Brgy. health Center Sahud-ulan

Brgy. health Center Sahud-ulan HEALTH CARE PROVIDER

πŸ“’ BAKUNAHAN LABAN SA TIGDAS AT VITAMIN A SUPPLEMENTATIONMagandang gabi po sa lahat!Tuloy po ang pagbabakuna laban sa tig...
17/08/2026

πŸ“’ BAKUNAHAN LABAN SA TIGDAS AT VITAMIN A SUPPLEMENTATION

Magandang gabi po sa lahat!

Tuloy po ang pagbabakuna laban sa tigdas (MR-SIA) at pagbibigay ng Vitamin A bukas:

πŸ“… August 18, 2026 (Tuesday)
⏰ 8:00 AM onwards
πŸ“ Glowing Field Subdivision
πŸ“Œ Fixed Posts: Sa tapat ng bahay nina Konsehal Alex Dillera

Inaasahan po namin ang lahat ng mga magulang at guardian na makiisa at dalhin ang mga batang kwalipikado para sa bakuna at Vitamin A supplementation.

🌧️ Paalala: Kung magiging sobrang lakas po ng ulan, kaligtasan at kapakanan pa rin po ninyo ang aming pangunahing prayoridad.

Maraming salamat po sa inyong pakikiisa. Mag-ingat po tayong lahat! πŸ™

FIRST WEEK DONE! πŸ’™πŸ’‰Isang linggo ng LIGTAS TIGDAS 2026 ang matagumpay nating natapos! πŸŽ‰Maraming salamat sa lahat ng mga m...
17/08/2026

FIRST WEEK DONE! πŸ’™πŸ’‰

Isang linggo ng LIGTAS TIGDAS 2026 ang matagumpay nating natapos! πŸŽ‰

Maraming salamat sa lahat ng mga magulang at tagapag-alaga na naglaan ng oras at nagtiwala sa ating mga health workers. Salamat din sa buong team na walang pagod na naghatid ng bakuna at Vitamin A sa ating mga bata. πŸ₯°πŸ’‰

Bawat turok ay dagdag proteksyon. Bawat pakikiisa ay hakbang tungo sa mas ligtas at malusog na komunidad. πŸ’ͺ✨

Isang linggo na, pero tuloy-tuloy pa rin ang laban! πŸ’™

PROTEKTADO ANG BATA,
PROTEKTADO ANG LAHAT! πŸ›‘οΈπŸ‘Ά

πŸ“ Brgy. Sahud-Ulan, Tanza, Cavite





10/08/2026

πŸ“£πŸ“£ MR SIA & VITAMIN A SUPPLEMENTATION | OPENING DAY at GREEN VILLE SUBDIVISION

Umulan man o umaraw, tuloy ang bakunahan!

Ngayong araw, matagumpay na isinagawa ang Opening Day ng Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity (MR SIA) at Vitamin A Supplementation sa Greenville Subdivision.
Para sa kalusugan at kaligtasan ng inyong mga anak, sama-sama nating tiyaking sila ay protektado laban sa tigdas at rubella at nabibigyan ng kinakailangang Vitamin A.

πŸ“Œ Mga magulang at tagapag-alaga, makiisa po tayo sa programa at dalhin ang inyong mga anak sa itinakdang vaccination site.

Para sa ligtas, malusog, at protektadong mga bataβ€”Tara, magpabakuna! πŸ’‰

Bukas, June 18, 2026, muli nating ilalapit sa mga TanzeΓ±o ang mga medical services sa pamamagitan ng Malasakit Caravan M...
17/06/2026

Bukas, June 18, 2026, muli nating ilalapit sa mga TanzeΓ±o ang mga medical services sa pamamagitan ng Malasakit Caravan Medical Mission sa Greenville Covered Court, 2:00PM.

Sa programang ito, hatid natin ang Botika on Wheels, YAKAP PhilHealth pre-registration, at libreng bunot ng ngipin para sa mga kababayan nating nangangailangan ng agarang serbisyong medikal.

Tinitiyak natin na ang serbisyong pangkalusugan ay para sa lahat at walang mapag-iiwanan.


