BNS Bagtas Nutrition Program

BNS Bagtas Nutrition Program Heath and Nutrition Advocate

14/08/2026
"TEEN TALK"Sa pagsasagawa ng pamamahagi ng libreng school uniform ng SK ng Bagtas na ginanap ngayong Agosto 1, 2026 sa B...
01/08/2026

"TEEN TALK"

Sa pagsasagawa ng pamamahagi ng libreng school uniform ng SK ng Bagtas na ginanap ngayong Agosto 1, 2026 sa Brgy. Bagtas Dome sa pamamahala ng SK Chairwoman Maria Angela Capuz , ang Brgy. Nutrition Schokars (BNS) ay nakipag collaborate upang magsagawa ng Nutrition Education or "Teen Talk" para sa mga kabataan ng Barangay. Ang programa ay tumalakay sa mga mahahalagang paksa kagaya ng:

Education on Early Pregnancy -mga kaalaman upang maiwasan ang maagang pagbubuntis.

Pinggang Pinoy - gabay sa wastong pagkain atbalanseng nutrisyon.

Ten Kumainment - sampung mahahalagang paalala tungo sa mas malusog na pamumuhay.

Layunin ng programa na magbigay ng tamang kaalaman at gabay upang maprotektahan ang kinabukasan at kalusugan ng mga kabataan, maipaliwanag ang mga sanhi at panganib ng maagang pagbubuntis, ipaunawa ang mga responsibilidad, at i prayoridad ang pag - aaral. Ipinaliwanag din ang kahalagahan ng Ten Kumainment at Pinggang Pinoy. Kasabay nito ipinamahagi ng mga SK officials ang libreng school uniform para sa mga grade 11 at 12 na mga kabataan ng Barangay bilang bahagi ng kanilang programa.

Ang programa ay matagumpay na naisakatuparan sa pagtutulungan ng mga SK, HOA, BNS, Konsi Gina Paminter at sa suporta ng butihing ama ng Barangay Kap. Boyet Mintu. Lubos na pasasalamat sa lahat na nakiisa sa programang ito.

30/07/2026
"Nutrition Education, IEC materials distribution and weighing of daycare children". Nagsagawa ng nutrition education  sa...
30/07/2026

"Nutrition Education, IEC materials distribution and weighing of daycare children".

Nagsagawa ng nutrition education sa mga magulang ng Snow White Daycare children na pinamamahalaan ni ma'am Elsa Bustamante Badayos sa phase 5 Carissa Barangay Bagtas Tanza Cavite. Tinalakay ang mahahalagang paksa sa kalusugan at nutrisyon kabilang ang:

Ten Kumainments - sampung mahahalagang paalala tungo sa mas malusog na pamumuhay

Pinggang Pinoy - gabay sa wastong pagkain at balanseng nutrisyon.

Ito ang mga IEC (Information, Education at Communication) materials na ipinamahagi sa mga magulang ng bawat mag- aaral. Ang aktibidad ay pinangungunahan ng mga Barangay Nutrition Scholars ( BNS ) sa ilalim ng pangangalaga at suporta ng butihing kapitan Boyet Mintu .
Layunin nito na makapagbigay ng tamang kaalaman para sa wastong nutrisyon, aktibong pamumuhay at pagtutulungan upang makamit ang isang malusog, masigla, at matatag na Barangay Bagtas. Kasabay ng aktibidad ang pagkuha ng tamang timbang at taas ng mga mag- aaral ng Snow White Daycare.

