05/12/2025
Sa patuloy na pag-ulan dulot ng kasalukuyang bagyo, nananawagan ang Department of Health (DOH) sa lahat ng mamamayan na maging maingat at responsable upang maiwasan ang pagkalunod at iba pang aksidente dulot ng pagbaha.
Narito ang ilang mahalagang paalala:
πΉ Huwag hayaang maglaro ang mga bata sa baha, kanal, ilog, o sapa.
πΉ Iwasang tumawid o magmaneho sa rumaragasang baha.
πΉ Mag-ingat sa mga butas at iba pang panganib sa kalsada na natatakpan ng tubig.
πΉ Huwag maglakad sa gilid ng ilog o sapa kung saan posibleng gumuho ang lupa.
πΉ Gumamit ng floatation aid kung hindi maiiwasang lumusong sa baha.
πΉ Lumikas nang maaga kung may babala ng pagbaha sa inyong lugar.
Kung may nakitang taong nalulunod, tumawag agad sa National Emergency Hotline 911 o sa inyong lokal na emergency hotlines. Magsagawa ng hands-only CPR habang naghihintay ng tulong.