RHU Santa Ana Pampanga

RHU Santa Ana Pampanga For Announcements

25/08/2026

ALAMIN NATIN: LEPTOSPIROSIS 🦠

👉 Maging alerto. Maging ligtas. Iwasan ang Leptospirosis!




ALAMIN NATIN: LEPTOSPIROSIS 🦠🌧️ Lumubog ka ba sa baha? Huwag balewalain ang panganib ng Leptospirosis!Ang Leptospirosis ...
25/08/2026

ALAMIN NATIN: LEPTOSPIROSIS 🦠
🌧️ Lumubog ka ba sa baha? Huwag balewalain ang panganib ng Leptospirosis!
Ang Leptospirosis ay isang sakit na dulot ng bacteria na Leptospira na maaaring makuha mula sa kontaminadong tubig o baha, lalo na kung may sugat sa balat.
📌 MGA DAPAT TANDAAN:
✅ Iwasang lumusong sa baha kung maaari.
✅ Kung kinakailangang lumusong, gumamit ng protective gear gaya ng boots at gloves.
✅ Panatilihing malinis at takpan ang anumang sugat.
✅ Magpakonsulta agad kung nakaranas ng sintomas tulad ng lagnat, pananakit ng ulo at katawan, pamumula ng mata, o paninilaw ng balat/mata.
✅ Kung ikaw ay lumusong sa baha, kumonsulta agad sa pinakamalapit na health facility para sa tamang assessment at lunas.
💊 May libreng gamot para sa leptospirosis prophylaxis sa mga DOH Health Centers at Hospitals para sa mga kwalipikadong indibidwal. Huwag basta uminom ng gamot nang walang payo at reseta ng doktor.
👉 Maging alerto. Maging ligtas. Iwasan ang Leptospirosis!




“ALAY KONG DUGO GALING SA PUSO”          BLOOD DONATION DRIVE Municipality of Santa Ana invites everyone to join our Blo...
11/06/2026

“ALAY KONG DUGO GALING SA PUSO”
BLOOD DONATION DRIVE

Municipality of Santa Ana invites everyone to join our Blood Donation Drive and help save lives through your simple act of generosity. Bring your family, friends, and household members and be part of this meaningful mission of love

📍 Venue: 2nd floor Multipurpose Building, New Municipal Grounds
📅 Date: June 16, 2026
⏰ Time: 8am-12:00nn

To be eligible for Blood Donation, please ensure the following:

a) At least 50 kg or 100lbs above in weight;
b) Blood pressure must be within normal range;
c) Get enough rest and sleep at least 6-8hours;
d) No alcohol intake within the last 24 hours;
e) Have not smoked for the last 6 hours; and
f) No respiratory tract infection symptoms (e.g cough and colds).

*For Minor 16-17 yrs old with parent consent, Ages 18 yrs old and above.
*Any Kind of Blood Type

Donate blood.
Bring a friend.
Share hope.
Save lives.

See you there! Pimpeños🙏❤️

05/04/2026
Mga Mahal naming Pimpeño! NGAYONG ENERO AY DEWORMING MONTH! 🐛🚫Panatilihing malusog at masigla ang ating mga anak! Inaany...
21/01/2026

Mga Mahal naming Pimpeño!

NGAYONG ENERO AY DEWORMING MONTH! 🐛🚫

Panatilihing malusog at masigla ang ating mga anak! Inaanyayahan ng Pamahalaang Bayan ng Sta. Ana ang lahat ng mga magulang na dalhin ang kanilang mga anak (edad 1 hanggang 19 taong gulang) sa pinakamalapit na Health Center para sa LIBRENG PURGA.

Bakit mahalaga ang magpa-purga?

Iniiwasan nito ang malnutrisyon at anemia.

napapanatiling matalas ang isip ng bata sa pag-aaral.

nananatiling malakas ang resistensya laban sa mga sakit.

📍 Saan: Sa inyong mga Barangay Health Centers 🗓️ Kailan: Ngayong buong buwan ng Enero 💰 Presyo: LIBRE para sa lahat!

Ligtas ang purga, para sa malusog na bukas ng Batang Sta. Ana!

PAUNAWA SA PUBLIKOSa aming mga minamahal na Pimpeño,Nais naming ipabatid na sa kasalukuyan ay ubos na ang supply ng Pneu...
21/01/2026

PAUNAWA SA PUBLIKO

Sa aming mga minamahal na Pimpeño,

Nais naming ipabatid na sa kasalukuyan ay ubos na ang supply ng Pneumonia Vaccine dito sa ating Rural Health Unit (RHU).

Ang aming huling stock ay nagamit na para sa mga nakatakdang schedule nitong mga nakaraang araw.

Humihingi po kami ng paumanhin sa anumang abalang dulot nito at nagpapasalamat sa inyong pag-unawa.

Salamat po sa inyong kooperasyon at pananatiling ligtas!

19/01/2026
📢 MAHALAGANG ANUNSYO: LIBRENG BAKUNA LABAN SA PNEUMONIA! 📢Tinatawagan ang pansin ng ating mga Senior Citizens at mga may...
19/01/2026

📢 MAHALAGANG ANUNSYO: LIBRENG BAKUNA LABAN SA PNEUMONIA! 📢

Tinatawagan ang pansin ng ating mga Senior Citizens at mga may comorbidities (tulad ng diabetes, hypertension, sakit sa puso, atbp.). Ngayong araw ay mayroon tayong schedule para sa inyong Pneumonia Vaccination.

Narito ang ating schedule para sa araw na ito:

📍 MUNICIPAL CONFERENCE ROOM ⏰ 8:00 AM – 12:00 NN
📍 RURAL HEALTH UNIT (RHU) ⏰ 1:00 PM – 5:00 PM

Ang bakunang ito ay mahalaga upang maiwasan ang malalang komplikasyon sa baga, lalo na para sa ating mga "vulnerable sectors." Huwag palampasin ang pagkakataong ito na maging protektado!

Mag-ingat po tayong lahat at kita-kits! 💙

Address

Santa Ana
2022

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when RHU Santa Ana Pampanga posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share