City Health Center XVI CSJDM

Directions Contact the business

City Health Center XVI CSJDM OFFICIAL FACEBOOK PAGE OF CITY HEALTH CENTER XVI- CSJDM

San Joseño, ALAM MO BA? 🤔 HIV is real, but so is prevention! Check out these 5 facts about HIV. No judgment. No stigma. ...
30/09/2026

San Joseño, ALAM MO BA? 🤔

HIV is real, but so is prevention!

Check out these 5 facts about HIV.
No judgment. No stigma. Just facts, protection, testing, and care.

Always remember: Being informed is always a good move. Iba ang may alam!

📍 Visit your nearest City Health Center / Primary HIV Care Clinic for HIV testing and counseling.

🩸❤️ MARAMING SALAMAT, MGA BAYANI NG BUHAY! ❤️🩸Mula sa City Health Center XVI, Kami po ay taos-puso nagpapasalamat sa lah...
09/09/2026

🩸❤️ MARAMING SALAMAT, MGA BAYANI NG BUHAY! ❤️🩸

Mula sa City Health Center XVI, Kami po ay taos-puso nagpapasalamat sa lahat ng nakiisa, nagbigay ng oras, suporta, at higit sa lahat—ng kanilang dugo sa matagumpay na Voluntary Blood Donation Activity na ginanap nitong September 4, 2026 sa Northridge Executive, Brgy. Sto. Cristo, City of San Jose del Monte, Bulacan.

Isang malaking pasasalamat sa ating mga blood donors na buong pusong nagpaabot ng tulong. Ang inyong simpleng kabutihan ay maaaring maging dahilan upang makapagligtas ng buhay at makapagbigay ng pag-asa sa isang nangangailangan. 🫶🩸
Ang tagumpay ng programang ito ay bunga ng pagtutulungan, pagkakaisa, at malasakit sa kapwa.

🩸 Isang patak ng dugo, isang malaking pag-asa.
❤️ Maraming salamat sa inyong kabayanihan!

Mula po sa buong City Health Center XVI , maraming maraming salamat po sa inyong lahat! 🙏❤️

SPECIAL (NON-WORKING) HOLIDAY CITYHOOD ANNIVERSARY CELEBRATIONSeptember 10, 2026Base sa Republic Act No. 11728, ang SEPT...
07/09/2026

SPECIAL (NON-WORKING) HOLIDAY
CITYHOOD ANNIVERSARY CELEBRATION
September 10, 2026

Base sa Republic Act No. 11728, ang SEPTEMBER 10 ng kada taon ay idineklarang SPECIAL NON-WORKING HOLIDAY sa Lungsod bilang paggunita sa 'Foundation Day of the City of San Jose del Monte’.

Ito ang batas na nag-amyenda sa RA 9750 para sa CITYHOOD ANNIVERSARY NG CITY OF SAN JOSE DEL MONTE.

Kaugnay nito ay inanunsyo ng Pamahalaang Lungsod ang kanselasyon ng pasok sa lahat ng pampublikong tanggapan at pribadong establisimyento maging ang mga klase sa lahat ng antas ng pampubliko at pribadong paaralan sa bisa ng Memorandum 2026-09-07-278.

—
Maaaring ma-download ang nasabing file sa link na ito:
REPUBLIC ACT NO. 11728
https://tinyurl.com/2s3d68xc

MALAPIT NA‼️✨ IKAW, HANDA KA BANG MAGING BAYANI? ✨Mga minamahal naming kabarangay, inaanyayahan po namin kayo na makiisa...
01/09/2026

MALAPIT NA‼️
✨ IKAW, HANDA KA BANG MAGING BAYANI? ✨

Mga minamahal naming kabarangay, inaanyayahan po namin kayo na makiisa sa darating na BLOODLETTING PROGRAM! 🩸

Isang simpleng pagtulong na maaaring maging pag-asa at buhay para sa ating kapwa. Ang inyong isang bag ng dugo ay maaaring makatulong sa mga pasyenteng nangangailangan ng agarang pagsasalin ng dugo. 🙏❤️

📅 Kailan: Ika-4 ng Setyembre 2026, Biyernes
📍 Saan: Northridge Executive, Brgy. Sto. Cristo, CSJDM, Bulacan
⏰ Oras: 7:00 AM onwards

🌟 Huwag palampasin ang pagkakataong maging BAYANI sa simpleng paraan!

