10/09/2026
20 TAON NG TAPANG, PAG-ASA AT LABAN 🎉
Isang malaking pagbati at pagpupugay para kay Alamat, Ms. Leilani M. Gomez sa kanyang ika-20 taon sa hemodialysis!
20 years — hindi biro ang pinagdaanan. Sa bawat turok, sa bawat oras sa dialysis chair, pinatunayan mo na ang dialysis ay hindi katapusan, kundi panibagong simula na puno ng pag-asa.
Sa buong journey na ito, hindi ka nag-iisa. Kasama mo ang buong Toledano Medical Clinic and Dialysis Center Family — naging pangalawang tahanan mo, at naging pamilya mo sa laban.
Maraming salamat sa tiwala mo sa amin, lalo na sa iyong mga nephrologist na si Dr. Renne Toledano, Dr. Jocine Renee Toledano at sa lahat ng ating dedicated dialysis nurses at staff na kasama mong lumalaban araw-araw.
Ang kwento mo ay inspirasyon sa lahat ng aming patients. Patunay na sa tamang alaga, disiplina, positibong pananaw, at pagmamahal ng pamilya — kayang-kaya mabuhay nang matatag at may kalidad.
Mahal ka namin, Baleilei! Tuloy lang ang laban!
Mula sa buong TMCDC Family ❤️