29/05/2026
Serbisyo Medikal, Mas Ilalapit sa Bawat Tahanan!
Sa layuning mapabuti at mapabilis ang pagtugon sa pangangailangang pangkalusugan ng ating mga kababayan, pinangunahan ng ating Punong Barangay, Atty. Mara Estrella, ang pag-aaral para sa pagpapalawig ng ating serbisyong medical.
Katuwang ang ating butihing Vice Mayor Ruel P. Estrella, sinaksihan natin ang demo ng mga makabagong ultrasound at X-ray machines mula sa isang medical equipment supplier. Ang inisyatibong ito ay bahagi ng adhikain ng ating administrasyon na ilapit ang mga diagnostic services sa ating mga kabarangay upang hindi na kailanganin pang lumayo para sa mga pangunahing pagsusuring medikal.
Ang kalusugan ng bawat isa ang ating prayoridad. Patuloy kaming maghahanap ng mga paraan upang mas mapabuti ang ating serbisyo para sa mas mabilis, maayos, at abot-kamay na pag-aaruga sa inyong kalusugan.
Isang hakbang tungo sa mas malusog na Barangay Plaza Aldea