Imelda Dizon Lying-In Clinic

Imelda Dizon Lying-In Clinic "Caring for You, Caring for Baby."

26/05/2026
26/05/2026

IMELDA D. DIZON LYING IN CLINIC

Malinaw po:

Ikaw ay maituturing na HIGH-RISK PREGNANCY kapag:

• 🤰 First pregnancy – kahit anong edad
• 🤰 Pang-5 na pagbubuntis pataas – kahit anong edad
• 👶 19 years old pababa – kahit pang ilang pagbubuntis
• 👩 35 years old pataas – kahit pang ilang pagbubuntis

❗ Kapag ikaw ay HIGH-RISK, hindi po magagamit ang inyong PhilHealth para sa panganganak sa Lying-In.

Kahit ano pa ang inyong PhilHealth category:
✅ Indigent
✅ Voluntary
✅ Employed

📌 Ang PhilHealth benefits ay maaari pa ring magamit sa:
🏥 Public Hospital
🏥 Private Hospital

❓ May babayaran pa rin po ba sa hospital?
✅ Opo, posible pa rin pong may bayarin depende sa hospital.

📌 Paano kung sa Lying-In inabutan ang high-risk case?
mapipilitan pong maningil ng cash ang Lying-In dahil hindi ito covered ng PhilHealth.

💰 Magkano po possible na bayaran?
Depende po sa magiging management at presyo ng facility, ngunit base sa price guideline.

11/10/2025

Nay, Tay, alagaan natin ang kalusugan ng ating mga sanggol! Ang Newborn Screening ay isang simpleng pagsusuri na dapat gawin makalipas ang 24 oras matapos ipanganak ang baby upang matukoy at maagapan ang mga posibleng sakit. Kasama ito sa PhilHealth Newborn Care Package at makukuha sa mga ospital, lying-in, at health center na PhilHealth-accredited. I-prioritize ang kalusugan ng iyong baby para sa mas malusog na bukas! 👶✨

⭐️Sa Wastong Pagpapasuso, Kalusugan ni Baby ay Sigurado!Alam mo ba kung ano ang unang hakab o Kangaroo Mother Care?Ito a...
27/08/2025

⭐️Sa Wastong Pagpapasuso, Kalusugan ni Baby ay Sigurado!

Alam mo ba kung ano ang unang hakab o Kangaroo Mother Care?
Ito ang unang yakap ni baby—nakahubad (maliban sa lampin at sumbrero) at nakadikit ang balat sa dibdib ni mommy. Ang init, haplos, amoy, boses, at gatas ni nanay ay nakatutulong para mapakalma si baby at mapabuti ang kanyang paghinga at tibok ng puso.

Bakit mahalaga ang unang hakab?
👶 Tumutulong sa tamang paghinga, tibok ng puso, at init ng katawan ni baby
🛡️ Pinalalakas ang resistensya laban sa impeksyon
💧 Pinapabilis ang daloy ng gatas ni nanay
🤱 Simula agad ang breastfeeding sa unang oras
⚠️ Iwas hypoglycemia o mababang blood sugar
😴 Mas mahimbing ang tulog at mas kalmado si baby


‼️MOTHER-BABY FRIENDLY WORKPLACES AT HEALTH FACILITIES, MAS PINALALAKAS NG DOH‼️🤱 Alam mo ba? May mga programa na tumutu...
25/08/2025

‼️MOTHER-BABY FRIENDLY WORKPLACES AT HEALTH FACILITIES, MAS PINALALAKAS NG DOH‼️

🤱 Alam mo ba? May mga programa na tumutulong para gawing mas madali at ligtas ang pagpapasuso—mula sa mga workplace at health facility na may lactation rooms, hanggang sa support groups na handang makinig at magbahagi.

💗 Kaagapay ng mga ina ang DOH sa pagpapalakas ng mga programang ito para kalusugan ng Nanay at sa maayos na paglaki ni baby.




Mommy, gaano nga ba kadalas dapat magpasuso? Simple lang ang sagot: sa tuwing gusto ni baby, at hangga’t gusto niya!Nari...
25/08/2025

Mommy, gaano nga ba kadalas dapat magpasuso? Simple lang ang sagot: sa tuwing gusto ni baby, at hangga’t gusto niya!

Narito ang ilang paalala:
⏰ Breastfeed on demand — pasusuhin si baby anumang oras niya gustuhin
👶 Karaniwang tumatagal ang pagpapasuso ng 20 minuto
📉 Habang lumalaki si baby, bumababa ang dalas at haba ng pagpapasuso

Tandaan: Ang madalas at tuloy-tuloy na pagpapasuso ay nakatutulong sa masaganang milk supply ng nanay.


05/08/2025

Ngayong Buwan ng Agosto 2025, kaisa ang National Nutrition Council sa pagdiriwang ng National Breastfeeding Awareness Month na may temang: "Prioritize Breastfeeding: Create Sustainable Support Systems."

Layunin ng temang ito na palakasin ang suporta para sa mga nanay sa pamamagitan ng masustansyang pagkain, sapat na pahinga, at emosyonal na kalinga, upang mapanatili ang matagumpay at tuloy-tuloy na pagpapasuso.

Suportahan natin ang bawat inang nagpapasuso-- para sa susunod na henerasyon!



13/04/2025

Imelda D. Dizon Lying in Clinic
📍 Located at Mt. View Subd. O'donnell Capas Tarlav

✨ Kahit taga saang lugar, puwede!
✨ Kahit wala pang record o malapit nang manganak, puwede!

✅ Libreng Check-Up ng Buntis (Kahit walang PhilHealth)
- with Free Mother's Book and Prenatal Care R

✅ Normal na Panganganak na may PhilHealth
- Kumpletong Alagang Mommy at Alagang Baby!
- Kahit anong PhilHealth Category, puwede!
- Wala pang PhilHealth o hindi updated?

✅ We Assist sa PhilHealth (Enrollment, Updating, Eligibilty Check)
- PhilHealth Requirements (19 y/o and above and bring any Valid Gov. ID)

✅ Prenatal Care - Libre na ang Check-Up, may reward pa para sa mga Mommies na masipag magpacheck-up

✅ with Free Newborn Pictorial

Also available kung gustong bumili ng mga Mommies
✓ Vitamins pagkapanganak
✓ Vitamins para kay Baby

⏳ Clinic Hours
Imelda D. Dizon Lying-In Clinic is ALWAYS OPEN 24/7!
Puwede po kayong pumunta dito sa clinic sa kahit anong araw o oras. Palagi po kaming bukas, hindi po kami nagsasara 🥰

📍 Location
Mt. View Subd. O'donnell Capas Tarlac

✓ DOH License to Operate
✓ PhilHealth Accredited

Address

Mt. View Subdivision, Brgy O'donnelle
Tarlac
2315

Telephone

+639318088633

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Imelda Dizon Lying-In Clinic posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share