03/09/2026
DOH: ALAK, PANGANIB SA ATAY!
Ayon sa World Health Organization, walang ligtas na antas ng pag-inom ng alak!
Hindi lang simpleng hangover ang pwedeng idulot ng pag-inom ng alak. Ang alcohol ay maaaring makasira sa atay at magdulot ng pamamaga at pag-iipon ng taba dito.
Kapag patuloy at labis ang pag-inom, nahihirapan ang atay na gawin ang trabaho nito, kabilang ang pagtanggal ng mga lason sa katawan.
Maaari itong humantong sa malubhang sakit sa atay at liver cirrhosis, kung saan nagkakaroon ng permanenteng pagkapilat at peklat.
Alagaan ang ating atay!