05/07/2026
Disclaimer: The statements below reflect our position regarding the matter. For a more complete understanding of the timeline, facts, and supporting information, we encourage everyone to review the accompanying infographics.
Hindi lang sa Senado may agawan ng pwestoโminsan, may agawan din ng intellectual property.
Sa kabila ng lahat, maninindigan kami para sa katotohanan at sa prinsipyong aming pinaniniwalaan.
Kami ang naging puso at utak ng operasyon ng aming klinika. Ang mga ideya, sistema, estratehiya, proseso, at direksyong nagpatakbo at nagpalago nito ay bunga ng aming dedikasyon, sakripisyo, at walang sawang pagsisikap sa loob ng maraming taon.
Maaaring maagaw ang access, posisyon, o titulo, ngunit hindi mabubura ang katotohanan kung sino ang naglatag ng pundasyon, nagbigay ng direksyon, at tumulong sa paghubog ng organisasyong ito sa kung ano ito ngayon.
We stand for what is right. We were, and continue to be, the heart and mind behind many of the systems, innovations, and initiatives that contributed to the clinic's growth and success. That remains our position and conviction.
Sa aming mga kliyente, supporters, vloggers, models, partners, at mga kaibigan, taos-puso po kaming humihingi ng inyong suporta sa panahong ito. Inaanyayahan namin kayong ibahagi ang infographic na ito upang maiparating namin ang aming panig at maabot ang aming mga minamahal na kliyente.
Maraming salamat sa inyong tiwala, suporta, at patuloy na paninindigan para sa katotohanan.