Tanza RHU - Rural Health Unit

Directions

Tanza RHU - Rural Health Unit Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Tanza RHU - Rural Health Unit, Medical and health, Daang Amaya, Tanza.
(1)

🚨 PAMPUBLIKONG ANUNSYO UKOL SA HAZE 🌫️Ang Haze ay maruming hangin na may halong maliliit na usok o alikabok mula sa suno...
02/10/2026

🚨 PAMPUBLIKONG ANUNSYO UKOL SA HAZE 🌫️

Ang Haze ay maruming hangin na may halong maliliit na usok o alikabok mula sa sunog at abo.

Maaari itong magdulot ng:
😮‍💨 Hirap sa paghinga
🤧 Pag-ubo
💢 Pananakit ng dibdib
👁️ Pagluluha ng mata
👃 Pangangati ng ilong
🫁 Paglala ng respiratory disease tulad ng asthma

Paano ito maiiwasan?
🏠 Manatili sa loob ng bahay hangga't maaari.
😷 Magsuot ng N95 mask kung lalabas ng bahay.
🚪 Isara ang mga pintuan at gumamit ng basang tela para takpan ang mga siwang.
🚗 Gumamit ng headlights o fog lights kapag bumibiyahe sa gabi at malabo ang paligid.

⚠️ Manatiling alerto at unahin ang kaligtasan!

25/09/2026
19/09/2026

𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗡𝗚𝗔𝗟𝗔𝗚𝗔 𝗦𝗔 𝗞𝗔𝗣𝗔𝗟𝗜𝗚𝗜𝗥𝗔𝗡 𝗔𝗬 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗡𝗚𝗔𝗟𝗔𝗚𝗔 𝗦𝗔 𝗔𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗞𝗜𝗡𝗔𝗕𝗨𝗞𝗔𝗦𝗔𝗡.💚💙

𝗧𝗔𝗬𝗢 𝗗𝗜𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗞𝗜𝗞𝗜𝗡𝗔𝗕𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗨𝗡𝗚 𝗔𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗛𝗔𝗛𝗔𝗟𝗔𝗚𝗔𝗛𝗔𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗔𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗜𝗡𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗟𝗜𝗞𝗔𝗦𝗔𝗡. 𝗦𝗔 𝗟𝗔𝗛𝗔𝗧 𝗡𝗚 𝗡𝗔𝗞𝗜𝗜𝗦𝗔 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗟𝗜𝗟𝗜𝗡𝗜𝗦 𝗡𝗚 𝗔𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗗𝗔𝗟𝗔𝗠𝗣𝗔𝗦𝗜𝗚𝗔𝗡, 𝗠𝗔𝗥𝗔𝗠𝗜𝗡𝗚 𝗦𝗔𝗟𝗔𝗠𝗔𝗧 𝗦𝗔 𝗜𝗡𝗬𝗢 𝗠𝗚𝗔 𝗞𝗔𝗦𝗔𝗠𝗔. 𝗜𝗣𝗔𝗞𝗜𝗧𝗔 𝗡𝗔𝗧𝗜𝗡 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗦𝗨𝗦𝗨𝗡𝗢𝗗 𝗡𝗔 𝗛𝗘𝗡𝗘𝗥𝗔𝗦𝗬𝗢𝗡 𝗞𝗨𝗡𝗚 𝗔𝗡𝗢 𝗔𝗡𝗚 𝗚𝗔𝗡𝗗𝗔 𝗡𝗔 𝗠𝗘𝗥𝗢𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗧𝗔𝗡𝗭𝗔.
𝗗𝗔𝗛𝗜𝗟 𝗦𝗔 𝗦𝗨𝗡𝗢𝗗-𝗦𝗨𝗡𝗢𝗗 𝗡𝗔 𝗕𝗔𝗚𝗬𝗢, 𝗚𝗥𝗔𝗕𝗘 𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗦𝗨𝗥𝗔 𝗡𝗔 𝗗𝗜𝗡𝗔𝗟𝗔 𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗟𝗔𝗟𝗔𝗞𝗔𝗦 𝗡𝗔 𝗔𝗟𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗟𝗔𝗠𝗣𝗔𝗦𝗜𝗚𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗕𝗥𝗚𝗬. 𝗖𝗔𝗣𝗜𝗣𝗜𝗦𝗔.




