25/05/2026
๐ฅน
๐ขSimula pumasok ang 2026, wala ng OPV! ๐ง๐ง๐ง
Ngaun wala na ring PCV! ๐๐๐
Baka sa susunod wala na ring Penta?!๐๐ป๐๐ป๐๐ป
Hindi acceptable na matagal na walang bakunaโผ๏ธโผ๏ธโผ๏ธ
Nakakalungkot at nakakabahala na matagal nang walang supply ng Oral Polio Vaccine (OPV) sa mga health center. Ngaun Pneumococcal vaccine (PCV) naman ang wala. Habang abala sa mga usaping politikal at kaguluhan sa bansa, maraming bata ang naiiwang walang proteksyon laban sa mga sakit na maaari namang maiwasan sa pamamagitan ng bakuna. Nadedelay lahat. Paisa -isa bigay. Kulang-kulang.
Imbes na maproteksyunan lahat, bumababa ang herd immunity natin, hindi lang ng mga bata, pati matatanda.
Ang herd immunity o proteksyon ng komunidad ay nangyayari kapag karamihan sa mga bata at tao ay nabakunahan, kaya hindi madaling kumalat ang sakit. Kahit ang mga sanggol o batang hindi pa puwedeng mabakunahan ay napoprotektahan dahil nahaharang o naiiwasan ang pagkalat ng virus o bacteria.
Kapag maraming hindi nababakunahan dahil walang supply ng bakuna, humihina ang herd immunity. Ibig sabihin, mas madaling kumalat ang sakit sa komunidad at mas maraming batang nalalagay sa panganib, mabilis maadmit sa ospital, lalo na ang mga sanggol, may sakit, o mahina ang resistensya.
Ang bakuna ay hindi lang proteksyon ng isang bata, proteksyon ito ng buong komunidad. Kapag nawawala ang supply, hindi lang isang bata ang apektado, kundi buong barangay (buong bansa) ang maaaring malagay sa peligro ng outbreak.
Kawawa ang mga bata at mga magulang na umaasa sa libreng serbisyo. Hindi nmn lahat afford mag-private. ๐ฉ๐ปโโ๏ธ๐ฉบ๐ฅผ
Libre nga, pero ano ang silbi kung walang supply? ๐
Over over na sa 90days.
Magkakaron pa po ba ng supply, para hindi na kami mag-wait? ๐
Kalusugang tuloy-tuloy o kulang-kulang? ๐