27/09/2025
Ganito kasarap magsimula ng araw! πβοΈ
Silog combo na may garlic rice, poached egg para less mantika, beef tapa, at fresh na kamatis at pipino. π³π₯©π
π₯
ββββββββββββββββββββ-
π₯© Simpleng Beef Tapa Recipe
Mga Sangkap:
β’ Β½ kilo beef or pork (sirloin o tenderloin, hiniwa ng manipis)
β’ ΒΌ tasa toyo
β’ 2 tbsp s**a
β’ 2 tbsp calamansi juice
β’ 6 butil bawang, dinurog
β’ 1 tsp ground black pepper
β’ 2 tbsp mantika (pangprito)
Paraan ng Pagluluto:
1. Sa isang mangkok, pagsamahin ang toyo, s**a, calamansi juice, bawang, as**al at paminta. Haluin hanggang matunaw ang as**al.
2. Ilagay ang hiniwang beef, haluin mabuti at i-marinate. Mas mainam ang overnight marination pero kung nagmamadali ay okay na ang 30mins.
3. Painitin ang mantika sa kawali.
4. Iprito ang tapa hanggang maluto at medyo mag-caramelize ang gilid.
5. Ihain kasama ng sinangag, itlog, at sawsawang s**a o s**aβt sili pati na rin ang hiniwang kamatis at pipino.
Tip: Kung ayaw ng masyadong mamantika pero silog parin ang gustong agahan, pwede namang ang itlog ay i-poach na lamang at ang kanin ay lagyan nalang ng fried garlic para mukha parin itong sinangag!