19/09/2026
14/09/2026
14/09/2026

🤰 FREE HIV TESTING FOR PREGNANT WOMEN

Healthy pregnancy starts with knowing your HIV status. Tanza Wellness Center – Social Hygiene Clinic provides free and confidential HIV screening for pregnant women.

🗓️ TESTING SCHEDULE
Every Tuesday and Thursday
⏰ 8:00 AM – 4:00 PM

Get your result in less than 20 minutes.

Early HIV testing helps protect both mother and baby. Visit us and take an important step toward a healthier pregnancy.

📍 2nd Floor, Tanza Superhealth Building, A. Soriano Highway, Barangay Daang Amaya I, District VII, Tanza, Cavite.

📞 0935-773-1175
📧 [email protected]

12/09/2026

Nais nating iparating ang ating taos-pusong pagbati ng Maligayang Kaarawan kay Dr. Christmon Evan P. Santos, Municipal Health Officer ng Bayan ng Tanza. Kinikilala natin ang iyong serbisyo at malasakit sa paglilingkod, lalo na sa pagsusulong ng serbisyong pangkalusugan para sa mga Tanzeño.

Hangad ng inyong lingkod na pagpalain ka ng Panginoon ng mabuting kalusugan. Muli, maligayang kaarawan at maraming salamat sa iyong paglilingkod, Dr. Evan! Mabuhay ka!




🚨 HUWAG IPAGWALANG-BAHALA ANG DENGUE! 🦟Huwag balewalain ang mga sintomas ng Dengue. Kung ikaw o ang iyong mahal sa buhay...
11/09/2026

🚨 HUWAG IPAGWALANG-BAHALA ANG DENGUE! 🦟

Huwag balewalain ang mga sintomas ng Dengue. Kung ikaw o ang iyong mahal sa buhay ay nakararanas ng alinman sa mga sumusunod, agad na magpakonsulta sa pinakamalapit na health center o health facility:

1. Lagnat na tumatagal ng 2 araw o higit pa
2. Pagsusuka
3. Pagdurugo ng gilagid o ilong
4. Panghihina
5. Pananakit ng katawan o kalamnan
6. Pagpapantal

⚠️ Tandaan: Mas mabuting maagapan kaysa magsisi. Huwag hintaying lumala ang mga sintomas bago humingi ng tulong.

🩺 Magpakonsulta agad at makipag-ugnayan sa inyong health workers sa inyong Brgy. para sa tamang pagsusuri at pangangalaga.

10/09/2026
10/09/2026

🗓 SEPTEMBER 10 | WORLD SU***DE PREVENTION DAY 🧠

Ang bawat buhay ay mahalaga. Maging mapagmatyag, makinig, at maging handang tumulong sa mga taong maaaring nangangailangan ng suporta. 🤝

🔎 ALAMIN ANG MGA BABALA
• Matinding pagbabago ng mood o mood swings
• Paglayo sa mga kaibigan at pamilya
• Pagpapahayag ng plano o damdamin tungkol sa pagtatapos ng buhay
• Pamamaalam sa pamilya o mga kaibigan

🤝 MAGTANONG AT MAKINIG
• Kumustahin at kausapin nang direkta ang mahal sa buhay.
• Makinig nang mabuti at ipadama na hindi sila nag-iisa.
• Hikayatin silang humingi ng tulong sa health worker, counselor, o mental health professional.
• Kung may agarang panganib, siguraduhing mailayo ang access sa mga bagay o paraan na maaaring gamitin sa pananakit sa sarili at humingi agad ng tulong.

🩺 HUMINGI AGAD NG PROPESYONAL NA TULONG
Lumapit sa pinakamalapit na mental health counselor o peer support group sa inyong komunidad, paaralan, o trabaho.

📞 NCMH Crisis Hotline: 1553

Su***de is preventable. Ang pakikinig, pagdamay, at pag-abot ng tulong ay maaaring makapagligtas ng buhay.n Maging kaagapay. Maging handang makinig. Bawat buhay ay mahalaga.

Address

Daang Amaya
Tanza
4108

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Tanza RHU - Rural Health Unit posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share