BRGY 128 Health Committee - Barangay Health and Emergency Response Team

BRGY 128 Health Committee - Barangay Health and Emergency Response Team Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from BRGY 128 Health Committee - Barangay Health and Emergency Response Team, Medical and health, Brgy. 128 Zone 10 District 1, Tondo.

PABATID ❣️Para sa mga May Bukol, Maaari po kayong magpatingin sa - San Andres Sports Complex- May 26,2026 / Martes- 7:00...
25/05/2026

PABATID ❣️

Para sa mga May Bukol, Maaari po kayong magpatingin sa

- San Andres Sports Complex
- May 26,2026 / Martes
- 7:00am

Magdala na lamang ng Valid Id at Ballpen

Maraming Salamat po
☺️🙏🏻💕

04/05/2026
WORLD IMMUNIZATION WEEK 2026 🩺💉💊Maraming salamat sa pakikiisa ng Manila Health Department, kasama ang Health District Of...
25/04/2026

WORLD IMMUNIZATION WEEK 2026 🩺💉💊

Maraming salamat sa pakikiisa ng Manila Health Department, kasama ang Health District Offices I–VI, Smokey Mountain Health Center Personnel at Yakult Philippines sa paggunita ng World Immunization Week sa ating Barangay.

Ang pagbabakuna ay isang napakahalagang hakbang upang maprotektahan ang bawat sanggol at bata laban sa mga sakit na maaaring maiwasan.

Sa pamamagitan ng bakuna, napalalakas nato ang resistensiya ng bawat isa hanggang sa kanilang pagtanda at napipigilan ang pagkalat ng sakit sa komunidad.

Bakit mahalaga ang pagbabakuna?
• Pinipigilan ang pagkalat ng mga nakahahawang sakit
• Pinoprotektahan ang mga bata, matatanda, at buong pamilya.

Sa darating na Hunyo 2026, ay hinihikayat ang lahat ng magulang na ating mga residente sa malawakang bakunahan at tiyaking kumpleto ang bakuna ng kanilang mga anak at mabakunahan pa muli kung kinakailangan.

Magpunta lamang po sa ating Smokey Mountain Health Center tuwing Lunes hanggang Biyernes para sa schedule ng bakuna.

Magpabakuna ! Para sa mas malusog at mas matibay na kalusugan sa komunidad.

TARA NA ❣️SAMA SA SAYAW SA BRGY 128 💃🎶💕- Zumba with FREE VITAL CHECK for a Healthier Communityin support with UDM - NSTP...
17/04/2026

TARA NA ❣️

SAMA SA SAYAW SA BRGY 128 💃🎶💕
- Zumba with FREE VITAL CHECK for a Healthier Community

in support with UDM - NSTP Program Community Immersion, we are gladly inviting every residents to join ZUMBA Activity on :

April 18, 7:00am
at Bldg 18 Covered Court

WEAR YOUR COMFIEST AND LIGHTEST ZUMBA OUTFIT ❣️

- Free Vital Check
- Free Taho AFTER ☺️

11/04/2026

ADVISORY: MAGSUOT NG FACE MASK SA PAGLABAS NG BAHAY 😷

Inaabisuhan ng Manila City Disaster Risk Reduction and Management Department ang lahat ng Manileño na magsuot ng face mask kapag lalabas ng bahay, alinsunod sa patuloy na pagmomonitor sa kalagayan ng kalidad ng hangin sa Kapitolyo ng bansa.

Batay sa Air Quality Index (AQI) mula sa apat na monitoring locations sa ilalim ng Hinga Maynila Program ngayong Abril 11, 2026, alas-5:00 ng hapon, naitalang nasa “Fair” ang Anda Circle, San Sebastian Residences, at Sta. Ana Hospital, habang ang Puregold Tayuman ay nasa antas na “Unhealthy for Sensitive Groups.”

Dahil dito, maaaring makaranas ng hindi magandang epekto sa kalusugan ang mga kabilang sa sensitibong sektor, lalo na ang mga bata, senior citizens, buntis, at mga may iniindang sakit sa baga, puso, o hika. Pinapayuhan ang mga may respiratory illness tulad ng asthma na iwasan o limitahan ang outdoor activities sa mga lugar na apektado ng UFSG level ng hangin.

Ayon sa monitoring, maaaring maiugnay ito sa makapal na usok mula sa nagpapatuloy na sunog sa Navotas Sanitary Landfill, na umaabot sa Metro Manila at mga karatig-lalawigan.

