Plaridel Health and Wellness

Plaridel Health and Wellness This page is created for the benefits of residents of Barangay Plaridel. Easy access for scheduling

🔹 1. Ano ang VIA?Ang VIA o Visual Inspection with Acetic Acid ay isang simpleng pagsusuri para makita kung may mga pagba...
29/05/2026

🔹 1. Ano ang VIA?

Ang VIA o Visual Inspection with Acetic Acid ay isang simpleng pagsusuri para makita kung may mga pagbabago sa cervix na maaaring mauwi sa cervical cancer. Nilalagyan ng acetic acid (parang s**a) ang cervix at tinitingnan kung may puting bahagi na indikasyon ng abnormalidad.

🔹 2. Para saan ang VIA?

Ginagamit ito para maagang matukoy ang posibilidad ng cervical cancer upang maagapan agad at magamot.

🔹 3. Sino ang dapat magpa-VIA?

Mga kababaihan lalo na kung may asawa o may sexual activity na

🔹 4. Masakit ba ang VIA?

Hindi ito masakit, ngunit maaaring makaramdam ng kaunting discomfort o parang pressure habang ginagawa ang procedure.

🔹 5. Gaano katagal ang procedure?

Karaniwan ay 5–10 minuto lamang.

🔹 6. Kailangan ba maghanda bago magpa-VIA?

Oo. Iwasan ang pakikipagtalik, paggamit ng vaginal medications, o pagdouche 24 oras bago ang test. Huwag din magpa-test kapag may regla.

🔹 7. Pwede ba ito sa buntis?

Depende sa assessment ng health worker. May mga pagkakataon na ipinagpapaliban muna hanggang matapos manganak.

🔹 8. Ano ang ibig sabihin ng negative na resulta?

Ibig sabihin, walang nakitang abnormalidad sa cervix. Ipagpatuloy lang ang regular screening.

🔹 9. Ano ang ibig sabihin ng positive na resulta?

May nakita na posibleng abnormal na bahagi. Kailangan ng karagdagang pagsusuri o paggamot.

🔹 10. Ano ang susunod na hakbang kapag positive?

Maaaring i-refer para sa karagdagang test o gamutan tulad ng cryotherapy o iba pang procedure depende sa findings.

🔹 11. Ligtas ba ang VIA?

Oo, ito ay ligtas, simple, at cost-effective na paraan ng screening.

🔹 12. Bakit mahalagang magpa-VIA kahit walang sintomas?

Dahil ang cervical cancer ay kadalasang walang sintomas sa umpisa. Mas mainam na maagapan ito habang maaga pa

Sa mga nagnanais mgpa VIA maaaring malipagugnayan sa Alabat Rural Health Unit, nurse, midwife o barangay health workers na nakakasakop sa inyong barangay para po sa schedule

Libre po ito kaya halina mgpa-VIA na




07/05/2026
Maraming salamat po sa masisipag na BHW at BNS sa kasipagan niyo ng buong taon. Ito ay para sa inyo, pagkilala sa tuloy ...
13/02/2026

Maraming salamat po sa masisipag na BHW at BNS sa kasipagan niyo ng buong taon. Ito ay para sa inyo, pagkilala sa tuloy tuloy na serbisyo.
Salamat po kay Kapitana Cayetana Romero sa walang sawang suporta sa programa ng health.
At sa kagawad namin na laging andiyan handang tumugon sa pangangailan ng serbisyong kalusugan Kagawad Sammy Almojela Romero .

Patuloy lang ang serbisyong Pangkalusugan. Salamat po!

15/01/2026

MEDICAL MISSION ALERT! 🩺❤️

LIBRENG SERBISYO NG SURGERY PARA SA KOMUNIDAD! 🌟

Magkakaroon Ang CITY HEALTH OFFICE ng surgical mission para magbigay ng LIBRENG serbisyong medikal sa mga nangangailangan. Ang mga dalubhasang doktor at propesyonal sa medisina ay mag-aalok ng
Mga kaso para sa operasyon:
• Goiter
• Luslos (hernia)
• Hydrocele
• Mga operasyon sa suso (kasama ang kanser)
• Operasyon sa apdo (gall bladder)
• Bingot (cleft lip)
• Butas sa ngalangala / bingot sa ngalangala (cleft palate)
• Bukol sa litid (tendon cyst)
• Mga bukol sa malambot na laman (soft tissue tumors)
• Mga minor na operasyon

Mga kaso sa Gynecology:
• Pagtanggal ng matris (hysterectomy)
• Mga operasyon sa obaryo
• Myoma
• Pagpapaligate / pagpapatali ng fallopian tubes (ligation)

MAGPALISTA NA! 📝

Magtungo lamang Po sa ating Barangay Health Center para sa karagdagang impormasyon.

Maraming salamat po. ☺️

15/01/2026
15/01/2026

📣📣PABATID SA PUBLIKO📣📣
Ang City Health Office ay magkakaroon ng Libreng Psychiatric Consultation sa January 22, 2026. Ito ay magaganap sa City Health Office sa ganap na 8:00 ng umaga.
Sa mga nais mag pa konsulta, Maaring pumunta muna sa inyong Barangay Health Center upang kumuha ng Referral Slip bago magtungo sa City Health Office para sa inyong konsultasyon.
Cut off time: 10:00 AM
FIRST COME, FIRST SERVE

25/11/2025

📣📣PABATID SA PUBLIKO📣📣

Ang City Health Office ay magkakaroon ng Libreng Psychiatric Consultation sa November 27, 2025. Ito ay magaganap sa City Health Office sa ganap na 8:00 ng umaga.
Sa mga nais mag pa konsulta, Maaring pumunta muna sa inyong Barangay Health Center upang kumuha ng Referral Slip bago magtungo sa City Health Office para sa inyong konsultasyon.
Cut off time: 10:00 AM
FIRST COME, FIRST SERVE

Address

Roque Street Extension Plaridel
Santiago
3311

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 12pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Plaridel Health and Wellness posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share