Municipal Health Office - San Miguel, Bulacan

Municipal Health Office - San Miguel, Bulacan OFFICIAL PAGE
Municipal Health Office of San Miguel, Bulacan
Public Health Services

MUNICIPAL HEALTH OFFICE | PAALALA SA PUBLIKO KAUGNAY NG NATIONAL DENGUE AWARENESS MONTH NGAYONG BUWANMga minamahal namin...
03/06/2026

MUNICIPAL HEALTH OFFICE | PAALALA SA PUBLIKO KAUGNAY NG NATIONAL DENGUE AWARENESS MONTH NGAYONG BUWAN

Mga minamahal naming San MigueleΓ±os,

Panahon na naman ng tag-ulan, kapag may ulan may naiipon na tubig at kapag may naiipong tubig nariyan ang panganib ng DENGUE!

Ang mga nakaimbak at naiwang tubig sa loob at paligid ng ating mga tahanan ay maaaring magsilbing pamugaran at pangitlugan ng mga lamok na nagdudulot ng sakit na dengue.

Bilang bahagi ng paggunita sa National Dengue Awareness Month, hinihikayat ng Pamahalaang Bayan ng San Miguel, Bulacan sa pamumuno ng ating The Working Mayor Igg. John A. Alvarez at sa pangunguna ng ating Pambayang Tanggapan ng Kalusugan sa pangunguna ng ating Municipal Health Officer Dr. Hamir Chin-Hechanova ang ating mga kababayan na maging mapagmatyag at makiisa sa mga hakbang para maiwasan ang dengue. Narito ang ilan sa mga mahahalagang paalala at maaari nating gawin.πŸ’‘πŸ‘‡

Tandaan: Ang pag-iwas sa dengue ay nagsisimula sa ating sariling tahanan. Panatilihing malinis ang kapaligiran, alisin ang mga maaaring pamugaran ng lamok, at ugaliing isagawa ang 5S Kontra Dengue:

βœ… Search and destroy ng mga pinamumugaran ng lamok
βœ… Self-protection measures tulad ng pagsusuot ng angkop na damit at paggamit ng mosquito repellent
βœ… Seek early consultation kapag may sintomas ng dengue
βœ… Support fogging/spraying sa mga hotspot areas kung kinakailangan
βœ… Sustain hydration

Magkaisa tayo sa laban kontra dengue. Ang kaligtasan ng ating pamilya at komunidad ay nasa ating mga kamay. Sama-sama nating panatilihing ligtas, malinis, at dengue-free ang ating bayan!

πŒπ”ππˆπ‚πˆππ€π‹ 𝐇𝐄𝐀𝐋𝐓𝐇 πŽπ…π…πˆπ‚π„ | π‹πˆππ‘π„ππ† 𝐂𝐇𝐄𝐒𝐓 𝐗-π‘π€π˜ 𝐒𝐀 𝐒𝐀𝐍 πŒπˆπ†π”π„π‹π“π€π‘π€β€™π“ πŒπ€π†ππ€π˜π€ππˆπ‡π€π, 𝐓.𝐁. π€π˜ π“π”π‹πƒπ”πŠπ€π! 🫁Muling aarangkada nga...
02/06/2026

πŒπ”ππˆπ‚πˆππ€π‹ 𝐇𝐄𝐀𝐋𝐓𝐇 πŽπ…π…πˆπ‚π„ | π‹πˆππ‘π„ππ† 𝐂𝐇𝐄𝐒𝐓 𝐗-π‘π€π˜ 𝐒𝐀 𝐒𝐀𝐍 πŒπˆπ†π”π„π‹

𝐓𝐀𝐑𝐀’𝐓 πŒπ€π†ππ€π˜π€ππˆπ‡π€π, 𝐓.𝐁. π€π˜ π“π”π‹πƒπ”πŠπ€π! 🫁

Muling aarangkada ngayong taong 2026 ang Libreng Chest X-ray Program ng Municipal Health Office para sa ating mga kababayang San MigueleΓ±o. Dalawang daang (200) indibidwal ang mabibigyan ng libreng serbisyo kaya tara na at makiisa!

Ang Pamahalaang Bayan ng San Miguel, sa pamumuno ng ating Punong Bayan, Igg. John A. Alvarez, katuwang ang ating Ikalawang Punong Bayan, Igg. Gerome DC. Reyes, at ang Municipal Health Office sa pangunguna ni Dr. Hamir Chin-Hechanova, MHO, ay hinihikayat ang lahat ng mamamayan na makilahok sa programang ito upang masuri at maagapan ang mga sakit na maaaring makaapekto sa ating respiratory system.

