12/10/2026
BAKUNA ESKWELA 2026: Protektado ang Bata, Panatag ang Pamilya!
Bilang bahagi ng kampanya, nagsagawa ang RHU San Mariano Team ng School-Based Immunization (SBI) / Bakuna Eskwela sa Alibadabad Elementary School, Alibadabad National High School, Villa Ancheta Elementary School, at San Mariano II Central Integrated School.
Kasama sa aktibidad ang orientation para sa mga magulang at g**o upang maipaliwanag ang kahalagahan ng pagbabakuna at maisagawa ang vaccination activities para sa mga kwalipikadong mag-aaral. ๐
๐ฏ Sino ang target na mabakunahan?
๐น Grade 1 โ Measles-Rubella (MR) at Tetanus-Diphtheria (Td), ayon sa eligibility at kasalukuyang guidelines.
๐น Grade 7 โ Measles-Rubella (MR) at Tetanus-Diphtheria (Td), ayon sa eligibility at kasalukuyang guidelines.
๐น Grade 4 Female Learners โ Human Papillomavirus (HPV) vaccine upang makatulong na maiwasan ang HPV infection na maaaring magdulot ng cervical cancer sa hinaharap.
๐ก Alam mo ba? Ang pagbabakuna ay isa sa pinakamabisang paraan upang maprotektahan ang mga bata laban sa mga sakit na maaaring makapinsala sa kanilang kalusugan. Sa pamamagitan ng tamang impormasyon, suporta ng mga magulang, at pakikiisa ng mga g**o, mas napapalakas natin ang proteksiyon ng ating mga mag-aaral.
โค๏ธ Mga magulang, huwag mag-atubili! Makipag-ugnayan sa inyong paaralan o sa RHU San Mariano upang malaman ang iskedyul at mga bakunang angkop para sa inyong anak.
Tara na sa Bakuna Eskwela! Sama-sama nating palakasin ang kalusugan ng kabataan tungo sa mas ligtas na kinabukasan. ๐
๐ฃ Bakuna ngayon, proteksiyon para sa kinabukasan!
SanMariano