YoBees Pure/Wild Honey

YoBees Pure/Wild Honey We're selling 100% REAL PURE RAW WILD HONEY. Uncultured, unadulterated, uncooked, puro at hindi sinala. Harvested fresh from Sierra Madre mountain range.

Madali talaga makita ang honey kung FAKE o ORIG.UNA, sa kulay. Ang nagbebenta ng orig mostly ang honey nya ay cloudy, da...
22/05/2026

Madali talaga makita ang honey kung FAKE o ORIG.

UNA, sa kulay. Ang nagbebenta ng orig mostly ang honey nya ay cloudy, dahil yan sa pollen content, pero dahil sa marunong din maghalo ng pollen ang nagttinda ng fake i-chek nyo nmn sa lasa at amoy..

IKALAWA, lasa at amoy. Natural na natural ang lasa ng orig habang ang fake malalasahan mo kung anu ang ginamit na pameke, it's either as**al, tubo, mollases, corn syrup, rice syrup, food flavorings or kung anu pa man na iba, malalasahan at maamoy mo tlga sya kung natural ba na honey o hindi. Isa pa, may lasang alak ang pure honey at mas naglalasang alak ito lalo na habang natagal. Ang asim niya ay depende sa nectar source at uri ng bubuyog. Ang lukotan or stingless honey ay maasim. Ang pukyutan pag bata pa ay mas matingkad ang lasa, may citrusy, minsan hindi, more on floral or fruity, woody sya at may mapait din. At habang natanda ito ay nagiging matamis ngunit di nawawala ng tuluyan ang prominent nectar source nito at ang lasang alak sa dulo. may sumasabit o gumuguhit ito sa lalamunan minsan nmn ay wala, depende kung gaano kataas ang pollen content nito.

Ang orig na honey, kapag bata pa ang bahay ay puti pa ito at ang honey ay malabnaw, mas malasa at maaroma, normally mabula dahil sa mataas pa na pollen content nito lalo na kung maganda ang nectar source nito, ngunit habang ito at natanda ay nagiging dark na ang bahay at mas mga larvae at bubuyog na ito nagiging malapot habang ito ay patanda nang patanda, matamis at darker ito ngunit mararamdaman mo parin na may konti pa itong asim at lasang alak sa dulo. Ang Lukotan o stingless honey ay mas kilala sa lasa nito na masarap na maasim at konti lng sa tamis lalo na kung ito ay bata pa, malabnaw din sya kapag bata pa pero habang natanda ay palapot din sya ng palapot at pabawas narin sa asim, ang honey nito ay dark ito ung mga bubuyog na maliit na napunta sa ibabaw ng buhok..

Ang Ligwan honey nmn ay hindi ako kumukuha nun kasi para sa amin ay dirty honey lang sya, sapagkat sa bundok ay kumakain din iyan ng mga nabubulok na hayop o kung anu pa man, sila rin ay nagbabahay sa malapit sa mga poso negro ng mga babuyan o kabahayan maging sa mga sementeryo. Isa pa ay kakaunti lng ang produce na honey ng ligwan.

IKATLO, ang orig na honey bata man o matanda ang beehive ay madikit sa bote, pero dahil sa malabnaw ang mga nsa bata pa na bahay ay mas mabilis sya bumagsak kesa sa matanda, ngunit ang bagsak nun ay hindi ktulad nung sa fake honey na very runny tlga. Take note, meron din pong mga fake honey na malapot kya wag kau papaloko, mas marami ang fake honey na malapot yan ung mga nsa groceries at normally honey syrup nlng sila o gawa sa corn syrup kaya balikan nyu nmn ang sa amoy at lasa kung natural na lasa ng honey ay goods yan, pero pag iba na, may doubt ka nmn na mararamdaman tlga. Amuyin at lasahan mong maigi dahil may magaling tlga maghalo at naglalagay sila ng pollen para maglasang orig tlga.

IKA-APAT, ang honey ay effective sa pagpapalakas, puyatan, pampasexy at pampaganda ng kutis, nakakabata tlga sya, and effective sya sa pagpapatuyo ng sugat at tighiyawat, at ang pinaka mabilis na test ay sa bagong kagat ng insekto 30-40mins lng basta bagong kgat plng ay wla na ang kati at umbok na dulot nian..

IKA-LIMA, based on my 10 years experience sa honey, ang mga homemade test like water, fire, freezer etc ay hindi mga reliable tests, para lang po sa mga ignorante pa po yan sa honey yang mga tests na yan kaya madalas yung mga nagbebenta ng fake ay yan ang pinapakita nila na tests kc kaya nila gawan ng paraan yang mga tests na yan hehehe! pinagdaanan ko yang paniniwala na yan. Ang pure honey katulad ng fake honey ay iba-iba din kaya may malapot at malabnaw din sa kanila. Normally ang standard ng honey ay malapot kaya mas madami sa mga natitinda lalo na sa malls o grocery ng malapot na honey. Kaya kung ano ang home made tests nyo sa honey na nakita nyo sa online ay hindi po yan totally totoo, dahil kayang gayahin yan ng fake habang ang pure honey nman ay mga maturity kya nagkakaiba talga sa viscosity (lapot at labnaw) so hindi na ako nakabase diyan sa mga tests na yan. Ang tlgang tunay na test para sa akin ay mas madali kong makikita sa lasa, amoy at effectiveness din nito sa skin..