πŸ“’πŸ“’πŸ“’ PAANYAYA SA CERVICAL CANCER SCREENING AT FAMILY PLANNING SESSION Magandang araw po sa ating lahat!Inaanyayahan namin...
17/06/2026

πŸ“’πŸ“’πŸ“’ PAANYAYA SA CERVICAL CANCER SCREENING AT FAMILY PLANNING SESSION

Magandang araw po sa ating lahat!
Inaanyayahan namin ang lahat ng kababaihang 30 taong gulang pataas na makilahok sa ating Cervical Cancer Awareness and Screening Activity upang mapangalagaan ang inyong kalusugan at maiwasan ang cervical cancer sa pamamagitan ng maagang pagsusuri.

πŸ—“ Petsa: June 18, 2026 (Thursday)
⏰ Oras: 8:00 ng umaga
πŸ“ Lugar: Brgy Health Center Proper ( tabi ng covered court at new brgyhall/ Sa may rebisco road)

Kasabay nito ay magkakaroon din ng Family Planning Session para sa mga kababaihang nais matuto at magkaroon ng sapat na kaalaman tungkol sa responsableng pagpaplano ng pamilya, lalo na sa mga may anak na at nais magplano ng tamang pagitan ng pagbubuntis.

🎯 Mga serbisyong libre na maaaring ma-avail:
βœ… Libreng Implanon Insertion
βœ… Libreng Injectable (DMPA)
βœ… Libreng Family Planning Pills (COC)
βœ… Libreng Konsultasyon at Family Planning Counseling

πŸ’– Alagaan ang inyong kalusugan at kinabukasan ng inyong pamilya. Ang maagang pagsusuri at tamang pagpaplano ng pamilya ay mahalagang hakbang tungo sa mas malusog at mas maayos na pamumuhay.

β€œAng malusog na babae ay pundasyon ng malusog na pamilya.”








πŸŽ€πŸ’•

πŸ“’ MAGANDANG BALITA PARA SA ATING MGA MAGULANG AT MAG-AARAL! πŸ“šπŸŽ“Sa direktiba ng ating mahal na Mayor SM Matro, ang mga for...
10/06/2026

πŸ“’ MAGANDANG BALITA PARA SA ATING MGA MAGULANG AT MAG-AARAL! πŸ“šπŸŽ“

Sa direktiba ng ating mahal na Mayor SM Matro, ang mga form para sa Educational Assistance ay ipapamahagi na mismo sa bawat bahay ng ating mga masisipag na Barangay Health Workers (BHW) at Barangay Nutrition Scholars (BNS).

βœ… Hindi na kailangang pumunta sa barangay o pumila nang matagal.
βœ… House-to-house ang pamamahagi ng mga form upang maging mas maginhawa para sa lahat.

πŸ“Œ PAALALA:
Upang mapabilis ang proseso ng aplikasyon, hinihiling po na maghanda ang magulang o guardian ng:

πŸ“ Photo copy ng kahit anong VALID ID ng Parent/ Guardian
✍️ Lagdaan ang bawat photocopy
πŸ“Ž I-attach ang mga ito sa Educational Assistance Form

🀝 Ang programang ito ay layuning mas mapadali at mailapit ang serbisyo sa bawat pamilya, lalo na sa mga nangangailangan.

πŸ“£ Abangan ang pagbisita ng inyong BHW at BNS sa inyong lugar.
Maraming salamat po sa inyong pakikiisa!




πŸ“šβ€οΈ

Maraming maraming salamat po sa ating butihing Mayor SM Matro sa inyong pagbatiβ€¦πŸ’šπŸ’šπŸ’šMaligayang Kaarawan po sa ating masip...
07/04/2026

Maraming maraming salamat po sa ating butihing Mayor SM Matro sa inyong pagbatiβ€¦πŸ’šπŸ’šπŸ’š

Maligayang Kaarawan po sa ating masipag, mabait at maaasahang Punong Barangay, Hon. Clarito Fojas! πŸŽ‰πŸŽ‚

Maraming salamat po sa inyong tapat na paglilingkod, malasakit, at patuloy na paggabay sa ating barangay. Nawa’y pagpalain pa po kayo ng mabuting kalusugan, mahabang buhay, at higit pang lakas upang maipagpatuloy ang inyong mabuting pamumuno para sa ating komunidad.

