25/09/2026
https://www.facebook.com/share/1TFJQsR6MX/?mibextid=wwXIfr
May kakilala ka ba na nangangailangan ng SPEECH THERAPY?
Ang Department of Speech-Language Pathology ng College of Rehabilitation Sciences ng DLSMHSI ay naghahanap ng mga pasyente na gustong makatanggap ng LIBRENG speech and language evaluation at therapy. Ito ay bukas para sa lahat ng kondisyon at edad na nangangailangan ng tulong sa pagsasalita, pag-intindi, pandinig o paglunok.
Ang speech services na matatanggap ay maaaring face-to-face o online/teletherapy. Ang sessions ay gagawin ng mga student clinicians sa ilalim ng gabay at pagtuturo ng mga lisensyadong Speech-Language Pathologists mula sa aming departamento.
Kung kayo po ay interesado na makakuha ng ganitong serbisyo, maaaring po kayong magpalista gamit ang google form na ito:
https://forms.gle/VsN4RBVyeUbGE6Lg7 [CLOSED]
Maaari din po ninyong i-scan ang QR CODE na nasa poster. Limitado lamang po ang mga available na schedule at slots.
Maraming salamat po!