IKA-ANIM, ang nagbebenta ng pure honey, makikita mo ang honey niya ay iba iba ang kulay hindi lang dalawa o tatlo, marami po iyan, from lightest to darkest color ng honey.. iba-iba din ang lasa niyan depende sa maturity, nectar source at uri ng bubuyog

IKA-PITO nagki- crystalized ang tunay na RAW HONEY, pino yun at smooth na parang natutulog na mantika ngunit ang processed honey ay hindi.. ang fake honey ay nagki-crystalized din ngunit ang crystalization nia ay magaspang at buo buo, makikita mo tlga sya as as**al unless magsama sya ng pollen ay may part din na pino ang pagka crystalized ng fake so i-chek mo nmn ulit sa lasa, amoy at effectiveness na sinabi ko. Ang honey ko ay raw, hindi sinala (kung meron man ay minimal lang para matanggal lang ang mga bubuyog at impurities nito) at hindi niluto kung anuman iba pang proseso kaya normal nagki-crystalized dahil sa mataas pa na pollen content nito.

IKA-WALO, ang pure honey ay nilalanggam. Ang lahat ng insekto ay kinakain ang organic na pagkain at dahil ang honey ay may natural na tamis. Ang fake honey rin ay nilalanggam at dahil sa mas mataas ang glucose content nito ay mas marami ang napunta dian na langgam at nauuna nila yan ubusin, unless na lang kung iyon ay may halong synthetic tulad ng food flavorings or preservatives ay aamuyin lang iyon ng langgam ngunit iiwasan din..

IKA-SIYAM, ang pure honey ay mas matagal ang expiry. May mga fake honey na nag-aasim agad at nasisira after few months lang. Meron naman hindi, depende sa ingredients na ginamit. Ang pure honey ay nag-eexpire din ngunit ang expiry nixa ay kapag nasobrahan na yan sa lasang alak ay hindi na sya honey sya ay alak na at papunta na sa pagkas**a. Katulad din sya ng mga pineferment na mga prutas naglalasang alak at soon ay nagiging s**a na.

Kung meron pa ako karagdagan i-edit ko po ito.. 🐝🍯

Normal yan dahil Raw ang honey na tinda ko 💛🐝🍯
04/05/2026

Normal yan dahil Raw ang honey na tinda ko 💛🐝🍯

Once you’ve tasted the real deal, babalik-balikan mo talaga kasi iba ang tamis na may konting “kagat” ng kalikasan 🐝🍯Mar...
29/04/2026

Once you’ve tasted the real deal, babalik-balikan mo talaga kasi iba ang tamis na may konting “kagat” ng kalikasan 🐝🍯

Maraming salamat po sa patuloy na tiwala mga ka pulot 🍯💛

Bagong puhag po kakadating lang 🐝🍯
22/04/2026

Bagong puhag po kakadating lang 🐝🍯

Exciting news!! ☺️ 1 liter pure wild honey is here! 🐝🐝 Pure, natural, and crafted with love. 🍯💛Get yours now! 🌞💛
21/03/2026

Exciting news!! ☺️

1 liter pure wild honey is here! 🐝🐝
Pure, natural, and crafted with love. 🍯💛

Get yours now! 🌞💛

Hindi pinipilit ang taong sanay sa mali na tanggapin ang tama.Tulad ng langaw at pukyutan—magkaibang mundo, magkaibang p...
18/03/2026

Hindi pinipilit ang taong sanay sa mali na tanggapin ang tama.

Tulad ng langaw at pukyutan—
magkaibang mundo, magkaibang panlasa.
Habang ang pukyutan ay abala sa paglikha ng pulot, ang langaw naman ay kuntento sa kung saan siya nasanay.

Hindi mo kailangang ipaglaban ang katotohanan sa taong piniling maniwala sa kasinungalingan.

May mga taong kahit ilapit mo sa tamang daan,
pipiliin pa rin ang liko dahil doon sila komportable.

Kaya matuto kang tumahimik,
matuto kang bumitaw at matuto kang piliin ang kapayapaan kaysa makipagtalo sa taong sarado ang isip.

Hindi lahat ng tao ay handang magbago—
at hindi mo responsibilidad na baguhin sila.

Maging tulad ka ng pukyutan—
gumawa ng pulot, manahimik, at hayaan silang manatili kung saan sila nasanay.

The healthiest immunity booster this rainy season! 🍯🐝💯 PURE WILD HONEY (pulot pukyutan)🍯NOT pasteurized, no heat, no pro...
06/06/2025

The healthiest immunity booster this rainy season! 🍯🐝

💯 PURE WILD HONEY (pulot pukyutan)
🍯NOT pasteurized, no heat, no process
🍯No added sugar
🍯No expiration
🍯Good for treatment
🍯Open for all kind of testing (unli test)
🍯Alternative vitamins for young and adults
🍯Refundable kung may traces ng sugar

🐝Location: Taguig
🐝Pick up and Lalamove only

Thank you po 🤗🫰🏼🐝🍯
10/05/2025

Thank you po 🤗🫰🏼🐝🍯

Address

Taguig

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when YoBees Pure/Wild Honey posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to YoBees Pure/Wild Honey:

Share