Environmental Health and Sanitation-Ragay

Environmental Health and Sanitation-Ragay LGU RAGAY-MUNICIPAL HEALTH OFFICE

19/08/2026
06/08/2026
27/07/2026
27/07/2026
27/07/2026

📢 MAGANDANG ARAW MGA KABARANGAY!

Inaanyayahan po namin ang lahat ng mga magulang at tagapag-alaga na pabakunahan ang kanilang mga anak na edad 6 hanggang 59 buwang gulang (wala pang 5 taong gulang) laban sa Tigdas at Tigdas-hangin sa ilalim ng Ligtas Tigdas Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity (SIA).

🗓️ Isasagawa ang pagbabakuna mula Agosto 10 hanggang 28, 2026 sa lahat ng barangay sa ating bayan.

📍 Makipag-ugnayan lamang sa inyong Barangay Health Center o sa inyong Barangay Health Workers para sa eksaktong petsa at lugar ng pagbabakuna sa inyong barangay.

Tandaan, ligtas, epektibo, at libre ang bakunang ito. Ang pagpapabakuna ay nagbibigay ng proteksyon laban sa malubhang komplikasyon, pagkaka-ospital, at pagkamatay dulot ng Tigdas at Tigdas-hangin.

Huwag palampasin ang pagkakataong maprotektahan ang kalusugan ng inyong mga anak.

Ligtas na Bata, Ligtas ang Kinabukasan! Maraming salamat po.

Address

Poblacion Ilaod
Ragay
4410

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Environmental Health and Sanitation-Ragay posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share