18/06/2026
‼️ Sabayang Pagyanig, Sabayang Kahandaan. ‼️
Nakiisa ang mga kawani at boluntaryo ng Philippine Red Cross Laguna Chapter – City of Santa Rosa Branch sa isinagawang 2nd Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) na pinangunahan ng Office of Civil Defense.
Layunin ng aktibidad na palakasin ang kahandaan at kakayahan ng bawat isa sa pagtugon sa mga sakuna, lalo na sa panahon ng lindol. Sa pamamagitan ng regular na pagsasanay, mas napapaigting ang kamalayan at kahandaan ng komunidad upang mapangalagaan ang buhay at kaligtasan ng lahat.