17/09/2026
MALIIT ANG KIDNEYS… PERO GRABE MAGTRABAHO! 😲
Alam mo ba na sa loob lang ng ISANG ARAW, napakaraming dugo ang dumadaan at nasasala ng ating kidneys—umaabot sa humigit-kumulang 180 LITRO! 🩸
Pero teka… wala naman tayong 180 litro ng dugo! 🤔
Tama! Paulit-ulit na dumadaan ang dugo natin sa kidneys habang umiikot ito sa katawan.
Dito tumutulong ang kidneys na alisin ang mga waste at sobrang tubig, habang ibinabalik naman sa dugo ang karamihan sa tubig at mga substances na kailangan pa ng katawan. 💧
Kaya kahit halos kasinlaki lang ng kamao ang bawat kidney…
💪 Tahimik lang sila, pero walang tigil ang trabaho!
❤️ Kaya alagaan natin ang kidneys habang maaga.
📌 I-share ang FUN FACT na ito—baka may matutunan din ang pamilya at mga kaibigan mo!
Source: National Institute of Diabetes and Digestive and Kidney Diseases (NIDDK), National Institutes of Health (NIH) — Your Kidneys & How They Work