07/09/2026
𝐂𝐀𝐍 𝐀 𝐌𝐈𝐃𝐖𝐈𝐅𝐄 𝐏𝐑𝐄𝐒𝐂𝐑𝐈𝐁𝐄 𝐓𝐇𝐈𝐒 𝐌𝐄𝐃𝐈𝐂𝐈𝐍𝐄? 🤔
Bilang pharmacist, isa sa mga responsibilidad natin ay hindi lang basta magbasa ng pangalan ng gamot at i-dispense ito.
Kailangan din nating tingnan kung 𝙫𝙖𝙡𝙞𝙙 𝙖𝙣𝙜 𝙥𝙧𝙚𝙨𝙘𝙧𝙞𝙥𝙩𝙞𝙤𝙣 𝙖𝙩 𝙠𝙪𝙣𝙜 𝙖𝙣𝙜 𝙝𝙚𝙖𝙡𝙩𝙝𝙘𝙖𝙧𝙚 𝙥𝙧𝙤𝙛𝙚𝙨𝙨𝙞𝙤𝙣𝙖𝙡 𝙣𝙖 𝙣𝙖𝙜-𝙞𝙨𝙨𝙪𝙚 𝙣𝙞𝙩𝙤 𝙖𝙮 𝙢𝙖𝙮 𝙖𝙪𝙩𝙝𝙤𝙧𝙞𝙩𝙮 𝙣𝙖 𝙜𝙖𝙬𝙞𝙣 𝙞𝙮𝙤𝙣.
Sa ilalim ng 𝗥𝗔 7392 (𝗣𝗵𝗶𝗹𝗶𝗽𝗽𝗶𝗻𝗲 𝗠𝗶𝗱𝘄𝗶𝗳𝗲𝗿𝘆 𝗔𝗰𝘁), malinaw na may specific scope of practice ang mga Registered Midwife, kabilang ang ilang interventions at medicines related to maternal and newborn care. Hindi ito nagbibigay ng general authority na mag-prescribe ng anumang gamot.
Para naman sa pharmacists, malinaw din sa 𝗥𝗔 10918 (𝗣𝗵𝗶𝗹𝗶𝗽𝗽𝗶𝗻𝗲 𝗣𝗵𝗮𝗿𝗺𝗮𝗰𝘆 𝗔𝗰𝘁) na ang prescription medicine ay dapat may 𝒗𝒂𝒍𝒊𝒅 𝒑𝒓𝒆𝒔𝒄𝒓𝒊𝒑𝒕𝒊𝒐𝒏, at may karapatan ang pharmacist na tumangging mag-dispense kung hindi ito naaayon sa batas at applicable professional standards.
💊 𝐇𝐢𝐧𝐝𝐢 𝐥𝐚𝐡𝐚𝐭 𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐲 𝐧𝐚𝐤𝐚𝐬𝐮𝐥𝐚𝐭 𝐧𝐚 𝐠𝐚𝐦𝐨𝐭 𝐬𝐚 𝐫𝐞𝐬𝐞𝐭𝐚 𝐚𝐲 𝐚𝐮𝐭𝐨𝐦𝐚𝐭𝐢𝐜 𝐧𝐚𝐧𝐠 𝐝𝐚𝐩𝐚𝐭 𝐢-𝐝𝐢𝐬𝐩𝐞𝐧𝐬𝐞.
Bilang pharmacists, may professional responsibility tayong magtanong, mag-verify, at 𝐤𝐮𝐧𝐠 𝐤𝐢𝐧𝐚𝐤𝐚𝐢𝐥𝐚𝐧𝐠𝐚𝐧, 𝐭𝐮𝐦𝐚𝐧𝐠𝐠𝐢𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐠-𝐝𝐢𝐬𝐩𝐞𝐧𝐬𝐞.
Hindi ito pagiging mahirap kausap.
Trabaho natin ang makatulong na masigurong ligtas, tama, at naaayon sa batas ang paggamit ng gamot.