www.philippineoncologycenter.com/
FB Messenger: https://m.me/POCCWalangMahirapCancerCare
Mobile/ Viber Number: 0908-124-4357

Iisang Buwan, Tatlong Laban: Kamalayan para sa Skin, Bladder, at Brain CancerNgayong buwan ng Mayo, hindi lamang ang ini...
01/05/2026

Iisang Buwan, Tatlong Laban: Kamalayan para sa Skin, Bladder, at Brain Cancer

Ngayong buwan ng Mayo, hindi lamang ang init ng araw ang ating binabantayan. Kaisa ang Walang-Mahirap CancerCare Program sa pagbibigay-pansin sa tatlong mahalagang awareness campaigns: Skin Cancer, Bladder Cancer, at Brain Cancer Awareness Month.

Ang bawat isa sa mga ito ay may mga senyales na hindi natin dapat balewalain:

Skin Cancer: Maging alerto sa mga bagong nunal o sugat na hindi gumagaling. Ang proteksyon sa araw ay hindi lang para sa ganda, kundi para sa kalusugan.

Bladder Cancer: Bantayan kung may dugo sa ihi (hematuria) o madalas at masakit na pag-ihi. Ang maagang pagsusuri ay napakahalaga.

Brain Cancer: Huwag balewalain ang madalas at malalang sakit ng ulo, biglaang pagbabago sa paningin, o seizures.

Dito sa Philippine Oncology Center Corporation, ang ating makabagong Radiation Therapy ay katuwang ninyo sa paglaban sa mga sakit na ito. Sa pamamagitan ng Walang-Mahirap CancerCare Program, sinisiguro naming ang de-kalidad na teknolohiya ay abot-kamay ng mga nangangailangan.

Website: https://www.philippineoncologycenter.com/
FB Messenger: https://m.me/POCCWalangMahirapCancerCare
Mobile/ Viber Number: 0908-124-4357

Address

Marian Medical Arts Building, Dahlia Avenue, West Fairview Park, Quezon City (Basement)
Quezon City
1118

Opening Hours

Monday 7am - 5pm
Tuesday 7am - 5pm
Wednesday 7am - 5pm
Thursday 7am - 5pm
Friday 7am - 5pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Philippine Oncology Center Corporation - Walang-Mahirap CancerCare posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Philippine Oncology Center Corporation - Walang-Mahirap CancerCare:

Share