Wellness Body Nutrition

Wellness Body Nutrition Wellness Body Nutrition Program

KARAKTER MUNA BAGO KAKAYAHAN.Maraming tao ang may kakayahan.Magaling magsalita. Mahusay mamuno. May talento.Pero sa King...
30/06/2026

KARAKTER MUNA BAGO KAKAYAHAN.

Maraming tao ang may kakayahan.
Magaling magsalita.
Mahusay mamuno.
May talento.

Pero sa Kingdom ng Diyos, hindi kakayahan ang unang tinitignan kundi Karakter.

1 Timoteo 4:16
16 Pakaingatan mo ang iyong sarili at ang iyong pagtuturo. Patuloy mong gawin ang mga ito sapagkat sa paggawa mo nito ay maliligtas ka, pati na ang mga nakikinig sa iyo.

Yes pwede kang dalhin ng iyong kakayahan sa mga opportunities, pero ang tamang karakter ang magpapanatili sa iyo roon.

Maaaring gamitin ka ng Diyos dahil sa iyong kakayahan, ngunit ang iyong karakter ang magde-determine kung kakayanin mong manatili kapag ang sitwasyon ay hindi na madali.

Ano ang silbi ng mahusay na pangangaral, kung ang buhay ay salungat sa mensahe?
Ano ang silbi ng malaking impluwensya, kung ang puso ay malayo naman sa Diyos?

Mas mahalaga sa Diyos ang kabanalan kaysa abilidad lang.
Mas mahalaga ang katapatan kaysa talento.
Mas mahalaga ang malinis na puso kaysa kahanga-hangang kakayahan.

Ang karakter ay nahuhubog sa mga sandaling walang nakakakita.
Sa mga desisyong ginagawa mo nang mag-isa.
Sa pagpili mong sumunod sa Diyos kahit walang pumapalakpak.

Tandaan:
Maaaring hangaan ka ng tao dahil sa iyong kakayahan, ngunit ang Diyos ay nakatingin sa iyong karakter.

Sana wag lang kakayahan ang palaguin.
Dahil Karakter pa rin ang matinding dahilan kung bakit tayo gagamitin.

God bless.

20/04/2026
19/04/2026
18/04/2026

Address

Tierra De Santa Maria Bulacan
Santa Maria
3022

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Wellness Body Nutrition posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share