LUYOS Health Center

LUYOS Health Center Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from LUYOS Health Center, Medical and health, Purok 3 LUYOS, Tanauan.

Simula na ng tag-init! ‼️☀️  Idineklara na ng PAGASA ang opisyal na pagsisimula ng dry season sa bansa kaya’t asahan ang...
27/03/2026

Simula na ng tag-init! ‼️☀️

Idineklara na ng PAGASA ang opisyal na pagsisimula ng dry season sa bansa kaya’t asahan ang mas mainit at maalinsangan na panahon.

Sa pagtaas ng temperatura ay ang pagtaas din ng panganib ng heat-related illnesses gaya ng heat stroke na maaaring maging malubha at nakamamatay kung hindi agad maaagapan.

Beat the heat para iwas sakit! Sundin lamang ang mga gabay ng DOH upang malabanan at maiwasan ang health-related illnesses.



04/02/2026
‼️KASO NG INFLUENZA-LIKE ILLNESS, BUMABA SA UNANG DALAWANG LINGGO  NG OKTUBRE; DOH, NILINAW NA WALANG OUTBREAK‼️Nakapagt...
21/10/2025

‼️KASO NG INFLUENZA-LIKE ILLNESS, BUMABA SA UNANG DALAWANG LINGGO NG OKTUBRE; DOH, NILINAW NA WALANG OUTBREAK‼️

Nakapagtala ang DOH ng 6,457 na kaso ng ILI sa bansa mula September 28 hanggang October 11, 2025. Mas mababa ito ng 39% kumpara sa sa naitalang 10,740 na kaso sa linggo ng September 14 hanggang September 27, 2025.

Bagamat maaari pang magbago dahil patuloy ang surveillance, mas mababa rin ito ng 25% kaysa sa naitalang 8,628 na kaso sa parehong panahon noong 2024.

Una nang nilinaw ni DOH Secretary Ted Herbosa na walang outbreak at hindi kakailanganin ng anumang lockdown dahil sa Influenza-Like Illness o ILI.

Gayunpaman, paalala ng DOH:
✅ Ugaliin ang regular na paghuhugas ng kamay gamit ang malinis na tubig at sabon;
✅ Takpan ang bibig o ilong kapag uubo o babahing; at
✅ Sapat na tulog, pagkain nang tama, at pag-inom ng maraming tubig.

Kung makaranas ng mga sintomas tulad ng lagnat, ubo, o pananakit ng lalamunan o katawan:

✅Manatili muna sa bahay upang maiwasan ang pagkahawa ng iba;
✅Maaaring uminom ng gamot para maibsan ang nararamdamang sintomas, gaya ng paracetamol kung may lagnat; at
✅Agad kumonsulta sa pinakamalapit na health center, pasilidad, o ospital para sa tamang payo at angkop na gamutan.

Balikan ang PinaSigla Episode 12 dito:

📌 https://www.facebook.com/share/v/1ACa2xdxk9/?mibextid=wwXIfr





‼️KASO NG INFLUENZA-LIKE ILLNESS, BUMABA SA UNANG DALAWANG LINGGO NG OKTUBRE; DOH, NILINAW NA WALANG OUTBREAK‼️

Nakapagtala ang DOH ng 6,457 na kaso ng ILI sa bansa mula September 28 hanggang October 11, 2025. Mas mababa ito ng 39% kumpara sa sa naitalang 10,740 na kaso sa linggo ng September 14 hanggang September 27, 2025.

Bagamat maaari pang magbago dahil patuloy ang surveillance, mas mababa rin ito ng 25% kaysa sa naitalang 8,628 na kaso sa parehong panahon noong 2024.

Una nang nilinaw ni DOH Secretary Ted Herbosa na walang outbreak at hindi kakailanganin ng anumang lockdown dahil sa Influenza-Like Illness o ILI.

Gayunpaman, paalala ng DOH:
✅ Ugaliin ang regular na paghuhugas ng kamay gamit ang malinis na tubig at sabon;
✅ Takpan ang bibig o ilong kapag uubo o babahing; at
✅ Sapat na tulog, pagkain nang tama, at pag-inom ng maraming tubig.