Kung ikaw ay kwalipikadong blood donor, maglaan ng kaunting oras upang mag-donate ng dugo at makatulong sa pagliligtas ng buhay. 🩸❤️

Isang donasyon. Isang buhay na maaaring mailigtas.
Tara na, magbigay-dugo! Sama-sama tayong maging bahagi ng bloodletting program na ito! 💪🩸

📣 INAANYAYAHAN PO ANG LAHAT NG INTERESADONG BLOOD DONORS NA MAKILAHOK!

City of San Jose del Monte - City Health Office
Barangay Sto. Cristo CSJDM
Barangay Sto. Cristo Public Information Office City of San Jose del Monte

31/08/2026

DOH: PROTEKTAHAN ANG SARILI LABAN SA DENGUE

Hindi lang kapaligiran ang dapat protektahan—simulan din sa sarili! Iwasan ang kagat ng lamok sa pamamagitan ng pagsusuot ng damit na nakatakip sa balat, paggamit ng mosquito repellent, at pag-iwas sa mga lugar na maraming lamok.

Kasabay nito, huwag kalimutang gawin ang 4Ts—Taob, Taktak, Tuyo, Takip upang mabawasan ang mga lugar na maaaring pamugaran ng lamok.

Protektahan ang sarili, pamilya, at komunidad. Sama-sama tayong kontra dengue!

DOH: ‘WAG MALIGO O MAGLARO SA BAHA, NAKAMAMATAY ANG LEPTOSPIROSISDetalye sa comment section.
31/08/2026

DOH: ‘WAG MALIGO O MAGLARO SA BAHA, NAKAMAMATAY ANG LEPTOSPIROSIS

Detalye sa comment section.

Mga ka-barangay Sto. Cristo. Alam niyo ba?Kapag kayo ay nakapagparehistro sa YAKAP at nabigyan ng reseta o YAKAP e-Presc...
26/08/2026

Mga ka-barangay Sto. Cristo. Alam niyo ba?
Kapag kayo ay nakapagparehistro sa YAKAP at nabigyan ng reseta o YAKAP e-Prescription, maaari ninyong kunin ang inyong mga kwalipikadong gamot sa PhilHealth YAKAP-accredited facility o pharmacy na inyong napili.

💚 PAANO ITO GINAGAWA?
1️⃣ Magparehistro sa YAKAP
Piliin ang inyong YAKAP Provider, tulad ng Sitio Bacood Sto. Cristo BHS.
2️⃣ Magpatingin sa inyong YAKAP Provider
Makipagkonsulta at sundin ang payo ng inyong health care provider.
3️⃣ Makakuha ng reseta / YAKAP e-Prescription
Kung kinakailangan, bibigyan kayo ng reseta para sa mga gamot na sakop ng programa.
4️⃣ PUMUNTA SA YAKAP-ACCREDITED FACILITY O PHARMACY
Dito ninyo kukunin ang inyong kwalipikadong libreng gamot, ayon sa reseta at availability.

📌 PAALALA: Hindi lahat ng pharmacy ay maaaring mag-release ng YAKAP Gamot. Siguraduhing YAKAP-accredited facility o pharmacy ang inyong pupuntahan.

Narito ang mga listahan ng mga Acrredited Facilities / Pharmacies sa ating lungsod.
📍St. Bernadette Multispecialty and Primary Care
📍Ospital ng Lungsod ng San Jose Del Monte
📍Brigino General Hospital, Inc.
📍Get Well Pharmacy
📍Grace Medical Center
📍Healthway Qualimed Hospital San Jose Del Monte
📍Kairos Maternity & General Hospital
📍San Jose Del Monte -Muzon Medical Center Inc.
📍SJP Infirmary Diagnostic and Pharmacy
📍Skyline Hospital and Medical Center
📍A&A Med Pharmacy
📍Generika Drugstore

Samantalahin ang benepisyong hatid ng PhilHealth YAKAP at alagaan ang inyong kalusugan.
Barangay Sto. Cristo CSJDM
Barangay Sto. Cristo Public Information Office City of San Jose del Monte

💚 MAGANDANG BALITA, MGA KA-BARANGAY STO. CRISTO! 💚🏥 CITY HEALTH CENTER XVI — ISA NANG ACCREDITED YAKAP CLINIC!Mas magand...
26/08/2026

💚 MAGANDANG BALITA, MGA KA-BARANGAY STO. CRISTO! 💚

🏥 CITY HEALTH CENTER XVI — ISA NANG ACCREDITED YAKAP CLINIC!

