29/05/2026
TINGNAN | 2026 International AIDS Candlelight Memorial sa San Mateo Rizal
Bilang pakikiisa sa malawakang pagdaraos ng International AIDS Candlelight Memorial ngayong taon, pinangunahan ng San Mateo Rizal Social Hygiene Clinic ang pagsasagawa ng naturang aktibidad ngayong araw sa San Mateo Municipal Stadium. Ditoโy nagkaroon ng maikling pagbabahagi ng kaalaman at kabuluhan ng aktibidad para sa mga dumalong mag-aaral ang mga kinatawan mula sa San Mateo Rizal Municipal Health Office, San Mateo Rizal Social Hygiene Clinic, San Mateo Rizal Gender and Development Office, at San Mateo Rizal Local Youth Development Office. Mayroon ding inihandog na libre at kumpidensyal na HIV counseling at testing.
Bilang pangwakas, sama-samang nagsindi ng kandila ang lahat ng mga kalahok para sa mataimtim na komemorasyon ng mga buhay na nawala dahil sa HIV at pagkilala sa katatagang ipinapamalas ng mga PLHIV o People Living with HIV.
โLight the Legacy. Remember. Advance. Actโ ang tema ng 2026 International AIDS Candlelight Memorial. Isa itong panawagan para sa lahat na kaakibat ng ating pag-alala sa pakikipaglaban ng ating mga kapatid kontra HIV ay ang ating aktibong pagkilos upang ganap itong masuportahan.