29/08/2026
๐โค๏ธ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐
๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐. ๐๐๐๐๐๐๐!
Sila ang Marzan Family mula sa Barangay Macayug na buong pusong nakiisa sa ๐๐๐๐จ๐ก๐๐จ-๐๐ช๐๐๐ก๐ก๐ ๐๐ช๐ฅ๐ฅ๐ก๐๐ข๐๐ฃ๐ฉ๐๐ก ๐๐ข๐ข๐ช๐ฃ๐๐ฏ๐๐ฉ๐๐ค๐ฃ ๐ผ๐๐ฉ๐๐ซ๐๐ฉ๐ฎ (๐๐-๐๐๐ผ) na isinasagawa ngayon sa ating bayan.
Bilang mga magulang, ipinakita nila ang kanilang pagmamahal at malasakit sa kanilang mga anak nang ipabakuna nila ang kanilang tatlong anak kontra tigdas at rubella. ๐จโ๐ฉโ๐งโ๐ฆ๐
Ang kanilang simpleng hakbang ay isang malaking halimbawa sa ating komunidad. Dahil ang pagbabakuna ay hindi lamang proteksyon para sa sariling anak, ito rin ay proteksyon para sa buong pamilya at komunidad.
Nawaโy mas marami pang mga magulang ang maging katulad ng Marzan Familyโmapagmatyag, responsable, at handang gawin ang nararapat para maprotektahan ang kanilang mga anak.
Huwag nating hintayin na ang ating anak ay tamaan ng sakit bago tayo kumilos. Mas mabuting maagapan kaysa magsisi sa huli.
Huwag matakot sa bakuna. Matakot tayo sa sakit na tigdas!
๐ฃ Mga magulang, samantalahin natin ang pagkakataong ito. Kung ang inyong anak ay kabilang sa target age group ng MR-SIA, makipag-ugnayan sa inyong Barangay Health Workers (BHWs), Barangay Health Station (BHS), o Rural Health Unit (RHU) San Jacinto para sa karagdagang impormasyon.
Isang bakuna. Isang proteksyon. Isang hakbang tungo sa mas ligtas at mas malusog na komunidad. โค๏ธ