Hangad po namin ang mas marami pang tagumpay at biyaya sa inyong buhay. Patuloy po kaming sumusuporta sa inyong adhikain para sa ikabubuti ng ating barangay.

Happy Birthday po, Kap! God bless you always! πŸŽπŸ™

Maligayang kaarawan, Kapitan Recto Fojas! Ipinapabatid namin ang aming pasasalamat sa inyong walang sawang paglilingkod sa Brgy. Sahud-Ulan.

Hangad ng inyong lingkod na pagpalain ka ng mabuting kalusugan. Tuloy-tuloy ang ating pagtutulungan at pagkakaisa para sa Bayan ng Tanza. Muli, maligayang kaarawan at mabuhay ka!


Paalala po sa mga magulang ☺️Mahalagang ingatan po ang immunization card ng inyong mga anak. Ito ang nagsisilbing record...
24/03/2026

Paalala po sa mga magulang ☺️

Mahalagang ingatan po ang immunization card ng inyong mga anak. Ito ang nagsisilbing record ng kanilang mga bakuna at gabay para masigurong kumpleto ang proteksyon laban sa mga sakit.

Sa bawat pagbisita sa health center, ito po ang unang hinahanap. Kung mawala o masira, maaaring mahirapan tayong malaman kung anong bakuna na ang naibigay at kung ano pa ang kulang.

Simpleng pag-iingat lamang tulad ng paglalagay sa plastic, pagtatago sa ligtas na lugar, at pagdadala nito sa bawat check-up ay malaking tulong para sa kalusugan ng inyong anak.

Ang kumpletong bakuna ay proteksyon ng bata at ng buong komunidad.


βœ‚οΈ BYE-BYE JUNIOR, HELLO BINATA! βœ‚οΈβ€‹Mga "Pre," ito na ang sign na hinihintay niyo! 🀩 Oras na para mag-level up at iwanan...
20/03/2026

βœ‚οΈ BYE-BYE JUNIOR, HELLO BINATA! βœ‚οΈ

​Mga "Pre," ito na ang sign na hinihintay niyo! 🀩 Oras na para mag-level up at iwanan ang pagiging "supot" sa HARDIN NG POSTEMA RESORT bukas! πŸƒβ€β™‚οΈπŸ’¨
​Handog ito ng ating lodi na si Mayor SM Matro para sa lahat ng gustong maging ganap na lalaki! LIBRENG TULI ito, kaya wala nang dahilan para umurong! πŸ™…β€β™‚οΈβœ¨

β€‹πŸ“ Saan: Hardin ng Postema Resort
⏰ Kailan: BUKAS, 7:00 AM Sharp!

" WALANG LIMIT, LAHAT PWEDE, BASTA MAKAKAPASA SA INITIAL SCREENING"

β€‹πŸ’‘ MGA "PRO-TIPS" BAGO SUMALANG:
​Para hindi "nginginig" at para smooth ang transition to manhood, tandaan ang 3-M Rules:

​1️⃣ M-aligo nang bongga! 🧼🚿
Fresh dapat bago ang "operation" para relax ang pakiramdam.
​2️⃣ M-aglinis ng "ari"! ✨
Respeto naman sa ating mga doktor, β€˜di ba? Isang kuskos, isang galang! πŸ§ΌπŸ‘‹
​3️⃣ M-ag-almusal nang busog! 🍚🍳
Bawal ang mahimatay sa gutom (at sa kaba)! Kumain nang mabuti para may energy sa "binata" journey!

​O, ano? G na ba? Tag mo na 'yung tropa mong kailangan na ring mag-graduate! πŸŽ“πŸ˜‚πŸ€

Address

Brgy. Sahud-Ulan
Tanza
4108

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Brgy. health Center Sahud-ulan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share