OFW Hospital

OFW Hospital Overseas Filipino Workers (OFW) Hospital that will cater to the medical needs of OFWs and their dependents

19/06/2026
[CLOSED] 𝐋𝐈𝐁𝐑𝐄𝐍𝐆 𝐀𝐕𝐅 𝐒𝐔𝐑𝐆𝐈𝐂𝐀𝐋 𝐌𝐈𝐒𝐒𝐈𝐎𝐍, 𝐍𝐀𝐑𝐈𝐓𝐎 𝐍𝐀!Magandang balita para sa lahat ng nangangailangan ng 𝐀𝐕𝐅 (𝐀𝐫𝐭𝐞𝐫𝐢𝐨𝐯𝐞𝐧𝐨𝐮𝐬...
19/06/2026

[CLOSED] 𝐋𝐈𝐁𝐑𝐄𝐍𝐆 𝐀𝐕𝐅 𝐒𝐔𝐑𝐆𝐈𝐂𝐀𝐋 𝐌𝐈𝐒𝐒𝐈𝐎𝐍, 𝐍𝐀𝐑𝐈𝐓𝐎 𝐍𝐀!

Magandang balita para sa lahat ng nangangailangan ng 𝐀𝐕𝐅 (𝐀𝐫𝐭𝐞𝐫𝐢𝐨𝐯𝐞𝐧𝐨𝐮𝐬 𝐅𝐢𝐬𝐭𝐮𝐥𝐚) 𝐬𝐮𝐫𝐠𝐞𝐫𝐲 para sa hemodialysis!

Petsa: June 27, 2026
Bukas sa lahat – OFW man o hindi (Limited Slots)
Registration ay hanggang June 19, 2pm lamang
Ang Prescreening ay magsisimula sa June 20, 1pm

Kung ikaw o ang iyong mahal sa buhay ay nangangailangan ng AVF surgery, huwag palampasin ang pagkakataong ito.

Mag-message o makipag-ugnayan dito sa aming official page para sa mga katanungan o karagdagang detalye.

“Sama-sama nating bigyan ng mas maayos na access sa gamutan ang bawat pasyente.” 💙

𝐇𝐈𝐑𝐈𝐍𝐆 - 𝐂𝐨𝐧𝐭𝐫𝐚𝐜𝐭 𝐨𝐟 𝐒𝐞𝐫𝐯𝐢𝐜𝐞 𝐏𝐨𝐬𝐢𝐭𝐢𝐨𝐧:Administrative Aide IVMedical Specialist IIPharmacist I
16/06/2026

𝐇𝐈𝐑𝐈𝐍𝐆 - 𝐂𝐨𝐧𝐭𝐫𝐚𝐜𝐭 𝐨𝐟 𝐒𝐞𝐫𝐯𝐢𝐜𝐞 𝐏𝐨𝐬𝐢𝐭𝐢𝐨𝐧:
Administrative Aide IV
Medical Specialist II
Pharmacist I

Maligayang Araw ng Kalayaan!Sa pagdiriwang ng ika-128 anibersaryo ng kalayaan ng ating bansa, ating ginugunita ang katap...
12/06/2026

Maligayang Araw ng Kalayaan!

Sa pagdiriwang ng ika-128 anibersaryo ng kalayaan ng ating bansa, ating ginugunita ang katapangan at sakripisyo ng mga bayaning nagbigay-daan sa ating kalayaan. Nawa’y magsilbi itong paalala ng ating pagkakaisa, pagmamahal sa bayan, at patuloy na paglilingkod sa kapwa.

Ang OFW Hospital ay kaisa ng sambayanang Pilipino sa pagpupugay sa ating kasaysayan at sa pagpapanatili ng diwa ng kalayaan para sa bawat Pilipino, lalo na sa ating mga modernong bayani — ang mga Overseas Filipino Workers.

Mabuhay ang mga OFWs!
Mabuhay ang Pilipinas!

11/06/2026

𝐏𝐚𝐚𝐧𝐨 𝐦𝐚𝐠-𝐛𝐨𝐨𝐤 𝐧𝐠 𝐚𝐩𝐩𝐨𝐢𝐧𝐭𝐦𝐞𝐧𝐭 𝐬𝐚 𝐎𝐏𝐃? 𝐌𝐚𝐝𝐚𝐥𝐢 𝐥𝐚𝐧𝐠!
Nais naming gawing mas maginhawa ang inyong pagbisita at pagpapakonsulta sa OFW Hospital. Kaya naman, pinasimple namin ang proseso ng online appointment booking.
Sa loob lamang ng 2–3 minuto, maaari mo nang makumpirma ang iyong appointment slot. Sundin lamang ang mga sumusunod na hakbang:

𝐏𝐚𝐚𝐧𝐨 𝐦𝐚𝐠-𝐛𝐨𝐨𝐤 𝐧𝐠 𝐚𝐩𝐩𝐨𝐢𝐧𝐭𝐦𝐞𝐧𝐭 𝐬𝐚 𝐎𝐏𝐃? 𝐌𝐚𝐝𝐚𝐥𝐢 𝐥𝐚𝐧𝐠!Nais naming gawing mas maginhawa ang inyong pagbisita at pagpapakonsul...
11/06/2026

𝐏𝐚𝐚𝐧𝐨 𝐦𝐚𝐠-𝐛𝐨𝐨𝐤 𝐧𝐠 𝐚𝐩𝐩𝐨𝐢𝐧𝐭𝐦𝐞𝐧𝐭 𝐬𝐚 𝐎𝐏𝐃? 𝐌𝐚𝐝𝐚𝐥𝐢 𝐥𝐚𝐧𝐠!