Kung makaranas ng mga sintomas tulad ng lagnat, ubo, o pananakit ng lalamunan o katawan:

✅Manatili muna sa bahay upang maiwasan ang pagkahawa ng iba;
✅Maaaring uminom ng gamot para maibsan ang nararamdamang sintomas, gaya ng paracetamol kung may lagnat; at
✅Agad kumonsulta sa pinakamalapit na health center, pasilidad, o ospital para sa tamang payo at angkop na gamutan.

Balikan ang PinaSigla Episode 12 dito:
📌 https://www.facebook.com/share/v/1ACa2xdxk9/?mibextid=wwXIfr

📌 https://youtu.be/1kaJdbQEOtw?si=l5qqV4MEXl5j1F4N





FOR AWARENESS of pregnant women
11/10/2025

FOR AWARENESS of pregnant women

💊 Ano ang Folic Acid?

Ang folic acid ay isang uri ng vitamin B9 na mahalaga para sa paggawa ng malulusog na cells sa katawan.
Ito rin ang tumutulong sa pagbuo ng DNA at RNA, na kailangan para sa cell growth at development lalo na sa pagbubuntis kung saan mabilis ang paglaki ng baby.

🤰 Bakit mahalaga ito sa buntis?

📍PARA KAY BABY
Habang nagde-develop ang baby sa loob ng tiyan, kailangan niya ng sapat na folic acid para maiwasan ang mga birth defects sa utak at spinal cord.
Ang mga problemang ito ay tinatawag na neural tube defects (NTDs) gaya ng:
• Spina bifida – hindi tuluyang nagsasara ang spine ng baby
• Anencephaly – hindi nabubuo ang malaking bahagi ng utak at bungo
•Ibang birth defects- ayon sa ilang pag-aaral, ang kakulangan sa folic acid ay maaaring konektado rin sa congenital heart defects, cleft lip, at cleft palate.
• Low birth weight
• Fetal growth restriction
•Neurodevelopmental issues-maaaring magkaroon ng problema sa brain development, gaya ng language delay o mas mataas na risk ng autism.

📍🤰 Para sa Buntis
• Megaloblastic anemia:
Maaring makaranas ng pagkapagod, panghihina, pananakit ng ulo, at pamumula o pananakit ng dila.
• Pregnancy complications tulad ng Miscarriage Placental abruption,Preeclampsia at Increased homocysteine

📅 Kailan dapat uminom?
👉 Pinakamainam na magsimulang uminom ng 400–800 micrograms (mcg) ng folic acid bago pa mabuntis at ituloy ito sa unang tatlong buwan ng pagbubuntis.
👉 Para sa may history ng NTD o ibang risk factors, maaaring magreseta ang OB ng mas mataas na dose.

🍽️ Mga Pagkaing Mayaman sa Folate (Natural Form ng Folic Acid):

🥬 Green leafy vegetables (malunggay, kangkong, spinach)
🍊 Citrus fruits (orange, calamansi)
🥑 Avocado
🥚 Itlog
🍞 Whole grains
🫘 Beans at lentils



📌 Reminder: Ang folic acid ay supplement lamang. Para sa tamang dose at payo, kumonsulta sa iyong OB o healthcare provider.

Let's promote BREASTFEEDINGMas masustansya ang gatas ng ina
11/10/2025

Let's promote BREASTFEEDING

Mas masustansya ang gatas ng ina

✅Napapanis ba ang gatas sa dede kahit walang dumedede? 🤱

Hindi ito literal na “panis” gaya ng pagkain, pero kapag hindi nailalabas ang gatas, naiipon ito sa suso. Pwede itong magdulot ng paninikip, pananakit, pagbabara ng ducts at minsan ay infection (mastitis) sa breast.

👉 👉 Prevention tip: kahit walang dumedede, maganda na mag-express ng gatas (manual o gamit pump) para maiwasan ang pananakit ng dibdib at infection.

✅Pwede pa ba dumede ulit si baby kahit 2 weeks ng tumigil?

Oo, puwedeng pwede pa padedehin si baby pero may ilang bagay kang dapat isaalang-alang:

1️⃣Milk supply – Kapag 2 weeks na walang stimulation (walang dede o pump), malaki ang chance na bumaba o halos mawala ang supply ng gatas. Pero posible pa rin itong bumalik sa pamamagitan ng relactation (regular na pagpapasuso o pag-pump para muling ma-stimulate ang gatas).