Mas magandang serbisyo, mas mabilis na proseso, at mas madaling pag-access sa YAKAP GAMOT! 💊✨

Kung kayo ay kwalipikado sa PhilHealth YAKAP, piliin ang Sitio Bacood Sto. Cristo BHS bilang inyong YAKAP Provider upang mas madaling ma-access ang mga benepisyong hatid nito.

💚 Bakit Sitio Bacood Sto. Cristo BHS?
✔️ Malapit at mas madaling puntahan
✔️ Mas mabilis at mas maginhawang pagkuha ng serbisyong pangkalusugan
✔️ May gabay mula sa ating health workers
✔️ Mas madaling masundan ang inyong health care needs
✔️ May access sa YAKAP Gamot para sa mga kwalipikadong benepisyaryo

Ang City Health Center XVI (SITIO BACOOD STO. CRISTO BHS) ay isa nang Accredited YAKAP Clinic para sa PhilHealth YAKAP (Yaman ng Kalusugan) Program!
At higit sa lahat, AVAILABLE NA SA ATING PASILIDAD ANG YAKAP E-PRESCRIPTION! 📱💚

✅Paano makukuha ang mga libreng gamot?

Matapos marehistro sa YAKAP Clinic, maaari nang bumisita sa YAKAP Clinic para sa unang konsultasyon o ang unang pagpapakonsulta at check-up sa doctor upang malaman ang kondisyon ng kalusugan ng miyembro kasama na ang kanyang mga dependents.
Depende sa kondisyon ay libreng mabibigyan ng kinakailangang gamot.
Tanging ang mga doktor sa isang YAKAP Clinic ang makakapag-reseta ng gamot para sa pasyente.

✅Lahat ba ay kwalipikadong makakuha ng gamot?
Opo kung ito ay kailangan ng pasyente at nireseta ng inyong doktor ng YAKAP Clinic

✅Lahat ba ng gamot ay libreng makukuha ng benepisyaryo o may limit lang?

Mayroong hanggang Php 20,000 na limit kada taon ang bawat benepisyaryong niresetahan ng kanilang doktor sa Yakap Clinic. Kapag nasagad na ang limit na Php 20,000 ay doon na lamang magkakaroon ng babayaran ang miyembro.

Kaya't huwag nang lumayo para sa serbisyong pangkalusugan! 🩺💊Piliin ang provider na malapit sa inyo at makatutulong sa patuloy na pangangalaga ng inyong kalusugan.

📍 SITIO BACOOD STO. CRISTO BHS
💚 Ang inyong malapit at maaasahang katuwang para sa mas accessible na serbisyong pangkalusugan.

✨ IKAW, HANDA KA BANG MAGING BAYANI? ✨Mga minamahal naming kabarangay, inaanyayahan po namin kayo na makiisa sa darating...
26/08/2026

✨ IKAW, HANDA KA BANG MAGING BAYANI? ✨

Mga minamahal naming kabarangay, inaanyayahan po namin kayo na makiisa sa darating na BLOODLETTING PROGRAM! 🩸

Isang simpleng pagtulong na maaaring maging pag-asa at buhay para sa ating kapwa. Ang inyong isang bag ng dugo ay maaaring makatulong sa mga pasyenteng nangangailangan ng agarang pagsasalin ng dugo. 🙏❤️

📅 Kailan: Ika-4 ng Setyembre 2026, Biyernes
📍 Saan: Northridge Executive, Brgy. Sto. Cristo, CSJDM, Bulacan
⏰ Oras: 7:00 AM onwards

🌟 Huwag palampasin ang pagkakataong maging BAYANI sa simpleng paraan!

Kung ikaw ay kwalipikadong blood donor, maglaan ng kaunting oras upang mag-donate ng dugo at makatulong sa pagliligtas ng buhay. 🩸❤️

Isang donasyon. Isang buhay na maaaring mailigtas.
Tara na, magbigay-dugo! Sama-sama tayong maging bahagi ng bloodletting program na ito! 💪🩸

📣 INAANYAYAHAN PO ANG LAHAT NG INTERESADONG BLOOD DONORS NA MAKILAHOK!

City of San Jose del Monte - City Health Office
Barangay Sto. Cristo CSJDM
Barangay Sto. Cristo Public Information Office City of San Jose del Monte

Address

Sitio Bacood Brgy. Sto. Cristo
San Jose Del Monte
3023

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when City Health Center XVI CSJDM posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to City Health Center XVI CSJDM:

Shortcuts

Share