Ospital ng Lungsod ng San Jose - San Jose City, Nueva Ecija

Ospital ng Lungsod ng San Jose - San Jose City, Nueva Ecija MISSION

Our commitment is to provide first class quality healthcare service to the underprivileged class of the city and adjacent localities.

📢 ANUNSYO: Ipinababatid sa lahat na narito na ang OPD Clinic Schedule ng Ospital ng Lungsod ng San Jose para sa darating...
01/06/2026

📢 ANUNSYO: Ipinababatid sa lahat na narito na ang OPD Clinic Schedule ng Ospital ng Lungsod ng San Jose para sa darating na linggo (June 1 - June 7, 2026). Hinihiling na tingnan ang schedule at sumunod sa itinakdang oras ng konsultasyon. 💚

🩸 OLSJ 7th Anniversary Blood Drive 🩸Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-7 anibersaryo ng OLSJ, matagumpay nating isinaga...
29/05/2026

🩸 OLSJ 7th Anniversary Blood Drive 🩸

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-7 anibersaryo ng OLSJ, matagumpay nating isinagawa ang isang Blood Drive ngayong May 29, 2026 sa Waltermart San Jose City, na pinangunahan ng Laboratory Section of OLSJ.

Sa patuloy na diwa ng malasakit at bayanihan, mahigit 80 donors ang buong pusong nakiisa upang magbahagi ng kanilang dugo—isang simpleng gawa na may katumbas na napakalaking pag-asa at buhay na naibibigay sa kapwa.

Taos-pusong pasasalamat sa lahat ng donors, volunteers, at partners na naging bahagi ng makabuluhang araw na ito. Sa inyong kagandahang-loob, patuloy nating pinatutunayan na ang serbisyo ay tunay na may puso. đź’š

Give blood. Give hope. Give life. 🩸See you tomorrow at our Blood Donation Drive. Every drop counts!📍 Location: Waltermar...
28/05/2026

Give blood. Give hope. Give life. 🩸

See you tomorrow at our Blood Donation Drive. Every drop counts!

📍 Location: Waltermart San Jose City, Nueva Ecija
đź“… Date: May 29, 2026
⏰ Time: 9:00 AM

🩸 2 Days to Go Before Our Blood Donation Drive! ❤️

Every drop counts, and your donation can help save lives. Join us as we give hope and make a difference together.

📍 Location: Waltermart San Jose City, Nueva Ecija
đź“… Date: May 29, 2026
⏰ Time: 9:00 AM

See you soon!

https://www.facebook.com/share/188AujssTm/
27/05/2026

https://www.facebook.com/share/188AujssTm/

🩸 2 Days to Go Before Our Blood Donation Drive! ❤️

Every drop counts, and your donation can help save lives. Join us as we give hope and make a difference together.

📍 Location: Waltermart San Jose City, Nueva Ecija
đź“… Date: May 29, 2026
⏰ Time: 9:00 AM

See you soon!

📢 ANUNSYO: Ipinababatid sa lahat na narito na ang OPD Clinic Schedule ng Ospital ng Lungsod ng San Jose para sa darating...
25/05/2026

📢 ANUNSYO: Ipinababatid sa lahat na narito na ang OPD Clinic Schedule ng Ospital ng Lungsod ng San Jose para sa darating na linggo (May 25- May 31, 2026). Hinihiling na tingnan ang schedule at sumunod sa itinakdang oras ng konsultasyon. 💚

23/05/2026

Pagdiriwang ng Ika-7 Anibersaryo

Matagumpay na naisagawa ang Medical & Surgical Caravan ng Ospital ng Lungsod ng San Jose noong Mayo 06, 2026 sa Brgy. Dizol, San Jose City, Nueva Ecija.

Sa tulong at suporta ni Mayor Josel James Violago, patuloy na inilalapit ng Ospital ng Lungsod ng San Jose ang mga serbisyong pangkalusugan upang mas maraming pamilya ang mabigyan ng agarang at maayos na pangangalaga

Lubos po kaming nagpapasalamat sa lahat ng nakiisa at sumuporta upang maging matagumpay ang gawaing ito. Sa suporta at pakikipagtulungan ng Office of the City Mayor, City Community Affairs, Brgy. Dizol, City Population Office, Public Information Office, City Engineering, LGU Sound System, 48th Infantry (Guardian Battalion), 7th Infantry (Kaugnay) Division, Philippine Army, at 2nd PMFC 308 PNP – San Jose City, Nueva Ecija, naisakatuparan ang serbisyong ito para sa ating mga kababayan.

Patuloy po kaming magsisilbi at maghahatid ng dekalidad na serbisyong pangkalusugan para sa bawat San Joseño.
Serbisyong may malasakit, para sa bawat San Joseño. 💚

Laging handa, sanay, at maaasahan—dahil bawat segundo ay mahalaga sa pagligtas ng buhay. 💚💪Matagumpay na isinagawa ang u...
22/05/2026

Laging handa, sanay, at maaasahan—dahil bawat segundo ay mahalaga sa pagligtas ng buhay. 💚💪

Matagumpay na isinagawa ang unang batch ng Basic Life Support (BLS) Seminar-Training para sa mga empleyado ng Ospital ng Lungsod ng San Jose noong Mayo 8, 2026.