# 7-13-2026

Sa pagdiriwang ng ika 52nd na Buwan ng Nutrisyon ngayong Hulyo 2026 na may temang " Nutrisyon at Kalikasan, ating Pangal...
30/07/2026

Sa pagdiriwang ng ika 52nd na Buwan ng Nutrisyon ngayong Hulyo 2026 na may temang " Nutrisyon at Kalikasan, ating Pangalagaan" kasama ang sub temang "Sa PPAN: Sama-sama sa Nutrisyong Sapat Para sa Lahat" , naglunsad ang mga Barangay Nutrition Scholars ( BNS) ng Bagtas Community Garden Contest na nilahukan ng mga HOA Officers ng ibat ibang sitio ng nasabing barangay.
Ang proyektong ito ay naglalayon na hikayatin ang komunidad na magtayo ng sarili nilang community gardens sa mga bakanteng lote o bakuran upang nagtanim ng sariwa at masustansyang gulay upang malabanan ang kagutuman at tiyakin ang seguridad sa pagkain. Ang makabuluhang proyektong ito ay hindi lamang simpleng pagtatanim ng gulay - ito ay pagtatanim ng kalusugan, pag-asa at mas magandang kinabukasan para sa bawat pamilya. Ang bawat ani ay simbolo ng pagkakaisa,karapatan sa pagkain at malasakit sa kalusugan ng bawat mamamayan.
Taos- pusong pasasalamat sa lahat ng nakilahok at sa pagbibigay ng walang sawang suporta ng butihing ama ng barangay, Kap. Boyet Mintu .

MULA TANIMAN, TUNGO SA MASUSTANSYANG HAPAG-KAINANBilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Nutrition Month, personal nating bin...
09/07/2026

MULA TANIMAN, TUNGO SA MASUSTANSYANG HAPAG-KAINAN

Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Nutrition Month, personal nating binisita ang HAPAG Garden na matatagpuan sa carissa phase 1A, ito ay isang makabuluhang proyekto na bunga ng pagtutulungan ng ating 4Ps beneficiaries at Barangay Nutrition Scholars (BNS).

Ang proyektong ito ay hindi lamang simpleng pagtatanim ng gulay—ito ay pagtatanim ng kalusugan, pag-asa, at mas magandang kinabukasan para sa bawat pamilyang ating pinaglilingkuran.

Sa pamamagitan ng HAPAG Garden, hinihikayat natin ang bawat tahanan na magkaroon ng sariling taniman upang matiyak ang sapat at masustansyang pagkain sa hapag ng bawat pamilya. Kapag sama-sama ang komunidad, mas nagiging posible ang isang barangay na malusog, masipag, at matatag.

Taos-puso ang aking pasasalamat sa ating masisipag na 4Ps beneficiaries, sa ating dedikadong Barangay Nutrition Scholars (BNS), at sa lahat ng katuwang na walang sawang naglilingkod para sa kapakanan ng ating mga kabarangay.

Ngayong Nutrition Month, ipaalala natin sa lahat na ang tunay na yaman ay isang malusog na pamilya.

“Sa bawat binhing ating itinatanim, kalusugan ang ating inaani; sa bawat pamilyang nabubusog, mas maliwanag ang kinabukasan ng ating barangay.”



Barangay Bagtas 2nd Quarter Bnc Meetingjune 30, 2026Taos-pusong pasasalamat sa lahat ng Barangay Nutrition Committee ( B...
03/07/2026

Barangay Bagtas 2nd Quarter Bnc Meeting
june 30, 2026

Taos-pusong pasasalamat sa lahat ng Barangay Nutrition Committee ( BNC )Members na dumalo at aktibong nakibahagi sa ating 2nd Barangay Nutrition Committee (BNC) Meeting na ginanap noong Hunyo 30, 2026. Ang inyong suporta, kooperasyon, at mahahalagang mungkahi ay malaking ambag sa pagpapalakas ng ating mga programa para sa nutrisyon at kalusugan ng ating barangay. Nawa'y patuloy tayong magkaisa at magtulungan upang makamit ang mas malusog at mas maunlad na komunidad para sa bawat pamilya.
taos pusong pasasalamat sa suporta at pagmamahal ng punong barangay kapitan boyet T. Mintu Jr ksama ang masisipag na konsihal ng bagtas, barangay secretary at barangay treasurer

21/06/2026

Address

Barangay Bagtas, Cavite
Tanza
4108

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when BNS Bagtas Nutrition Program posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share