30/07/2026
Choose mercury free lipstick 💄
Pinaalalahanan ng grupong EcoWaste Coalition ang publiko, lalo na ang mga kababaihan at kabataan, sa paggamit ng mga lipstick na walang pagsusuri at aprubasyon mula sa Food and Drug Administration (FDA).
Ito ay matapos matuklasan ng grupo ang umano’y may mapanganib na mercury sa walong lipstick na may tatak na “Chanlanya” na ibinebenta sa halagang P450 kada kahon na may 24 tubes.
Ayon sa EcoWaste, mapanganib ang mercury dahil maaari itong maipon sa katawan kapag palagiang ginagamit, at maaaring magdulot ng seryosong epekto sa kalusugan, kung saan mayroon itong potent neurotoxin.
Dahil dito, hinikayat ng grupo ang mga mamimili na tiyaking rehistrado at dumaan sa pagsusuri ng FDA ang mga cosmetics bago gamitin upang maiwasan ang posibleng panganib.