23/05/2026
Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 4,633 bagong kaso ng human immunodeficiency virus (HIV) sa bansa sa unang quarter ng 2026.
Ito ay mula Enero hanggang Marso.
Ayon sa datos ng HIV and AIDS Surveillance of the Philippines, mas mataas ito ng humigit-kumulang 9% kumpara sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.
Sa bilang ng mga kaso, 4,381 o 95% ay mga lalaki habang 252 naman ang babae.
Bagama’t tumaas ang kabuuang kaso, iniulat ng DOH na bumaba ng 11% ang average na bagong kaso kada araw kumpara sa nakaraang quarter, na may humigit-kumulang 51 kaso araw-araw.
Sa tala pa rin ng ahensya, 1,104 o 24% ng mga na-diagnose ay nasa advanced stage na ng HIV.
Pinakamaraming kaso ng HIV ang naitala sa National Capital Region (NCR) na may 989 na kaso, sinundan ng CALABARZON, Central Luzon, Soccsksargen, at Davao Region.