Pinapayuhan ang publiko na maging maingat, limitahan ang matagal na pananatili sa labas kung hindi kinakailangan, at ugaliing magsuot ng face mask bilang pag-iingat laban sa masamang epekto ng maruming hangin.

Patuloy pong minomonitor ng mga kinauukulang tanggapan ng Pamahalaang Lungsod ang sitwasyon upang matiyak ang kaligtasan at kapakanan ng bawat Manileño.


BINATA NA AKO! LIBRENG TULI 👩‍⚕️🍆✂️handong ng ating butihing Konsehal Jhun Ibay.📍April 25, 2026 / 7:00am📍Brgy 137 (Day C...
08/04/2026

BINATA NA AKO! LIBRENG TULI 👩‍⚕️🍆✂️

handong ng ating butihing Konsehal Jhun Ibay.

📍April 25, 2026 / 7:00am
📍Brgy 137 (Day Care Center)

Paalala:
Mangyaring dalhin at gawin lamang ang mga sumusunod:

🪪 XEROX COPY NG ID NG MAGULANG OR GUARDIAN.
📄 BRGY CERTIFICATE NG MAGULANG ( PROOF OF RESIDENCY ).🧴 PALIGUAN ANG BATA BAGO MAGPATULI.
🗒️ MAGDALA NG MANILA PAPER.

** Hanapin sa BRGY 128 HALL si Joven or Brgy BHW para MAKAPAGPALISTA hanggang APRIL 18 LAMANG.


Maraming Salamat po !
☺️🙏💕

08/04/2026

PAUNAWA SA BAGONG SCHEDULE NG ANIMAL BITE TREATMENET CENTER!

Para sa kaligtasan at maayos na serbisyo sa lahat ng pasyente, magsisimula ang bagong sistema ng pagbibigay ng numero para sa Animal Bite Treatment Center (ABTC):

🕚 Simula ng pagbibigay ng numero: 12:00 PM
🔢 Limitado muna sa: 25 na pasyente (para sa first-time patients lamang)

📌 Mahalagang Paalala:
• Hindi na bibigyan ng schedule, kaya mangyaring pumunta sa oras ng pagbibigay ng numero.
• Para sa mga hindi makakuha ng numero, puwede kayong magtungo sa pinakamalapit na Animal Bite Treatment Center.
• Sundin ang health protocols sa loob ng pasilidad.

💉 Ang layunin ng bagong schedule ay upang masigurong lahat ay maaalagaan nang maayos at ligtas.

Maraming salamat sa inyong kooperasyon! 🙏🐶

MAGANDANG ARAW mga Ka-Brgy. 128 Zone 10 Paradise HeightsMEDICAL MISSION + BLOOD LETTING ACTIVITY !8:00am - 12:00nn ONLYB...
28/03/2026

MAGANDANG ARAW mga Ka-Brgy. 128 Zone 10 Paradise Heights
MEDICAL MISSION + BLOOD LETTING ACTIVITY !

8:00am - 12:00nn ONLY
Bldg 18 Covered Court

27/03/2026
24/03/2026

World TB Day | March 24, 2026

Ang TB ay isang sakit na maiiwasan at nagagamot, kaya panahon na para kumilos, magtulungan, at wakasan ang stigma. Sa pakikiisa ng bawat isa, mapoprotektahan natin ang ating pamilya at komunidad dito sa Maynila.

🔎 Magpa-Screen
🧪 Magpa-Test
💊 Magpagamot (kung may TB)
🛡️ Mag-TPT (kung may TB exposure para maiwasan ang paglala)

Huwag matakot o mahiya, ang maagap na pagpapasuri ay susi sa paggaling at pag-iwas sa pagkalat ng sakit.

📅 Ang World TB Day ay ginugunita tuwing March 24 upang paalalahanan tayo sa epekto ng TB sa kalusugan, kabuhayan, at lipunan, at upang paigtingin ang ating pagkilos laban dito.

💬 Dahil YES! Pilipinas can !
👉 Magpasuri, Magpagamot, at Mag-TPT, para protektado ang lahat!

📍 Magtungo sa pinakamalapit na health center kung may sintomas.





Address

Brgy. 128 Zone 10 District 1
Tondo
1013

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when BRGY 128 Health Committee - Barangay Health and Emergency Response Team posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share