09/08/2026
💉🤝 𝐏𝐚𝐠𝐩𝐚𝐩𝐚𝐭𝐢𝐛𝐚𝐲 𝐧𝐠 𝐒𝐮𝐩𝐨𝐫𝐭𝐚 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐌𝐞𝐚𝐬𝐥𝐞𝐬-𝐑𝐮𝐛𝐞𝐥𝐥𝐚 𝐒𝐮𝐩𝐩𝐥𝐞𝐦𝐞𝐧𝐭𝐚𝐥 𝐈𝐦𝐦𝐮𝐧𝐢𝐳𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐀𝐜𝐭𝐢𝐯𝐢𝐭𝐲 𝐚𝐧𝐝 𝐕𝐢𝐭𝐚𝐦𝐢𝐧 𝐀 𝐒𝐮𝐩𝐩𝐥𝐞𝐦𝐞𝐧𝐭𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 (𝐌𝐑𝐒𝐈𝐀-𝐕𝐀𝐒) 𝟐𝟎𝟐𝟔 𝐬𝐚 𝐓𝐚𝐲𝐚𝐛𝐚𝐬 𝐂𝐢𝐭𝐲
🗓️ Hulyo 29 - Nakipag-ugnayan ang mga kinatawan ng US-CDC Gabay Bakuna at ng Quezon Provincial Health Office kay City Administrator Voltaire Dela Cruz para sa isang courtesy visit at coordination meeting, bilang bahagi ng koordinasyon at pakikipagtulungan upang palakasin ang mga programa sa pagbabakuna sa lungsod.
🗓️ Hulyo 30 - Nakibahagi naman ang US-CDC Gabay Bakuna sa isinagawang MRSIA Meeting kasama ang mga vaccinators - DOH Human Resources for Health (HRH) at LGU Midwives ng Tayabas City.
Tinalakay sa pagpupulong ang mahahalagang usapin at paghahanda para sa pagpapatupad ng Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity and Vitamin A Supplementation (MRSIA VAS) 2026, kabilang ang mga estratehiya upang mapataas ang vaccination coverage, mapahusay ang service delivery, at matugunan ang hamon ng implementasyon.
Ang dalawang araw na aktibidad ay nagpakita ng patuloy na pagkakaisa at koordinasyon ng LGU Tayabas, City Health Office, CDC Gabay Bakuna, CHD CaLaBarZon, Quezon PDOHO at Provincial Health Office upang masiguro ang matagumpay na pagpapatupad ng MRSIA at maprotektahan ang mas maraming batang Tayabasin laban sa tigdas at rubella.
Sama-sama nating palakasin ang pagbabakuna para sa isang mas ligtas, malusog, at protektadong Tayabas! 💙💉🛡️💪🏻