SJCHD Health Promotions

SJCHD Health Promotions Promoting a Healthy San Juan Citizenry.

12/08/2026

DOH Monitoring Visit sa San Juan City Evacuation Center
Agosto 10, 2026

Binisita ni DOH-MMCHD Regional Director Dr. Lester Tan at ni City Health Officer Dr. Mitzi Tanchoco ang evacuation center sa Pinaglabanan Elementary School noong Agosto 10, 2026. Kasama ang San Juan City DRRM Health Team at Department of Health ay ininspeksyon nila ang mga health at safety measures sa lugar upang tiyakin ang kalusugan, kaligtasan, at maayos na serbisyong medikal para sa mga evacuee sa panahon ng sakuna.

07/07/2026
⚠️ Mga San Juaneño, sa pagpasok ng Bagyong Inday sa PAR, ibayong pag-iingat ang ating kailangan.Hindi lang baha ang dala...
07/07/2026

⚠️ Mga San Juaneño, sa pagpasok ng Bagyong Inday sa PAR, ibayong pag-iingat ang ating kailangan.

Hindi lang baha ang dala ng bagyo, nandiyan din ang banta ng Leptospirosis mula sa ihi ng daga na humahalo sa tubig. Kung ikaw ay may sugat o gasgas sa paa at binti, iwasang lumusong sa baha upang hindi mapasukan ng bakterya.

⚠️ Bantayan ang mga senyales sa loob ng 2 hanggang 7 araw: mataas na lagnat, sakit ng ulo, pamumula ng mata (walang muta), at matinding pananakit ng binti (calves).

⚠️ Huwag magpatumpik-tumpik! Kung nakalusong ka sa baha, huwag nang maghintay na magkasakit. Pumunta agad sa inyong Barangay Health Center para sa libreng gamot. Tandaan po natin, ang maagang pag-iingat ay nagliligtas ng buhay!

07/07/2026

Alagang pangkalusugan, bawat buwan para sa bawat taga San Juan!

Panoorin ang ilan sa mga naging programa ng San Juan City Health Department. Mula sa "Healthy Communities" nitong Enero hanggang sa "Ligtas Tigdas" campaign noong Hunyo, hindi tumitigil ang ating pamahalaang lokal sa paghahatid ng tapat at de-kalidad na serbisyong medikal.

Tunghayan ang ating mid-year recap at tingnan kung paano natin sama-samang itinataguyod ang isang mas malusog na komunidad!

07/07/2026

"Ang malusog na mamamayan ang pundasyon ng isang maunlad na lungsod." – Mayor Francis Zamora ❤️

Nakikiisa si Mayor Francis Zamora sa buong bansa sa pagdiriwang ng 𝟱𝟮𝗻𝗱 𝗡𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗡𝘂𝘁𝗿𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗠𝗼𝗻𝘁𝗵. Sa gabay ng temang "Sa PPAN: Sama-sama sa Nutrisyong Sapat Para sa Lahat! Nutrisyon at Kalikasan, Ating Pangalagaan," layunin ng lungsod na itaguyod ang wastong nutrisyon kasabay ng pangangalaga sa ating mga likas na yaman.

18/06/2026

✨ Malusog na chikiting, dito sa Makabagong San Juan! ✨

Bigyan ng tamang lakas at proteksyon ang inyong mga anak sa Ligtas Tigdas Campaign 2026 at maraming salamat sa mga nakibahagi. 💉🛡️

Address

Pinaglabanan
San Juan
1500

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when SJCHD Health Promotions posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share