Ang Chest X-ray ay isang mahalagang pagsusuri na makatutulong sa maagang pagtukoy ng mga karamdaman sa baga at iba pang bahagi ng dibdib tulad ng Tuberculosis (T.B.), kanser sa baga, at iba pang sakit sa paghinga.
πŸ“Œ Tandaan: Ang iyong kalusugan ay mahalaga!
Huwag mag-atubiling magpasuri at kumonsulta sa mga propesyonal sa kalusugan upang mapanatili ang mabuting kalusugan at pangkalahatang kagalingan.
Kaugnay ng programang ito, prayoridad ang mga indibidwal na kabilang sa High-Risk Group tulad ng mga sumusunod:
Mga nakatatanda na may edad 60 taong gulang pataas (Senior Citizens);
Mga taong may kondisyong medikal tulad ng:
β€’ Hypertension (High Blood Pressure)
β€’ Diabetes (HPN/DM Club)
β€’ Dating nagkaroon at naggamot ng sakit sa baga
β€’ Mga may kasamang naggagamot para sa Tuberculosis sa bahay o trabaho
Mga naninigarilyo;
Mga may sintomas ng Tuberculosis tulad ng:
β€’ Ubo na tumatagal ng dalawang linggo o higit pa
β€’ Paglalagnat at pagpapawis tuwing hapon hanggang gabi
β€’ Biglaang pagbaba ng timbang
Mga miyembro ng 4Ps;
Solo Parents;
Persons with Disabilities (PWDs).

Sama-sama nating pangalagaan ang kalusugan ng bawat San MigueleΓ±o. Sa maagang pagsusuri at tamang kaalaman, mas maiiwasan at masusugpo natin ang Tuberculosis at iba pang sakit sa baga.

Magpatingin, magpasuri, at makiisa para sa mas malusog na komunidad! πŸ«πŸ’™

26/05/2026

MUNICIPAL HEALTH OFFICE | VOLUNTARY BLOOD DONATION PROGRAM 2026 🩸Blood Donation Drive, muling aarangkada! Kaya mga San M...
18/05/2026

MUNICIPAL HEALTH OFFICE | VOLUNTARY BLOOD DONATION PROGRAM 2026 🩸

Blood Donation Drive, muling aarangkada! Kaya mga San MigueleΓ±o, ipakita natin ang ating malasakit at pakikiisa.

Sa pamumuno at patnubay ng ating butihing Punong Bayan, Hon. John A. Alvarez, kasama si Vice Mayor Gerome DC. Reyes, at ang Pambayang Tanggapan ng Kalusugan sa pangunguna ng ating MHO, Dr. Hamir Chin-Hechanova, ipinababatid po na magkakaroon tayo ng Blood Donation Drive sa May 22, 2026 (Biyernes) sa Ricardo Silverio Sr. Multi-Purpose Center, mula 9:00 ng umaga hanggang 3:00 ng hapon.

Layunin ng programang ito na patuloy na makatulong sa ating mga kapwa San MigueleΓ±o na nangangailangan o mangangailangan ng dugo. Taos-puso po ang aming pasasalamat sa lahat ng maglalaan ng oras upang mag-donate, gayundin sa ating mga Barangay Captain, Konsehal on Health, at BHW na patuloy na sumusuporta sa mga programa at kampanya ng Municipal Health Office.

Maraming salamat din sa Bulacan Provincial Blood Center sa mabilis at maayos na koordinasyon upang maisakatuparan ang programang ito.

Anuman ang iyong blood type, mahalaga ang iyong dugo at tulong upang makapagligtas ng buhay. Kaya tara na β€” magkita-kita tayo at sama-sama nating buuin ang mas masiglang komunidad!

MAYO 04, 2026 | MALIGAYANG PAGBATIMaligayang Kaarawan po sa ating Municipal Health Officer, Dr. Hamir Chin-Hechanova!Mar...
04/05/2026

MAYO 04, 2026 | MALIGAYANG PAGBATI

Maligayang Kaarawan po sa ating Municipal Health Officer, Dr. Hamir Chin-Hechanova!

Maraming salamat po sa inyong matapat na paglilingkod, sa paggabay sa amin, at sa malasakit na walang kapantay para sa kalusugan at kapakanan ng ating bayan.
Nawa’y patuloy ka pong pagpalain ng Poong Maykapal ng masaganang kalusugan, walang hanggang lakas, karunungan sa pamumuno, at mas marami pang masasayang taon kasama ang inyong pamilya at ang inyong minamahal na tanggapan.

Muli, Happy Birthday po, Doc Hamir!

MUNICIPAL HEALTH OFFICE | WORLD IMMUNIZATION WEEK Ang World Immunization Week ay ipinagdiriwang taun-taon tuwing April 2...
29/04/2026

MUNICIPAL HEALTH OFFICE | WORLD IMMUNIZATION WEEK

Ang World Immunization Week ay ipinagdiriwang taun-taon tuwing April 24–30 upang itaas ang kamalayan tungkol sa kahalagahan ng bakuna sa pag-iwas sa mga sakit at pagprotekta ng buhay. Ngayong taon, ito ay may temang, β€œFor every generation, vaccines work”.