Nais naming gawing mas maginhawa ang inyong pagbisita at pagpapakonsulta sa OFW Hospital. Kaya naman, pinasimple namin ang proseso ng online appointment booking.

Sa loob lamang ng 2–3 minuto, maaari mo nang makumpirma ang iyong appointment slot. Sundin lamang ang mga sumusunod na hakbang:

ANUNSYO SA PUBLIKO (mula sa Laboratory Department)Para sa mga pasyente na may iskedyul sa Laboratory noong Pebrero 13 ha...
11/06/2026

ANUNSYO SA PUBLIKO (mula sa Laboratory Department)

Para sa mga pasyente na may iskedyul sa Laboratory noong Pebrero 13 hanggang Mayo 30, 2026 na hindi nagawan ng tests dahil sa ginawang maintenance sa aming machine, mangyari po lamang na gamitin ang Google form na ito upang makapili ng inyong nais na petsa para sa inyong laboratory examinations.

Kapag nakapagsumite na ng form, hindi na kailangan pang maghintay ng text confirmation. Magpunta na lamang sa petsa na inilagay sa isinumiteng form at dalhin ang mga sumusunod:
1. OWWA booklet
2. Discharge Checklist
3. Laboratory Request Form

PAALALA:
Para sa mga pasyenteng kinakailangang mag-fasting, kinakailangan ang 10–12 oras na pag-aayuno.

Ang pagpila ay magsisimula alas-6 ng umaga.

https://forms.gle/HPRTdQE1ASoanwkRA

𝐍𝐨 𝐎𝐏𝐃 𝐂𝐥𝐢𝐧𝐢𝐜  on June 15 (Monday) – 35th anniversary of the Mt. Pinatubo EruptionSpecial (Non-Working) Holiday in the P...
11/06/2026

𝐍𝐨 𝐎𝐏𝐃 𝐂𝐥𝐢𝐧𝐢𝐜
on June 15 (Monday) – 35th anniversary of the Mt. Pinatubo Eruption
Special (Non-Working) Holiday in the Province of Pampanga

𝐍𝐨 𝐎𝐏𝐃 𝐂𝐥𝐢𝐧𝐢𝐜  on June 12 (Friday) – Independence DayRegular Holiday
10/06/2026

𝐍𝐨 𝐎𝐏𝐃 𝐂𝐥𝐢𝐧𝐢𝐜
on June 12 (Friday) – Independence Day
Regular Holiday

Nakilahok ang OFW Hospital sa taunang selebrasyon ng Migrant Workers' Day na pinangunahan ng Overseas Workers Welfare Ad...
10/06/2026

Nakilahok ang OFW Hospital sa taunang selebrasyon ng Migrant Workers' Day na pinangunahan ng Overseas Workers Welfare Administration noong ika - 08 ng Hunyo 2026 sa Widus Hotel, Clarkfield, Pampanga.

Ang naturing selebrasyon na may temang "Bayan, Bayani, Bayanihan" at " Kalinga, Kaalaman at Kabuhayan: Mula sa Pag-uwi tungo sa Bagong Pilipinas" ay dinaluhan ng mahigit isang libong mga OFWs kasama ang kanilang mga pamilya mula sa iba't ibang lalawigan ng rehiyon gaya ng Aurora, Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga, Tarlac at Zambales.

Layunin ng programa na makapaghatid at makapagbahagi ng mga programa at serbisyo ng iba't-ibang ahensiya ng gobyerno at mga pribadong sektor para sa mga OFWs at kanilang mga pamilya. Nagbahagi ng importanteng kaalaman tungkol sa Dengue si Dr. Michelle Nhat Ly Reyes, Family Medicine doctor ng OFW Hospital, na makatutulong sa pag-iwas sa sakit lalo na ngayong panahon ng tag-ulan. Nagkaroon din ng information booth ang OFW Hospital kung saan nagkaroon ng public assistance desk at online appointment booking assistance sa mga OFWs at kanilang dependents na nais magpakonsulta.

Sa patuloy na pakikiisa ng OFW Hospital sa mga programang nagtataguyod ng kapakanan ng mga OFWs at kanilang mga pamilya, nananatili itong katuwang ng pamahalaan sa pagbibigay ng de-kalidad na serbisyong pangkalusugan, tamang impormasyon, at maaasahang suporta tungo sa mas malusog, ligtas, at mas maunlad na pamayanan para sa bawat manggagawang Pilipino.

Address

Peo Compound, MacArthur Highway, Barangay Sindalan
San Fernando
2000

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Telephone

+639816729754

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when OFW Hospital posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to OFW Hospital:

Share