2️⃣Baby’s willingness – Depende rin kung willing pa si baby dumede. Minsan sanay na siya sa bote, kaya baka kailangan ng tiyaga para maibalik sa dede. May mga technique tulad ng skin-to-skin contact, pag-aalok ng dede kapag antok o kalmado si baby, at ni**le shield kung nahihirapan siya mag-latch.

3️⃣Health check – Importante ring kumonsulta sa pedia o lactation consultant para macheck kung kaya pa ng katawan mo magproduce ng sapat na gatas at kung kumukuha si baby ng tamang nutrition habang nag-aadjust.

👉 Bottomline: hindi pa huli.
May mga nanay na nakakabalik pa sa exclusive breastfeeding kahit weeks or months silang nahinto — pero kailangan ng consistency at support.

Gusto mo ba ng step-by-step relactation plan o kung paano mapabalik ang gatas?Nasa comment section sa baba.



Pigilan ang pag kalat ng DENGUE⚠️"Search and Destroy"⚠️TAKTAKTAOBTAKLOBMaraming Salamat po sa mga nakiisa...Sa pangungun...
09/08/2025

Pigilan ang pag kalat ng DENGUE
⚠️"Search and Destroy"⚠️

TAKTAK
TAOB
TAKLOB

Maraming Salamat po sa mga nakiisa...
Sa pangunguna ng Sanggunian ng Barangay LUYOS kasama ang mga barangay Functionaries
(Tanod, Health workers, Clerk)

𝙋𝘼𝘼𝙇𝘼𝙇𝘼| Ngayong may mga pagbaha dulot ng bagyo, patuloy na ipinapaalala ng Kagawaran ng Kalusugan ang lubos na pag-iing...
22/07/2025

𝙋𝘼𝘼𝙇𝘼𝙇𝘼| Ngayong may mga pagbaha dulot ng bagyo, patuloy na ipinapaalala ng Kagawaran ng Kalusugan ang lubos na pag-iingat sa paglusong sa tubig-baha upang makaiwas sa panganib na dala ng 𝙇𝙀𝙋𝙏𝙊𝙎𝙋𝙄𝙍𝙊𝙎𝙄𝙎. Tandaan ang Leptospirosis ay nakamamatay ngunit maaring maiwasan at maagapan.

Tayo’y sama-sama para sa isang LIGTAS at




CDC NUTRITION MONTH CELEBRATIONJuly 21, 2025
21/07/2025

CDC NUTRITION MONTH CELEBRATION
July 21, 2025

Ang 𝐌𝐞𝐚𝐬𝐥𝐞𝐬 𝐨 𝐓𝐢𝐠𝐝𝐚𝐬 ay isang sakit na lubhang nakakahawa dulot ng measles virus. Ang sakit na ito ay maaaring magdulot ...
15/07/2025

Ang 𝐌𝐞𝐚𝐬𝐥𝐞𝐬 𝐨 𝐓𝐢𝐠𝐝𝐚𝐬 ay isang sakit na lubhang nakakahawa dulot ng measles virus. Ang sakit na ito ay maaaring magdulot ng mga kumplikasyon katulad ng pneumonia, conjunctivitis, pagtatae, pamamaga ng utak, at iba pang kumplikasyon kagaya ng malnutrisyon at 𝐤𝐚𝐦𝐚𝐭𝐚𝐲𝐚𝐧‼️

Pero may paraan para protektahan ang mga chikiting sa panganib nito. Basahin ang mga detalye na nasa larawan para sa karagdagang impormasyon tungkol sa bakuna laban sa Tigdas at pumunta sa inyong pinakamalapit na health center at i-check ang schedule ng pagbabakuna sa inyong lugar.

𝐌𝐚𝐠𝐩𝐚𝐛𝐚𝐤𝐮𝐧𝐚! 𝐃𝐚𝐡𝐢𝐥 𝐁𝐚𝐰𝐚𝐭 𝐁𝐮𝐡𝐚𝐲 𝐌𝐚𝐡𝐚𝐥𝐚𝐠𝐚! 💉🤍💚


Address

Purok 3 LUYOS
Tanauan
4232

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when LUYOS Health Center posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share