Layunin ng pagsasanay na higit pang patatagin ang kaalaman, kasanayan, at kumpiyansa ng ating mga healthcare workers sa agarang pagtugon sa mga sitwasyong nagbabanta sa buhay. Ang mga empleyado ay hinati sa dalawang grupo – ang healthcare providers (HCP) ay kinabibilangan ng mga nurses, midwives, radtech, medtech at nutritionist-dietitian; ang mga Lay Responders (LR) naman ay kinabibilangan ng mga administrative personnel, ambulance drivers at security personnel.

Ang inisyatibong ito ay nakaangkla sa patuloy na pagpapatibay ng Department of Health sa emergency preparedness, alinsunod sa Department Memorandum No. 2021-0134 na nagsusulong ng standardized training programs, at Department Memorandum No. 2025-0542 na nagbibigay-diin sa pagpapalawak ng kapasidad sa pamamagitan ng BLS training.

Sa ilalim ng Health Emergency Management Bureau (HEMB), isinusulong ang adhikain na magkaroon ng hindi bababa sa isang BLS-trained na indibidwal sa bawat tahanan—isang hakbang tungo sa mas matatag at handang komunidad. Kaakibat nito ang Disaster Risk Reduction and Management in Health (DRRM-H) framework na naglalayong tiyakin na ang mga pasilidad pangkalusugan ay ligtas, handa, at may kakayahang magbigay ng tuloy-tuloy na serbisyo sa gitna ng emerhensiya at sakuna.

Pinangunahan ang pagsasanay ng mga trainers mula sa Provincial Health Office—sina G. April Mesina, G. Robert Olanda, Bb. Joan Maureen Sarangaya, at Dr. Nancy Celestino—na nagbahagi ng kanilang mahalagang kaalaman sa life-saving interventions.

Sa bawat natutunan, may buhay na maaaring mailigtas. Ito ang ating pangako—mas pinatatag na kahandaan, mas maaasahang serbisyo, at mas ligtas na komunidad para sa lahat.

Ang Ospital ng Lungsod ng San Jose ay isa sa pitong pasilidad sa Nueva Ecija na kinilala ng Department of Health Region ...
21/05/2026

Ang Ospital ng Lungsod ng San Jose ay isa sa pitong pasilidad sa Nueva Ecija na kinilala ng Department of Health Region III bilang isang “Mother-Baby Friendly Facility.” Ibig sabihin, ito ay isang ospital na aktibong nagtataguyod at sumusuporta sa breastfeeding o pagpapasuso.

Bilang bahagi ng patuloy na pagpapalakas ng programang ito, regular na nagsasanay ang mga empleyado ng ospital upang higit pang mapaigting ang kanilang kakayahan sa pagsusulong ng breastfeeding at pagbibigay ng tamang kaalaman sa mga ina. Kamakailan, idinaos ang unang batch ng Essential Maternal and Newborn Care – Care for Small Babies – Lactation Management Training noong Abril 15–17.

Malaki ang naitutulong ng pagpapasuso sa paglaki at kalusugan ng sanggol. Taglay ng gatas ng ina ang sapat na sustansya at antibodies na nagbibigay proteksyon laban sa iba’t ibang sakit tulad ng impeksyon sa sikmura at pagtatae. Bukod dito, maraming benepisyo rin ito para sa mga ina:

• Nagsisilbing natural na kontraseptibo sa unang anim na buwan pagkatapos manganak, na kilala bilang Lactational Amenorrhea Method (LAM)
• Nakakatulong sa pagbawas ng timbang kung sasabayan ng wastong nutrisyon
• Nagpapababa ng panganib sa breast at cervical cancer
• Tumutulong sa maayos na regulasyon ng mga hormone

Higit pa rito, nakatutulong din ang breastfeeding sa aspeto ng pananalapi ng pamilya dahil ito ay libre at hindi na nangangailangan ng gastusin para sa gatas at mga kagamitang tulad ng tubig, bote, at sterilizer.

Sa Ospital ng Lungsod ng San Jose, patuloy ang aming paninindigan: suportahan ang bawat ina, alagaan ang bawat sanggol, at itaguyod ang breastfeeding para sa mas malusog na kinabukasan.

The Radiology Department of Ospital ng Lungsod ng San Jose successfully completed the FDA-CDRRHR Visual Inspection Compl...
21/05/2026

The Radiology Department of Ospital ng Lungsod ng San Jose successfully completed the FDA-CDRRHR Visual Inspection Compliance

This accomplishment reflects our department’s dedication to maintaining quality radiologic services, patient safety, proper radiation protection practices, and compliance with the standards set by the FDA-CDRRHR.

We extend our sincere gratitude to all radiology staff, healthcare professionals, and personnel whose hard work, cooperation, and commitment made this achievement possible.

Together, we continue to provide safe, reliable, and quality imaging services for the community. 🏥💚💚

📢 ANUNSYO: Ipinababatid sa lahat na narito na ang OPD Clinic Schedule ng Ospital ng Lungsod ng San Jose para sa darating...
18/05/2026

📢 ANUNSYO: Ipinababatid sa lahat na narito na ang OPD Clinic Schedule ng Ospital ng Lungsod ng San Jose para sa darating na linggo (May 18- May 24, 2026). Hinihiling na tingnan ang schedule at sumunod sa itinakdang oras ng konsultasyon. 💚

Address

Ospital Ng Lungsod Ng San Jose
San Jose
3121

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Ospital ng Lungsod ng San Jose - San Jose City, Nueva Ecija posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Ospital ng Lungsod ng San Jose - San Jose City, Nueva Ecija:

Share