21/09/2026
SEPTEMBER 21, 2026
CONSULTATION
Patuloy ang MHO Santa Cruz - Medical Team sa pagbibigay ng libreng serbisyong medikal para sa mga mamamayan ng Santa Cruz, Laguna.
Layunin ng serbisyong ito na mapalapit sa bawat pamilya ang kinakailangang konsultasyong medikal at serbisyong pangkalusugan, bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng isang malusog at maayos na pamayanan.
Sa pangunguna ni Dr. Adrian Quizon at sa pamamahala ni Mayor Benjo Agarao, patuloy ang MHO Santa Cruz - Medical Team sa paghahatid ng serbisyong tapat, maagap, at may malasakit.
📍 Magpakonsulta at alagaan ang inyong kalusugan.
Serbisyong Pangkalusugan para sa bawat Santa Cruzeno.