Mula noon hanggang ngayon, ang BAKUNA ay LIGTAS at EPEKTIBO.

Sama-sama nating tiyakin na walang maiiwan sa pagiging protektado laban sa mga sakit katulad ng polio, tigdas, cervical cancer at maraming pang iba, pabakunahan natin ang ating mga anak upang ang buong pamilya at komunidad ay manatiling malusog para sa magandang kinabukasan.

Magpunta sa pinakamalapit na RHU o Barangay Health Station sa inyong lugar para alamin ang mga schedule ng mga bakuna.

MUNICIPAL HEALTH OFFICE | VOLUNTARY BLOOD DONATION PROGRAM 2026 🩸Blood Donation Drive, muling aarangkada! Kaya mga San M...
27/04/2026

MUNICIPAL HEALTH OFFICE | VOLUNTARY BLOOD DONATION PROGRAM 2026 🩸

Blood Donation Drive, muling aarangkada! Kaya mga San MigueleΓ±o, ipakita natin ang ating malasakit at pakikiisa.
Sa pamumuno at patnubay ng ating butihing Punong Bayan, Hon. John A. Alvarez, kasama si Vice Mayor Gerome DC. Reyes, at ang Pambayang Tanggapan ng Kalusugan sa pangunguna ng ating MHO, Dr. Hamir Chin-Hechanova, ipinababatid po na magkakaroon tayo ng Blood Donation Drive sa darating na bukas, April 28, 2026 (Martes) sa Ricardo Silverio Sr. Multi-Purpose Center, mula 9:00 ng umaga hanggang 3:00 ng hapon.

Layunin ng programang ito na patuloy na makatulong sa ating mga kapwa San MigueleΓ±o na nangangailangan o mangangailangan ng dugo. Taos-puso po ang aming pasasalamat sa lahat ng maglalaan ng oras upang mag-donate, gayundin sa ating mga Barangay Captain, Konsehal on Health, at BHW na patuloy na sumusuporta sa mga programa at kampanya ng Municipal Health Office.

Maraming salamat din sa Bulacan Provincial Blood Center sa mabilis at maayos na koordinasyon upang maisakatuparan ang programang ito.

Anuman ang iyong blood type, mahalaga ang iyong dugo at tulong upang makapagligtas ng buhay. Kaya tara na β€” magkita-kita tayo at sama-sama nating buuin ang mas masiglang komunidad!

Municipal Health Office | Araw ng mga Barangay Health Workers β€œBayaning may Husay at Wagas na dedikasyon sa pagseserbisy...
07/04/2026

Municipal Health Office | Araw ng mga Barangay Health Workers

β€œBayaning may Husay at Wagas na dedikasyon sa pagseserbisyo β€” BHW, kaagapay natin tungo sa Kalusugang Pangkalahatan."

Sa pangunguna ng Pambayang Tanggapan ng Kalusugan, buong puso po nating ipinagdiriwang at binibigyang-pugay ang lahat ng Barangay Health Workers, hindi lamang sa ating bayan, kundi sa buong bansa.

Taos-puso po ang aming pasasalamat sa inyong napakalaking ambag sa kalusugan ng ating komunidad. Ang inyong sipag, tiyaga, at malasakit ang nagsisilbing sandigan ng bawat pamilyang San MigueleΓ±o sa oras ng pangangailangan.

Kayo po ang tunay na mga bayani sa komunidad, laging handang maglingkod, mag-alaga, at magbigay ng pag-asa.

Muli, isang taos-pusong pagbati at pasasalamat sa ating mga Barangay Health Workers!
Mabuhay po kayo!

Kasama ang Pamahalaang Bayan ng San Miguel, sa pangunguna ni Mayor John B**g Alvarez at ng Municipal Health Office sa pa...
24/03/2026

Kasama ang Pamahalaang Bayan ng San Miguel, sa pangunguna ni Mayor John B**g Alvarez at ng Municipal Health Office sa pamumuno ni Dr. Hamir Chin-Hechanova, matagumpay na nakiisa ang ating lokal na pamahalaan sa kampanya laban sa TB ngayong World Tuberculosis Day 2026.

Ang amin pong paalala sa pamamagitan ng maagang pagpapasuri, tamang gamutan, at patuloy na suporta sa mga pasyente, mapoprotektahan natin ang ating kapwa San MiglueΓ±o. Para sama-sama, makakamit natin ang isang TB-free na Bayan ng San Miguel!

Yes! PILIPINAS can

Magpasuri; Magpagamot; Mag-TPTodo Para Protektado!

**gAlvarez

Address

San Miguel
3011

Opening Hours

Monday 9am - 5pm
Tuesday 9am - 5pm
Wednesday 9am - 5pm
Thursday 9am - 5pm
Friday 9am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Municipal Health Office - San Miguel, Bulacan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share